Chapter 6

23 1 0
                                    

Chapter 6

Alice's Pov

Nanlaki ang mata ko nang halikan ako ni Jake. Nagpumiglas ako pero ang lakas niya kaya pinabayaan ko na lang siya at tumugon na rin sa halik niya. Siya an unang bumitaw sa halik kaya napatulala na lang ako sa kanya. Kinindatan naman niya ako at may pahabol pa siya isang halik.

"Hoy! Sumosobra ka na ah! Abusado ka!" sabi ko naman sa kanya sabay hampas sa balikat niya. Grabe ang tigas ng muscles niya.

"Lagi mo itong tandaan sa akin ka lang Alice at wala ng ibang lalaki ang magmamay-ari sayo kundi ako lang." mariin niyang sabi. Medyo nabawasan ang galit niya. Dapat lang kasi nakascore siya sa akin.

~

Nandito na kami sa sasakyan niya at patungo na sa bahay nila Jake. Hindi ako kinakabahan kasi kung ayaw nila sa akin okay lang, hindi ko naman gusto anak nila eh. Napilitan lang ako nang dahil sa anak nilang makulit.

"Ba't ang tahimik mo?" tanong niya sabay sulyap sa akin.

Hindi ko naman siya sinagot, nakakatamad kasi sumagot.

"Huy! Tinatanong kita." Sabay kalabit sa akin. Tinignan ko naman siya.

"Pake mo ba? Hindi ko feel na sagutin ka eh." Sabi ko.

"Bakit parang feeling ko double meaning yan?"

"Ha? Anong double meaning?" Ang gulo talaga ng lalaking ito. Kung anu-ano ang pinagsasabi.

"Basted na ba agad ako?"

"Bakit nanligaw ka ba?" sabi ko naman sa kanya.

"Hindi pero asawa na kita." Sabi naman niya.

"Bakit ba sineseryoso mo yung kasal natin KUNWARI sa marriage booth?" tanong ko.

"Pake mo ba? Tototohanin rin naman natin yun kaya tinotodo ko na." sabi naman niya habang nagdadrive.

"Anong tototohanin?! Baliw ka na! Ikaw na lang magpakasal sa sarili mo!" sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Kung hindi lang siya nagdadrive kanina ko pa siya nabatukan.

"Ito naman, pakipot pa. Don't worry pagpaplanuhan ko na ang wedding natin." Sabi niya.

Hindi na lang ako sumagot sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Magpakasal siya kung gusto niya. Pero bakit parang ang bigat sa damdamin. Hay......masama lang siguro pakiramdam ko.

Pumasok kami sa malaking gate at nakita ko ang pinakamaganda at pinakamalaki na bahay sa buong buhay ko. Grabe! Ang ganda pa nung garden sa unahan ng bahay. Ang lawak-lawak. Naramdaman ko naman na tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay. Bumaba na ako bago pa niya ako pagbuksan ng pintuan. Napasimangot naman siya sa ginawa ko. Naglakad na kami papunta sa bahay nila.

"Ang ganda naman ng bahay niyo, Jake." Sabi ko habang pinagmamasdan ang loob ng bahay nila. Mas malaki pa pala sa loob.

"Si ate nagdesign nitong bahay." Sabi naman niya. May ate siya?! Hindi ko yun alam ah!

"May ate ka?"

"Hindi ba obvious? Kakasabi ko lang ah." Aba! Pinipilosopo na nito ako.

"Nagtanong ako ng maayos kaya maayos rin dapat isagot mo!" sabi ko naman sa kanya. Alam kong napaka walang hiya ko naman kasi bahay nila ito tapos inaaway ko siya pero kasi pilosopo eh. Nakakainis lang.

"Sorry naman po madam. Opo may ate ako at nasa States siya ngayon. Kung tatanungin mo rin oo, architect siya." Sabi naman niya ng mahinahon.

"Wag mo akong i-po at wag mo akong matawag-tawag na madam. Mas matanda ka sa akin ng ilang months." Pagtataray ko sa kanya.

"Hayy nako. Halika na nga, darling. Naghihintay na sila mom at dad. Papakilala na kita para makasal na tayo agad." Sabay akbay sa akin. Kinurot ko naman siya sa taligiran niya.

"Manahimik ka." sabi ko sa kanya sabay tingin ng masama.

"Oo na ako na ang talo." At naglakad na kami papunta sa sala nila.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 6 updated


Vote if you liked the chapter


Short chapter 


~Lollipop_p

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's the One?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon