Chapter 1

118 1 0
                                    

Chapter 1

                        

Alice’s Pov

“Ahhhhhhhhhhh!!!!! Si Jake Fernandez! Nandyan na siya galing States!” Ang ingay naman! Ano naman kung dito si Jake Fernandez?!

Dumiretso na lang ako sa classroom dahil ang ingay sa corridor. Si Jake Fenandez, ang kaisa-isa na kinagigiliwan ng mga babae sa school. Si Jake at ang mga kabarkada niya. Aaminin ko gwapo, matangkad at macho si Jake pero pagdating sa ugali niya nakakaturn-off. Unang-una playboy, madami siyang girlfriend at hindi uso sa kanya ang one at a time. Pangalawa basagulero, nakikipag-away sa kahit sino kahit mabunggo lang siya ng kaunti. Pangatlo mahilig pumunta sa bar, since anak siya ng mayaman madami akong nakikita na pictures niya na nakikipag-away sa bar. Lastly mayabang, mahilig siyang sabihin na ang gwapo niya daw at lahat nasa kanya na.

Oo nga lahat nasa kanya na, lahat ng ayaw ko sa lalake nasa kanya na.  Kinaiinisan ko talaga siya simula nung bata pa lang kami.

FLASHBACK

 

“Hahahahaha! Lampa ka kasi kaya ka nadapa!” sabay tawa niya. Nakakainis! Paanong hindi ako madadapa kung pinatid nila ako?!

 

“Kayo ang may gawa nito!! Hindi ako lampa!” sigaw ko sa kanila pero hindi nila ako pinakinggan tawa parin sila ng tawa. Tumayo na lang ako kahit may sugat na ako sa tuhod. Bahala sila ,susumbong ko sila kay maa’m.

 

“Hoy Alice in the Wonderland! Saan ka pupunta? Hoy Alice Alcantara!” sigaw niya. Bahala siya lagot na nga siya kay ma’am lagot pa siya kay Daddy.

 

END OF FLASHBACK

 

Kahit naman sinumbong ko siya kay Dad eh hindi naman nila ako tinigilan kasi sabi rin naman ni Dad ay pabayaan na lang sila. Yung dalawa ko naman na kuya walang pakielam sa akin. Tumigil lang siya nung aalis na sila papuntang States.

“Hello Earth to Alice Earth to Alice!” sabi ni Lyn sabay wagayway ng kamay sa harap ko. Tinampal ko naman ang mga kamay niya. Nginisian naman niya ako.

“Kaya ka inaasar ni Jake eh kasi kapag lutang ka para kang nasa Wonderland.”

“Lyn, don’t say bad words.” Inirapan niya lang ako.

“Wushu! Sabihin mo excited ka lang na makita ulit si Jake. Chance mo na toh, fight for your love!” binatukan ko naman siya .

“Gaga, fight for love ka dyan hindi ko nga gusto yung ideya na bumalik siya dito galing States. Sigurado na walang nabago sa ugali niya. Ganun pa rin siya katindi.” Nagkibit-balikat lang siya.

Tumigil na kami sa pag-uusap kasi dumating na ang adviser namin. Nagsalubong naman ang kilay ko nang makita kung sino ang nakasunod sa kanya. Langya! Parehas pa kami ng section! Pwede naman sa kabila, bakit dito pa?!

“Kyahhhh! Dito siya sa atin mapupunta! Buti na lang ang swerte natin, matitignan natin siya nang matagal.”

 

“Oo nga eh. Saan kaya siya uupo?”

 

“Malay mo sa tabi natin!”

 

“Oo nga noh?!”

 

Parang tanga lang kung kumilig eh. Gwapo nga hindi naman maganda ugali, bulag ba sila?

“Class, this is Jake Fernandez and he is your new classmate.” Sabi ng adviser namin. Gumala naman ang tingin niya sa buong klase at tumigil iyon sa pwesto ko. Napangisi naman siya.

Arghhh! Naiinis talga ako sa kanya. Pinagdasal ko nga na sana nakalimutan na niya ako pero parang hindi kasi nakangisi siya. Kabisado na kabisado ko ang mga galaw niya. Nakakainis! Hindi ko na feel pumasok!

May asungot na naman sa buhay ko!

He's the One?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon