Kabanata 7

20 5 0
                                    

"Liana, let's go na! Maganda naman 'yang damit mo. Tara na!" Sigaw ni Ate Riana na nasa loob na ng van habang nakalabas ang ulo sa bintana at nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.

I'm wearing a shirred cuff thigh dress, which is lovely but makes me feel uneasy when I'm wearing it. This one is fine in my opinion, unlike the dress worn by my eldest sister, Riana, which is a lapel neck pleated detail dress.

I am holding a small handbag, my sister Ezikiah buy this for me. She always spending her money for clothes, bag and make ups like my eldest sister.

"Coming..." Wika ko saka naglakad papunta sa van dala ang envelop kung saan nakalagay ang mga papeles na ipapasa ko sa university.

Binuksan ko ang pintuan sa backseat saka pumasok roon, isinara ko ang pintuan ng sasakyan saka tinignan si Ate Ezikiah na nakaupo sa passenger seat habang ang magmamaneho ay si Kuya Triston. Wala si Kuya Allerick kaya si Kuya Triston ang magmamaneho, nagtr-trabaho kasi si Kuya Allerick kasama ang kaapatid niya na si Dariel.

Pagpasok ko ay nagmaneho na si Kuya Triston. Hindi ko ko alam kung malayo ba ang pupuntahan namin o malapit lang dahil hindi naman ako mahilig magtanong.

Payag na sina Dad at Mom sa relasyon nilang dalawa pero alamin daw nila ang limitasyon nilang dalawa pagdating sa pagrerelasyon.

"Ezikiah, malapit lang ba ang university dito? Marami bang tao roon?" Tanong ni Ate Riana na mukhang inip na. Napakabilis niyang mainip, halos sampung minuto pa lang nakakalipas simula no'ng umandar ang sasakyan.

"Malapit na, Miss. Ayun 'yung University, oh!" Tinuro ni Kuya ang university kung saan maraming mga katulad namin ang mga pumapasok sa gate ng university. Kahit tirik na tirik ang araw ay marami pa ring naglalakad sa gitna ng sikat ng araw, may mga dahon na nalalaglag galing sa nga puno at ang mga dahon na iyon ay tuyot na.

Tag-init ngayon kaya sobrang init ng panahon. Ang ibang pananim nga raw ay nalalanta sa init ng panahon. Kung minsan ay umuulan sa hapon ngunit sandali lamang at hindi pa lumalamig, mas lalo pa ngang umiinit ang singaw dahil umulan.

Inalis ko roon ang tingin ko at ibinaling sa suot ko ang tingin ko. Wala na akong magagawa kaya lalabas ako mamaya para ibigay ang papeles ko sa dean's office mamaya. Sa susunod ay hindi na talaga ako magsusuot ng ganito kahit sabihin pa ni Ate sa akin, hindi na talaga.

Napatingin ako kay Ate Riana na inabot sa akin ang Acrylic Frame Sunglasses. Mayroon din siya na ganoon ngunit hindi pa nakasuot dahil hawak pa lang niya, si Ate Ezikiah ay suot na ang sa kanya pero nakataas iyon.

"What's that?" Takang tanong ko, tinignan naman niya ako at inilagay sa lap ko iyon. Isinuot niya ang kanya bago tumingin sa akin.

"Wear that na. Mainit ang sinag ng araw, oh. Masakit sa mata." She said. I took the sunglasses and wear it.

Lumiko ang kotse para makapasok sa loob ng university ang sasakyan. Nakita ko sa bintana na nakahinto ang ibang estudyante habang ang iba ay patuloy sa paglakad, naunang bumaba ang mga kapatid ko at ako naman ang huking bumaba.

Nang makababa ako ay halos mahiya ako nang sobra sobra dahil maraming nakatingin sa amin, ang iba ay nakatingin sa akin kaya gusto ko na lang na bumalik sa loob ng sasakyan.

What the hell.

"Tara na?" Aya ni Ate Ezikiah saka pumwesto sa kabilang bahagi ko para i-gitna nila akong dalawa.

Aalisin ko sana ang salamin ko pero pinigilan ako ni Ate Riana, tinignan ko siya na diretsong nakatingin sa mga estudyante. Pati si Ate Ezikiah ay ganoon din katulad niya.

Ano ba ang gusto nila? Nakakahiya naman.

"Itaas mo ang noo mo, Liana..." Bulong ni Ate Ezikiah sa gilid ko saka sinenyasan kami na maglakad. Ginawa ko ang sinabi niya ngunit hindi ganoon kataas ang tingin ko.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon