Chapter 3
Alice's POV
Nagyon ay Valentines Day at puno ng puso ang school. Pweh! Nasusuka ako sa puro PDA na nakikita ko. PDA dito PDa doon. Paano naman ang mga single?! Nganga.
Naiinis ako. Hindi naman ako bitter kasi hindi naman ako nagkakaroon ng boyfriend pero pag-aaral na muna dapat ang unahin. Arghhh.
Nakatamabay lang ako dito sa garden ng school mag-isa kasi naman si Lyn may boyfriend na at kasama niya iyon ngayon. May program na magaganap mamaya para sa students at teachers kasi Valentines ngayon. Mayroon pa ngang Marriage Booth dito eh. Madaming nagpapakasal na estudyante pati mga guro nagpapakasal na rin.
At dahil break ngayon ay open na naman ang Marriage Booth. Masama pa rin ang tingin sa akin ng mga babae dahil sa ginawa ni Jake na paghalik sa pisngi ko nung nakaraan. Binaliwala ko na lang ang nakamamatay nilang tingin. Kung alam lang nila kung ilang beses ako naghilamos para lang matanggal ang nakakadiring halik ni Jake.
"Aww lonely siya." Tinignan ko ang nagsabi nun at nakita ko nanaman si Jake The Asungot. Hindi ko siya pinansin. Umupo naman siya sa tabi ko.
"Ouch, snob ka naman masyado. Nahurt feeling ko dun." Napataas kilay ko. Nahurt?! Tusukin ko mata niya eh.
"Pwede ba Jake iba guluhin mo at wag ako. May ka-date ka naman ngayon bakit di na lang siya ang samahan mo. Nababadtrip ako sayo lalo eh."
"Badtrip? Asus, hindi ako naniniwala. Alam ko sa kaloob-looban mo gusto mo ako yayain sa Marriage Booth." WTF?! Saan niya naman nakuha yun?!
"Yuck, nakakadiri ka naman. Mas gugustuhin ko pang pakasalan ang iba kesa sa iyo."
"Hoy, grabe ka ah. Wala naman akong date ngayon kaya sige papakasalan kita." Bigla niya akong hinila patayo at kinaladkad papunta sa booth na iyon. Pinigilan ko naman siya.
"Bitawan mo ako! Ayoko sayo! Hindi kita papakasalan." Sigaw ko at pilit na tinatanggal ang hawak niya sa akin pero sobrang higpit niya. Humawak na lang ako sa bench para hindi niya ako madala doon.
"Wag ka nang mahiya, Alice. Ako naman ang magbabayad sa booth eh." Sabi niya at natanggal niya ako sa pagkakahawak ko sa bench.
"Hoy! Hindi ako pulubi at mas lalong hindi ako nahihiya sayo! Ayaw lang talaga kitang pakasalan at makasama!" Binaliwala niya ang sinabi ko at talagang dinala niya ako sa booth.
"Magpapakasal po kami." Sabi niya kay Ms. Santiago. Teacher kasi ang nagkakasal sa mga estudyante. Nakita ko naman na napangiti si Ms. Santiago.
"Naku! Mabuti naman at inaya mo si Alice. Tuwing ganitong araw ay mag-isa lang iyan kala ko ayaw niya lang talaga sa mga nanliligaw sa kanya yun naman pala ay kayo na." Eh?! Nakita ko namang ngumisi Jake. Arghh!
"Talaga po? Mabuti naman kung ganun. Nagyon alam ko na talagang loyal sa akin si Alice." sabi niya sabay akbay sa akin.
"Hind-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi mas humigpit ang akbay ni Jake sa akin at sinabing.
"Ang sweet mo talaga babe" sabay harap sa akin at kurot sa pisngi ko.
"Hayy nako, oh eto pirmahan niyo muna yan. Yan ang magiging marriage certificate niyo dito sa booth." Aalis na dapat ako pero sapilitang pinapirma ni Jake sa akin iyo at may kasamang pang banta. Wala naman akong nagawa. Gusto ko na lang matapos itong kalokohan ng lalaking ito.
Pagkatapos namin pirmahan iyon ay biglang may babaeng naglagay ng belo at bulaklak sa akin at dinala ako sa dulo at sinabing doon ako maglalakad papuntang booth.
Nagsimula ang kanta at nagsimula na rin akong maglakad papunta kay Jake. Nandun siya at nakangisi sa akin. Sa totoo lang gusto ko umalis pero gusto kong tigilan niya na ako dahil ang banta niya sa akin kanina ay kapag hindi ko pinirmahan at tumakbo ako at hindi niya ako titigilan. Sumunod na lang ako sa trip niya.
Tumingin ako sa paligid at nakitang madaming estudyante at guro na pala ang nanonood sa amin. Medyo nahiya naman ako. Nahagip na rin ng paningin ko si Lyn na ang laki ng ngiti sa akin pati na rin ang mga babaeng pinapatay ako sa isip nila dahil sa pagpapakasal ko na ito kay Jake. Sa wakas ay nakarating na rin ako kay Jake. Tumabi ako sa kanya at sinakyan trip niya. Maraming sinabi si Ms. Santiago at pinabasa pa sa amin ang vows.
"Jake Fernandez, do you take Alice Alcantara to be your wife? Do you promise to be true to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and honor her all the days of your life?"
"I Do" Nagsigawan naman ang mga taong nanonood ang iba kinikilig pero ang iba naiinis.Tumingin naman sa akin si Ms. Santiago at sinabing.
"Alice Alcantara, do you take Jake Fernandez to be your husband? Do you promise to be true to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and honor him all the days of your life?" Tumingin ako sa mga nanonood pagkatapos kay Jake. Pinanlakihan niya ako ng mata na para bang sinasabi na sumagot na ako. Ngumisi naman ako sa kanya.
"Alice?" tanong ni Ms. Santiago. Napatingin ako sa kanya at nakita kong naghihintay siya ng sagot.
"I....I Do" nakita ko naman na nakahinga ng maluwag si Jake.
Binigay sa amin ni Ms. Santiago ang singsing at sinuot namin iyon sa isa't isa.
"I now pronounce you Man and Wife. You may kiss the bride." Nagtilian ang mga taong nakapaligid sa amin. Napangisi na naman si Jake at walang sabi-sabi na hinalikan ako nang mabilis sa labi. Ang First Kiss ko!!!!!!
Pagkatapos ng kasalan na iyon ay balik na naman sa klase habang naglalakad ako sa hallway ay madaming bumabati sa akin ng congratulations. Hayy jusko kung alam lang nilang sapilitan iyon.
Hindi pa doon nagtapos ang Valentines, nagkaroon pa ng program katulad ng sinayaw ng mga boys ang mga teacher naming mga babae at binigyan ng bulaklak. Pati na rin kaming mga babae ay sinayaw ng mga lalaki at saktong may nag-aya sa akin ay hindi ako tumanggi.
"Hey, that's my wife!" sabi ni Jake sa kasayaw ko. Napairap na lang ako. Lumapit siya sa akin at inagaw ako sa lalaki. Sinayaw niya ako hanggang sa natapos ang kanta.
Natapos na rin ang program at uwian na. Sa wakas! Makakauwi na rin! Nilapitan ko si Lyn at inaya pero ang bruha may date pala kaya napilitan akong umuwi mag-isa. Naglakad na ako paalis nang may humapit ng bewang ko . Tinignan ko naman kung sino iyon at sa kamalas-kamalasan si Jake iyon.
"Hi, wife. Did you forgot that we still have honeymoon?"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'
Late Valentine Update!
Please vote!

BINABASA MO ANG
He's the One?!
RomanceHindi ko siya gusto Sa totoo lang naiinis ako kapag kasama siya Hindi siya ang tipo kong lalaki Pero........ Nagawa niyang baguhin ang isip ko