Chapter 8

4 0 0
                                    

Kahapon, namataan na nagkikita ang actor na si Zonic Barcelon sa isa pang kilalang actress na si Belle Ivory. Sinasabi na ito ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng kasintahan na si Jade Vermulo.

Kumalat din sa citizens ang picture ng pagkikita kagabi ni Belle kasama si Direk Bambi, isang batikang direktor. Pinaniniwalaan na may tinatago ang dalawa na relasyon sa likod ng pamilya ng direktor.

“Believe in what you want to believe but I know the truth,” sabi ni Belle. Tinakot niya rin ang mga reporters na mawawala sila sa trabaho dahil sa pangungulit. “You don’t have any consideration,” wika pa niya.

Hindi tinanggi o tinama ni Belle ang kumakalat na balita.

Nakuhanan naman ng panayam si Zonic tungkol dito:

“This is just a mere issue. Tsismis lang ito at ako ang patunay. Belle has nothing to do with my relationship. Jade and I decided to fall apart.”

Tinanggi rin naman ni Direk Bambi ang akusasyon sa kanila at natatawa siyang nagbigay ng saloobin.

“May asawa’t anak na ‘ko. Masarap makatrabaho si Belle because she’s already good, even without trying. Wala kaming tinatago at kasama namin si Miss Camia sa dinner namin. You can ask Miss Camia about it and the staff of the restaurant we went.”

Sa kabila ng pagpanig ni Miss Camia sa statement ng direktor, marami pa rin ang naniniwala na si Belle ang dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahan.

Ayon kay Jade Vermulo, “I didn’t know that he (Zonic) will do this to me. I trusted him but this is what I get. Hinintay pa nilang kumalat na naghiwalay na kami bago pa sila magkita in public. Hindi man lang nila ako hinintay matanggap ang lahat.”

Maaalala noong ika-15 ng Mayo, kumalat sa social media ang mga usapin tungkol sa paghihiwalay ng dating magkasintahan na sina Zonic at Jade. Walang malinaw na dahilan ngunit dahil sa mga post ng kilalang actor at actress (ang tweet at post sa instagram) na nagpapahiwatig na may third wheel na naganap, na sinasabing si Belle, sa dalawa na dahilan ng paghihiwalay nito at ito ang pinapaniwalaan ng mga citizen na tutok sa pagsasama ng dalawa.

Dumagdag din sa usapin ang tungkol sa pinadalang bulaklak ni Zonic na mas nagbibigay pahiwatig sa citizens ng ugnayan ng dalawa. Nalinis man ang kumakalat na usapin tungkol sa affair ng direktor at ni Belle ngunit totoo nga bang ang kilalang actress ang third party sa dating magkarelasyon?

I sniggered.

I read the name of the author of the article I was reading about me and I smirked. Emily Alonzo.

My jaw was set as I contacted Yurie to find the director of the company’s name where the author of the article was released. When she gave me some information, I sent the link of the article to the director with my comment saying that the article does amaze me but not the writer. I even asked for that writer’s info and I said thanks in the last part of my message.

I called the writer as soon as they forwarded her contact to me.

“Do you think I’m a mistress?” I greeted her with a question.

“Sino po ‘to?”

“Answer me!” I yelled at her.

“Miss Belle?” she asked. “Sorry po, wala po akong kinalaman sa article na ‘yan,” she immediately explained. “Hindi ko po alam kung bakit pangalan ko ang nakalagay diyan!”

“Do you think I’m a fool?” I smirked.

“No!” she strongly denied. “Pero hindi po talaga ako ‘yan, kahit tignan niyo pa po ang mga previous topics ko, hindi ko po hilig ang entertainment. Promise po!”

Inexorable EncounterWhere stories live. Discover now