Chapter 4

40 1 0
                                    

Chapter 4

Alice’s POV

WTF?! Wife?!

“Ano bang pinagsasabi mo?” Kung ang ibig niyang sabihin kanina, naku malaking ilusyon lang iyon. Napilitan lang ako para lang tantanan na niya ako.

“Nagpakasal tayo kanina. Kaya sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin.” Sabi niya sabay hila sa akin.

“Sa pagkakaalam ko may deal tayo ha! Sabi mo lalayuan mo na ako! At tsaka hindi totoo yung kasal!”

“Well it seems that you’ve fell on my trap. I wasn’t going to leave you in the first place anyway and I don’t care if the wedding is real or not. You’re still my wife.” Sabi niya.

“Bahala ka sa buhay mo! Wife mo mukha mo! Hindi ka patas sa deal!” sabi ko sabay talikod. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Bago pa ako makalayo ay hinapit na niya ang bewang ko.

“Not so fast darling. You’re not going away.” Sabi niya at kinaladkad ako papuntang kotse na at pinasok. Agad naman siyang pumasok sa kabila.

“Bitawan mo ako! Alam ko na ang gagawin mo! Itatanan mo ako noh?! Taena, aoko hindi pa ako pwede!” Sigaw ko since asawa daw niya ako nahulaan ko na kung saan niya ako dadalhin. Ayoko pa mabuntis at lalo na ayoko na siya ang ama!

“Hahahahahahahahha” tawa siya ng tawa. Pinagloloko ako nitong lalaking ito eh.

“Ano bang problema mo ha?!” Naiinis kong tanong.

“Ikaw kasi eh kung anu-ano pinag-iisip mo. Hindi kita itatanan at tsaka hindi naman ako ganon. Iba ako, may respeto ako sa babae.” Sabi niya nang seryoso.

“Weh? Maniwala ako. Ang dami-dami mong babae tapos pinapaiyak mo pa tapos sasabihin mo may respeto ka? Sus, ikuwento mo na lang sa pagong, madami pa akong gagawin.” Sabi ko at akmang bubuksan ang pintuan ng kotse pero hindi ito nabukas.

Pinipilit kong buksan pero ayaw pa rin. Tumingin naman ako sa kanya at nakitang natutuwa siyang makita na nahihirapan ako. Sadista!

“Kahit anong gawin mo hindi mo yan mabubuksan. Naka child’s lock yan at ako lang ang makakabukas niyan.” Sabi niya habang nakangisi. Pinaandar naman niya ang kotse at nagsimula nang magdrive. Wala naman akong nagawa kundi ang manahimik. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero kapag sa bahay niya talaga ay babatukan ko siya.

Nakatingin lang ako sa labas at nahulaan kung saan kami pupunta.  Pasalamat siya Friday ngayon kaya papayag ako idala niya ako sa MOA. Hindi naman ako nagkamali nang pumunta kami sa open parking para magpark. Nang makapagpark ay lumabas na kami. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papasok sa mga mall. Since Valentines Day parin ngayon ay puno pa rin ng puso ang mall. Madami ang namamasyal kahit mga estudyante.

Tinignan ko ang kamay naming magkahawak tapos siya naman ang tinignan ko. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko na parang ayaw niya akong mawala. Sinubukan ko naman na tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mas humigpit lang iyon. Kaya mas nilakasan ko ang paghila pero hindi ko parin talaga makuha kamay ko. Pursigido talaga siya na hindi ako pakawalan.

He's the One?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon