Nakaramdam ako na may yumuyugyog sakin. Hindi ko nalang pinansin dahil nakatitig pa din ako sa kanya. pero nagulat ako ng may bumuhos ng tubig sa’kin. “what the hell?!”
“harujusko! Anong problema mo? Hello! Andito na tayo oh, kanina ka pa doon nakatingin!” turo niya dun kay ryan.
Ako nga pala si Ami Tanaka. Maganda, Sexy , Matalino—“hoy hoy, mali mali naman yang information na sinasabi mo!” sigaw ng bestfriend ko sa’kin. “eh! Wag ka ngang makielam tsk!” sigaw ko naman.
Ehem, pero ang totoo talaga ay isa lang akong simpleng tao. Kung gusto niyong sabihin na maganda ako edi go! Hahaha! Anyway, I’m a 3rd year student. birthday ko nga po pala sa feb 14. Yes it’s 14. J I’m 16 years old mag-17 na ko next year.
Malamang di ‘ba? Magulat ka kung next year nabawasan yung edad mo.
So ayun nga, im a happy-go-lucky girl. Aaminin ko na hindi ako matalino. Sino ba naman kasi ang sisipagin mag-aral di ‘ba? Hayst! Pero sympre joke lang yun, kahit papaano ay nagbabasa ako. Example nalang ay yung pagbabasa ko palagi sa wattpad. Oh? Walang basagan ng trip! Binabasa naman yung mga stories sa wattpad ah? HAH!
Eto namang kasama ko ay si Erika madison. Siya ang bestfriend ko. Sympre babae siya ahuh. Siya ang tatanga tanga kong kaibigan. Pero sympre , joke ulit yun! Haha!
“hoy bakla, feeling ko iniisip mo ko eh. Kaya ba ako kinikilabutan? Ikaw ah , d ko alam na may lihim ka na pagtingin sa’kin. Hoy wag ganyan hindi ako interesado sa’yo!”
Tinaasan ko siya ng kilay. “for your information hindi din ako interesado sa’yo no!”
Tinarayan ko na lang siya. Galling ako sa mayamang pamilya kaya hindi pa ko nakakaranas ng hirap. Eh ang kaso wala akong alam sa mga gawaing bahay. Hayst. Wala naman kasing nagturo sakin nung bata pa ako. Pano ba naman kasi yung mga parents ko ay palaging busy sa kanilang mga trabaho. Sino ba naman ang hindi magiging masaya sa ganon?
So moving on, yung kanina na ryan is yung childhood friend ko. Kaso ngayong araw na ito ay may kasama siyang girl kaya yun ung kasama niya. Yun yung current girlfriend niya. Yes tama kayo sa nabasa niyo that’s his ‘current girlfriend’. Ang bestfriend ko kasi ay isang playboy. Kaya kung sinuman ang magconfess sa kanya at hingan siya ng pabor kung pwede siya maging boyfriend ay go lang siya ng go.
Kung ayaw na nung girl or nagsawa na siya ay aawayan niya na. sa buong buhay ko ay hindi ko nakita na ma-inlove ang childhood friend ko sa kahit kanino. Kaya eto ako kampante dahil alam ko na wala siyang seseryosohin na babae na nagiging gf niya.
“pano ka naman kasi mapapansin ng friend mo eh hindi ka nga nagco-confess. Dun palang talo ka na oi.” Sabi niya habang sinisipsip ang juice na binili niya. “hayst. Kasi nga Erika pano kung magconfess ako tapos maging isa din ako sa mga babae na yun nga. Hayst. Saka kung ayawan niya man ako, pano kung magbago ang pakikitungo niya sa’kin?”
Nagbuntong hininga lang siya. “well may tama ka dyan. Hay basta bahala ka sa buhay mo.”
“grabe. Napaka-supportive mong bestfriend!” I said sarcastically. “sympre ganun kita ka mahal!”
Tignan mo ‘tong babaeng ‘to. Kahit ganyan yan mahal ko yan. Di ‘ba ganyan naman madalas ang mga kaibigan niyo? Mas ayos na din naman yung ganito ang bestfriend ko kasi alam ko na totoo siyang kaibigan. Agree? Agree!
Bumalik kami sa room naming at naabutan namin si ryan na pinalilibutan ng mga babae. Ngumingiti lang naman siya dito. Nung nakadaan kami ni Erika ay lumapit siya sa amin.
Oh diba? Yieee! Kinikilig ako syet!
“paheram naman ng ballpen ami.” Sabi niya habang ng pu-puppy face.
Awww! Cute! “ tss, wala ka nanaman bang ballpen? Eto oh.” Tinitigan ko lang yung babaeng nagabot sa kanya ng ballpen. “salamat dito” sabi naman ni ryan habang ngumingiti ditto.
Hmp! Na-ballpen zoned siya! Kawawa!
Dumiretso naman kaming dalawa ni Erika sa mga seats namin. Sa harap ko lang nakaupo si Erika kaya kapag naguusap kami ay madali nalang.
May binulong naman ako sa kanya, “haha!, natatawa ako dun kanina sa babae. Na-ballpen zone siya dun ni ryan!”
Binatukan niya naman ako. “t@ng@! pasalamat ka nga at siya ang nangheram dahil kung ikaw yung nangheram sigurado ako na ikaw ang maba-ballpen zone dyan!”
Napaisip naman ako. Oo nga no.
May naalala naman ako bigla, “teka lang Erika ah.”
Tumango lang siya at binalik niya ang sarili niya sa pagbabasa. Mahilig magbasa ng libro si Erika hindi naman siya nerd kuno. Pero tama lang. hobby niya lang magbasa , and worst ay yung mga binabasa niya ay yung mapandugong ilong. Just imagine that right? Huh!
Kinalalkal ko naman yung mga gamit ko sa bag. Hala, wala?
Kinalabit ko naman si Erika, pero bago ko pa siya makausap ay may lumapit sa kanya. “hoy nerd, yung pagkain ko asan na?” sabi nung lalaking nakataas ang buhok na akala mo ay rakista.
“aba ewan ko, ako ba ang nagluluto ng pagkain mo?” pagbabara naman ni Erika nito.
Siguro bago lang tong rakista na to—este estudyante na to. “aba! At sumasagot ka pa?!”
“ay hindi ba halata na sumasagot siya? Huy Erika kilala mo ba tong lalaking to? Tanga na bobo pa!” komento ko.
Kita ko naman na namumula na siya hahampasin niya na sana ako ng may humarang na kamay sa kanya. “bago ka lang dito, huwag kang gumawa ng away agad agad.”
s-si.. ryan.
Ang aking prince charming!
“tss, epal ka talaga palagi eh no? kaya ko naman ang sarili ko eh!” sigaw ni Erika sa kanya habang sinusuntok pa ng malakas sa braso si ryan.
Natawa nalang ako. Madalas kasing ganyan. Pinagkakamalan palagi na nerd si Erika dahil nga may malalaki siyang glasses and mahilig siyang magbasa ng libro pero ang totoo ay hindi naman talaga siya nerd. It’s fashion! Haha!
Umalis naman agad si ryan dahil tinawag siya nung gf niya. Nagba-bye lang din kami kasi dumating na ang teacher namin.
Naalala ko naman yung sasabihin ko dapat kay Erika kaya kinalabit ko ulit siya. “ ano ba yun ami?”
“ah eh… wala kasi akong ballpen. Paheram naman oh?”
“tignan mo! Ikaw nga walang ballpen tapos balak mo pang magpaheram kay ryan! Jusko!”
~*~
BINABASA MO ANG
Masakit Pala, Sobra.
Romancekailangan ko pa tumingin sa iba para lang hindi na ko masaktan. hindi ko naman kasi alam na ganito kasakit. kaya pwede ba.. tama na? ang sakit sakit na.