Chapter 5
Alice’s POV
Nagising ako ng maaga dahil hindi naman ako nakatulog nang maayos kasi alam niya ang number ko. Saturday ngayon at nakakatamad tumayo mula sa pagkakahiga.
“Alice! Gumising ka na!” sigaw ni kuya Nathan sabay katok ng malakas sa pintuan ko.
“Balak mo bang sirain pintuan ko?!” sigaw sabay bukas ng pintuan. Tinignan niya lang ako ng masama. Problema nito?! Umagang-umaga ang init ng ulo!
“Oo! Magbihis ka nga ng matino! May bisita ka sa baba!” sabi niya sabay walk out. Siguro nautusan lang iyon kay galit na galit. Tinignan ko naman ang suot ko at nakitang maayos naman. Nakashort ako pero hindi naman sobrang ikli tsaka nakasleeveless din ako pero hindi revealing. Since okay naman na sa akin ito ay nag-ayos na lang ako at bumaba.
Hindi ko inaasahan na makita si Jake sa loob ng bahay namin. Anong ginagawa ng asungot na ito sa bahay? Nakaupo lang siya sa sofa habang nanonood. Katabi naman niya ang dalawa kong kapatid.
“Oh Alice may bisita ka.” sabi ni kuya Liam. Napatingin sa akin si Jake at ngumisi. Tinaasan ko naman siya ng kilay. May gana pa siyang ngisian ako sa sarili kong bahay.
“Anong ginagawa mo dito?” mataray kong sabi. Nakatingin lang sa amin sila kuya.
“Alice! Hindi kita tinuruan ng ganyan! Bisita siya dito kaya dapat maayos ang turing mo sa kanya.” Biglang sabi ni mommy na may dalang juice at pagkain.
“Mommy naman eh! Hindi natin siya bisita. Asungot yan!” sabi ko
“Alice Alcantara! Mabuting bata si Jake! Hindi mo dapat siya pagsalitaan ng ganyan.” Sabat ni Daddy. Parang kanina kaming apat lang ang nandito ah.
“Paano niyo nalaman ang pangalan niya, Dad?” tanong ko
“Nagpakilala siya kanina sa aming lahat.” Sabi ni Dad
“Sige na Alice, mag-ayos ka na at sabi ni Jake ay may lakad kayo ngayon.” Taboy sa akin ni Mommy. At kelan kami nagkaroon ng lakad? Bakit parang bago ang lahat ng nangyayari?
“Lakad? Hindi nga namin napag-usapan yun eh. Tsaka Mommy pagod ako.” Sabi ko
“Ma, pabayaan na natin silang dalawa mag-usap.” Sabi naman ni kuya Liam
“Oo nga ma, ang gulo kasi ni Alice eh” sabi naman ni kuya Nathan. Kahit kailan talaga itong kapatid ko na ito napakasupportive brother. Inirapan ko siya pati na rin si Kuya Liam. Kapag galit ako kay kuya Nathan ay nadadamay si Kuya Liam kasi paminsan pinagtutulungan ako ng dalawang iyan tsaka ang lakas ng trip nila parehas. Nagsi-alisan naman silang lahat at kaming dalawa na lang ang natira.
“Lakad? Wala kang sinabing may lakad tayo! Tsaka dapat diba tatantanan mo na ako!” sabi ko sa kanya.
“Yes, I did a while ago and I will never leave your side again, darling” sabi niya habang nakatingin sa akin. Nababaliw na talaga ako sa lalaking ito!
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko kasi kahit naman sabihin ko ayaw ko ay pipilitin niya ako kung hindi ay pipilitin ako ng mga magulang ko.
“Sa bahay ko” tipid niyang sabi. Hinampas ko naman siya ng malakas sa braso niya. Napakawalang hiya talaga nitong lalaking ‘to. Pipili na nga lang ng pupuntahan sa bahay pa niya?! May binabalak na naman ito eh!
“Aray! Bakit mo ‘ko hinampas?” tanong niya. Tinignan ko lang siya ng masama.
“May binabalak ka na masama! Hindi na ako sasama sayo!” sigaw ko. Tinignan niya lang ako tapos biglang tawa.
“Hahahahahahah! You never fail to amuse me!” sabi niya sabay tawa. Mas lalo naman akong nainis sa kanya. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro nakahandusay na siya sa sahig. Tawa parin siya ng tawa kaya tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad paalis. Bahala siya dyan! Hihiga na lang ako sa kama magdamag.
“Hey! Where are you going?” tanong niya. Hindi ko siya pinansin pero itong asungot na ito hinawakan ako sa braso at pinaharap sa kanya. Seryoso na siya ngayon.
“Hindi ako nagbibiro sa bahay ko nga tayo pupunta pero hindi natin gagawin ang nasa isip mo. Siguro next time na lang natin gawin yang iniisip mo.” Sabi niya mas lalo namang sumama ang tingin ko sa kanya. Napakabastos talaga nito! Hindi nagbago! Pumunta-punta pa sa States eh hindi naman tumino!
“Chill, sige sasabihin ko na sayo. Nasa bahay sila mom and dad at gusto nilang may babae akong ipakilala sa kanila bago sila bumalik ng States.” Sabi niya.
“Anong pumasok diyan sa kokote mo at ako pa talaga ang pinili mong babae?” tanong ko. Sa sobrang dami niyang babae eh ako pa ang napili.
“Because….you’re available?” patanong niyang sagot.
“Eh pano kung sinabi kong hindi ako available, anong gagawin mo? “ tanong ko sa kanya. Nakita ko naman na sumeryoso ang tingin niya sa akin at umigting ang panga niya.
“Then I will beat the crap out of that boy.” seryoso niyang sabi. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Diba dapat niyang sabihin ay ‘Okay, I’ll stop bugging you from now on’ o kaya ‘Fine then I’ll leave you with you lover’.
“Woah, diba dapat papabayaan mo na kami magsama.” Sabi ko. Parang mas lalo kong pinalala ang sitwasyon kasi mas lalo siyang nagalit.
“You’re mine and I’ll never let you go.” Sabi niya at nagulat na lang ako nang halikan niya ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 5 updated!
Vote if you liked the chapter!
~Lollipop_p
![](https://img.wattpad.com/cover/26808859-288-k528247.jpg)
BINABASA MO ANG
He's the One?!
RomanceHindi ko siya gusto Sa totoo lang naiinis ako kapag kasama siya Hindi siya ang tipo kong lalaki Pero........ Nagawa niyang baguhin ang isip ko