[Ami]
Nakatitig pa din ako sa kanya. Hinihintay ko siyang magsalita. Tuloy pa din ang luha ko sa pag-agos.
Why is he making a face like that?
Dahan dahan akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. This is it.this is really isn’t it?
Kinikilig ako! Pero bago pa ako tuluyang magsaya ay bigla niyang piniglas ang yakap namin. “w-why? Di-diba, p-pinili mo ko? Why are you pushing me away?” naluluha kong tanong.
Pinitik niya naman ako sa ulo. “baliw, sa tingin mo maiiwan kita diyan na umiiyak sa gitna ng kalsada? I didn’t chose you.. i-im sorry.. kaibigan lang ang tingin ko sayo.”
Yumuko siya pagkatapos niyang sabihin yun. A-ah o..ok.. maling akala lang pala yun..
i..i s-see..
~*~
“huy stupid! Anong oras na, malalate ka na! tayo!!!” pilit akong hinihila ni Erika sa kama pero wala akong gana. Nasabi ko bang nareject ako? Haha.
Ha-ha…
~*~
[3rd person]
Pilit na kinakaladkad ni Erika ang kaibigan niyang si ami papasok sa banyo.
Ilang beses na kasing hindi pumapasok ang kanyang kaibigan. Akalain niyo , 3 weeks na siyang hindi pumapasok at madadatnan niya lang ito na umiiyak at nakatunganga ng kawalan? Just how much did she cried? She thought.
Nang mahatak na ni Erika ang naluluha niyang kaibigan ay inupo niya ito sa inidoro.
Pinuno niya ang tabo ng malamig na tubig , fresh from the gripo. Kaya naman alam na alam natin na maagang gumigising na malamig ito. Anyway, ibinuhos niya ito sa mukha ni ami upang magising ang diwa nito.
Napahilamos nalang bigla si ami sa mukha niya dahil nagulat siya sa ginawa ng kanyang kaibigan. “leche!!! Huhu! Umiiyak na nga ako ginaganito mo pa.. a-ako!! Huhu! I-comfort mo ko!!” parang batang sabi niya.
She just rolled her eyes at binuhusan ulit ang mukha ni ami. “manahimik ka na ah! Pag ako nainis sayo iiwan talaga kita! Yan kasi, late ka na ! naagaw na tuloy yang lalaking yan sayo!”
“eh, kasi… *sniff*”
“kaya pls, tigil tigilan mo na siya. Wala ka ng mapapala dun sa lalaking yun ami.. kung gusto mong saktan ang sarili mo ng ganyan.. pwes, ako na ang gagawa sayo niyan!”
Kala mong walang pakielam lang ang kaibigan niya, pero ang totoo ay nag-aalala talaga siya para sa kanyang kaibigan. Dahil simula noong nag-transfer si Erika sa paaralan na iyon ay si ami ang pinaka-una na babae na nakipagkaibgan sa kanya.
Nang makalabas na si Erika sa banyo ay malungkot na naligo si ami kahit na labag pa sa looban niya na pumasok. May higit 20 minutes pa sila pumasok kaya naman napagpasyahan nila munang mag-usap.
Nakaupo lamang si ami sa kama at si Erika.
“i.. I’ve given up.. o-on ryan.. naisip ko kasi na tama ka.. huli na ko.. kung sana nag-confess agad ako ay sana.. nagkaroon pa ako ng chance.. pero ngayon nagets ko na yung mga bagay na sinabi mo sa’kin. At alam ko na ang dapat kong gawin.. ” malungkot na saad nito.
Lumaki ang mata ng kanyang kaibigan. Ang akala ni ami ay pipigilan niya ito at babaguhin ang isip nito ngunit kabaligtaran ang nakuha niya,
“omg! Really! Buti naman! Hay! Sawang sawa na ko sa kakangawa mo! Buti nama’t nagsawa ka din! Haysstttt ! im so happy.” Masayang tumayo ang kaibigan niya at hinatak nalamang siya.
“t-teka… hindi yan ang inaasahan kong gagawin mo!” naiiyak na sabi ni ami.
Hinawakan naman ni Erika ang kwelyo ng kanyang kaibigan at tinitigan siya ng masama ng may ngisi sa kanyang mga labi. “ so.. binabawi mo ang sinasabi mo? Tanga ka ba? Tama na yang pagmumukmok mo at mag move on ka na. pumasok ka na, walang mangyayari kung tatanga ka lang dito. O,sya tara na. kung ayaw mo, sisiguraduhin kong sunugin lahat ng collections mo na damit.” Pananakot nito.
Kinilabutan naman bigla si ami. At napasunod na lamang ito kahit labag sa kanyang kalooban.
DEVIL! She thought.
~*~
[Ami]
Grabe! Hindi ako makapaniwala na yoon ang gagawin niya! Huhu! Pero tama siya, kailangan ko ng mag move-on! Fightoooo~
Break time na namin. At sa buong araw ay hindi ko pinapansin si ryan—let me rephrase that, hindi pala ako lumilingon sa kanya dahil baka kung anong masabi ko pa.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay may nakita akong mga babae na nakatayo malapit sa upuan ni miyu at may hawak silang pentel pen na color black.
Lumapit naman ako ng kaunti at nakita ko na vinandalize nila ang lamesa nito. Yung mga babaeng nagvandalize nito ay namumukaan ko.
Yes! I remember! Sila yung nakasalubong ko sa cr!
Nung lumapit ako ay nagulat ako ng bigla silang humarap sakin at ngumisi. “ami, for all I know isa ka sa amin diba? Kaya halika! Sulatan mo din yung lamesa nung malanding yun! Look at what we did at her chair! Bagay lang sa kanya yun dahil malandi siya,!” sigaw ni chismosa 1
Sinilip ko naman ulit yung lamesa nito.
“slut.”
“panget!”
“malandi!”
“panget!”
“kala mo ang hinhin , yun pala may itinatagong alindog din!”
“you don’t deserve him.!”
Yun ang nakikita ko sa lamesa niya. I feel bad for her kasi dahil sa relasyon nila ay nabubully siya.
Naiinis ako. Hindi porket hatol ako sa relasyon nila magagalit ako ng sobra sa kanya. Sumosobra na sila. Hindi pwede yung ganito.
Dahil hindi na ako nakatiis ay hinarap ko sila at tinaasan ng kilay at kinuha yung pentel pen. “oh, insecure naman kayo sa kanya? Sumosobra na kayo masyado! Hindi porket karelasyon nya ang bestfriend ko ay ginaganyan mo na siya!” sigaw ko sa kanila sinulatan ko naman yung chismosa 1 sa ilong niya gamit ang pentel pen.
Napaatras naman sila pero nagsalita pa din sila, “w-what? Parang kelan lang sinasabi mo na siya ang bagay sayo. Kala ko ba isa ka sa amin?”
“hindi ako isa sa iny—“
“what’s going on here?” para naman akong nabuhusan ng tubig kasi pagkalingon ko ay nakita ko si ryan.
Inilipat ko naman ulit yung tingin ko sa mga babae. Napangisi yung isa at nagsalita, “look at what she’s holding! Vinandalize niya yung lamesa ng girlfriend mo! Kala ko ba childhood friends kayo ? pero bakit mo vinavandalize yung lamesa nang gf niya? Don’t tell us nagseselos ka sa kanila?!” –chismosa3
“h-hindi totoo yun!” pagde-depensa ko naman.
Napaangat naman ng ulo si ryan at tinignan kami ng masama, “if you’re really that.. then you’re a bitch..”
Paiyak na sana ako kaso nagsalita ulit siya, “pero did you think na maniniwala ako sa pagbibintang niyo sa kanya? Don’t you remember na childhood friend ko siya at kilala ko siya ng todo? Do you think she can do this to me—to us?” he smirked. “don’t mess with me.”
Pagkatapos non ay hinila niya ako at iniwan yung mga babaeng nakatulala..
To be continued..
~*~
Vote, share your thoughts and keep reading!:)
-Aoi
BINABASA MO ANG
Masakit Pala, Sobra.
Romancekailangan ko pa tumingin sa iba para lang hindi na ko masaktan. hindi ko naman kasi alam na ganito kasakit. kaya pwede ba.. tama na? ang sakit sakit na.