Chapter 2

60 0 0
                                    

Chapter 2

Alice’s POV

Pagkatapos magpakilala sa klase ay pinapili na siya ng kanyang pwesto at para na rin magsimula ang klase. At ang letseng lalaki na iyon ay nakatingin sa bakanteng pwesto sa tabi ko. Huwag na huwag siyang magkakamali na piliin iyon.

Pero dahil dito siya nakatingin ay dito na rin siya sa tabi ko pinaupo. Nakita ko siya na papunta dito kaya umiwas ako ng tingin. Magkukunwari na lang ako na parang hindi ko siya kilala.

Naramdaman ko naman na nasa tabi ko na siya. Nagtaka naman ako kasi ang tahimik niya. Hindi siya katulad dati na sobrang ingay at sobra rin mang-asar. Siguro mature na siya ngayon kahit papano. Nakinig na lang ako sa lesson nang biglang maramdaman ko na medyo dumikit siya sakin kasabay na rin noon ay bumulong siya na nagpainit ng ulo ko.

“I’m back, Alice.  Did you enjoy your wonderland while I was away?”

Kumulo ang dugo ko. Feeling ko namula ako sa galit. Okay lang yan Alice………pagsubok lang ito. Katulad ng dati aalis ulit siya. Napagdesisyunan ko naman na ituloy na lang din ang pagkukunwari ko na hindi ko na siya matandaan. Tumingin ako sa kanya na parang nagtataka at sinabing.

“Paano mo nalaman pangalan ko? Sorry kasi ngayon lang kita nakilala.” Painosenteng sabi ko.

“Huwag mo ako lokohin, alam kong naaalala mo ko. Base sa expression mo kaninang pagpasok ko ay kilala mo ako.”

“Nagkakamali ka lang.” Ngumisi naman siya sa akin. Alam kong hindi siya naniniwala pero paninindigan ko na ito.

“Ang kulet! Ngayon nga lang kita nakita!” pasigaw na bulong ko sa kanya. Mas lumaki naman ang ngisi niya at natawa na lang bigla.

“Hahahahaha obvious ka masyado, Alice. Wala pa nga akong sinasabi eh. Magkukunwari na nga lang epic fail pa.” nakakainis hindi umepekto ang plano ko!

“Shhhh! Manahimik ka! Huwag mo akong guluhin!” hindi ko na lang siya pinansin at nakinig na lang ulit sa lesson.

Tinignan ko naman ang pwesto ni Lyn at nakita kong natatawa siya sa mga nangyayari ngayon. Binigyan ko lang siya ng masamang tingin at nawala na ang ngiti sa labi niya. Binura ko na ang memories ko dati kasama si Jake at alam iyon ni Lyn.

~BREAK TIME~

Dahil sa madami siyang kaibigan dito dati na nag-aaral pa rin dito ay naging usap-usapin siya ng campus. Kesyo bumalik na daw ang heartthrob ng campus. Nye…nye……nye puro pangalan niya ang naririnig ko. Nakakasuka! Umupo naman kami ni Lyn sa lagi naming pwesto dito sa cafeteria.

Kumain na kami ng aming baon nang biglang bumukas ang pintuan at nagsitilian ang mga babae. Napailing na lang ako sa nakita kong lagay ng mga fans ni Jake. Wala naman kaming pake ni Lyn kaya nagpatuloy na lang kami.

“Oh my gosh! Dito papunta si Jake! Ako kaya pupuntahan niya? Ano bang sasabihin ko paglapit niya?”

 

“Oo nga noh! Hindi ikaw ang pupuntahan niya, ako  kaya!”

 

“Kapal mo! Tatanungin niya na nga ako kung gusto ko bang maging girlfriend niya eh!”

 

“Mas lalo naman makapal ang mukha mo!”

 

Hayy……ang ingay naman nitong mga babae sa may likod namin. Nagulat na lang ako nang may tumabi sa akin at umakbay.

“I missed you, Alice.” sabay halik sa pisnge ko kasabay narin noon ang tilian ng mga babae.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 2 updated!

He's the One?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon