Chapter 7 - Sweetheart
Nicholas' POV
"Hi mga classmate, I'm Rose Mendoza, 18 years old nakatira sa tabi ng bahay ni Sam, basketball manager at walang jowa kagaya ni Sam at Margarette. Nice to meet you all." Pakilala ni Rose.
'Single pa si Sam but not for to long.' Naka ngisi kong isip.
"Magandang morning everyone, I'm Samara Medina but you can call me Sam kung tamad kayo, 17 years old, member of the school committee like the first three people na nauna sa akin. Mabait po ako kaya don't be shy to talk to me. Nice to meet you all!" Pakilala naman ng prinsesa ko.
"Oh lastly, 'di po ako clown kaya wag niyo ko laging pagtawanan." Naka pout niyang hirit bago umupo.
"Cute." Pabulong kong sambit.
Pagkatapos nilang magpakilala ay kami naman ang sumunod. Unang nagpakilala si Cain na sinundan ko naman.
"Hi I'm Nicholas Gozon, 18, from States." Maiksi kong pakilala.
Napansin ko na biglang napatingin si Sam at Rose sa akin which I already expected.
"Nich?" Sabay nilang tanong which I find cute.
"Sam, Rose, nice to meet you again." Naka ngisi kong saad.
"Okay class since tapos na kayong lahat magpakilala im going to discuss about our classroom rules..." Saad ng professor namin kaya tahimik na nakinig na lang sila Rose at Sam na naka pout dahil siguro istorbo yung prof sa reunion namin.
Sam's POV
'Istorbo 'tong teacher na 'to ah, sarap niya ipabugbog sa pusa.' Saad ko sa isip ko habang naka pout.
"Rose," pabulong kong tawag sa katabi ko.
"Sam mamaya ka na magtanong may sinasabi teacher natin." Pabulong naman niyang sabi na mas lalong ikinahaba ng labi ko.
"Rose si Nich ba talaga yung lalaki sa likod ko?" Tanong ko kay Rose.
"Sam, siya nga si Nich pero please mamaya ka na magtanong dahil hindi pa ako ready mapagalitan sa first day of school." Medyo galit niyang sagot sa akin.
"Miss Medoza, Miss Medina is there anything you want to tell to the class?" Sita sa amin ng prof.
"Prof, single ka po ba?" Lutang kong tanong sa kanya kasi wala naman akong gustong sabihin sa klase eh.
"At bakit mo naman natanong Miss Medina?" Balik na tanong sa akin ng prof.
"Prof wala naman akong gustong ishare sa klase eh, kaya tinanong na lang kita. At saka nagtanong ako sayo Prof ta's magtatanong kadin sa akin, pwede ba 'yun?" Agad kong saad sa professor na feeling ko ikinainit ng ulo niya.
"Prof tuloy niyo na sinasabi niyo wag niyo na po kami pansinin, the stage is yours po." Biglang sabat ni Rose habang tinatakpan ang bibig ko.
Pagkaupo namin ni Rose ay rinig ko na ang mahinang tawa nila Ivy at Margarette sa gilid ko. Napansin ko din yung ngisi ni Nich na nasa likod ko.
"Ba't kayo natawa?" Mahina at inosente kong tanong sa mga tao sa gilid at likod ko.
"Stay quite, Sam." Bulong ni Nich sa tainga ko na ikinatuwid naman ng upo ko.
'Shems bango ng hininga niya, amoy mint.'
Nicholas' POV
"Stay quite, Sam." Bulong ko sa tainga ng babaeng nasa harapan ko na ikinatuwid naman niya ng upo.
'Sensitive, I see.' I said sa isip ko.
She never failed to amuse the hell out of me. Minsan gusto ko na lang buksan ang ulo ni Sam para malaman ko ano ang nasa isip niya. She's really a treasure and I'm ready to claim and keep her. My Campus Sweetheart is mine and no one can have her except me.
YOU ARE READING
My Campus Sweetheart
RomanceAlam ko na! Dahil tampo ka sa akin, ipapromise ko sayo, Sam, na magiging katulad tayo ng mama at papa mo na laging magkasama at walang iwanan paglaki natin!" Masaya niyang pangako na ikinatuwa ko naman. "Promise yan ha?" Masaya ko siyang niyakap. ━━...