[3]

24 1 1
                                    

[Ami]

Kanina pa ko actually nakikipagtitigan sa mga libro sa library.

Lecheng ryan na yun, nilait lait man daw ba ako. Sabi niya sa’kin ay tuturuan niya daw ako sa math. Eh lecheng math kasi na yan eh. Aanhin ko bay an ? ha ha?

“bilisan mo na dyan dahil nag-iintay si miyu dun oh.” Turo namn ni ryan dun sa sulok. 

“bakit ba kailangan natin dun pa sa sulok umupo? Ang dami dami naman kasing bakanteng upuan dyan, yan pa napili niyo.”

Ngumiti lang siya, “may mga memories kasi kami dun ni miyu.”

Lecheeeee!!! Miyu na naman?! Isa pa yan , isa pa yan! Wala siyang bukang bibig kundi si miyu! Nakakainis! Pero sanay na naman ako na pinaguusapan naming ang mga gf niya kaso eto, iba ! nakangiti si ryan tuwing inaalala o kinekwento niya sa’kin si miyu. Ang saklap!

Akong inlove sa kanya tapos ganun ganun lang? ang sakit sa puso dre </3

Wellll!!!!, atleast di pa siya inlove ng tuluyan dito kay miyu. Tuwing nagkakasalubong naman kami ng mata ni miyu ay nginingitian niya lang ako. Well dahil ako nga si mabait hihihi. Ay nginingitian ko lang din siya ng pabalik.

Good girl ako ngayon no! hahaha!

Magkatabi naman yung idiot couple and ako naman nasa tapat nila. Itong pwesto na ‘to ay pang-apat yung upuan kaya naman hay. Ako lang ang lonely dito sa pwesto ko.

Musta naman ako di ba? Wawa naman ako tapos, si miyu pa talaga ang nagtuturo sakin! Pag naman hindi alam ni miyu kung pano gawin yung sa lesson na yun ay si ryan ang nagtuturo. At syet!! Chansing pa more! Sa harap ko pa.

Leche. Naka-akbay kasi si ryan sa kanya. Eto naman si miyu humahagikgik pa. ang landi ah.

Pero ami.. control.. wag magpapadala sa emosyon. Baka mapa-ano ka. Nang makakalma na ako ay ibinalik ko yung atensyon ko sa itinuturo nila.

Madali ko lang nagets kasi magaling naman magturo ‘tong dalawang matalinong to.

Napapangiti nalang ako dahil mas magaling pa sila magturo sa teacher namin.

Sabi nya i-elimanate ko daw yung kasama ni X sa pamamagitan ng pag divide.

Eh pano un, wala naman kasi akong ex >< NBSB ako no! well anyway,  magaan naman ang loob ko kay miyu. Pero isa lang ang naiisip ko,

Isa siya sa mga kalaban ko.

Pagkatapos naming magreview, dahil next week na ang test namin ay dumiretso na kami sa baba para ilagay ang mga gamit naming sa locker. Yung dalawa naman as always, ay magkasama. Magkaholding hands pa nga sila.

Hindi ako nagseselos. Hindi ako nagseselos. Hindi ako nagseselos. Ok?

Nasa likod lang ako nila tapos hindi ko na namalayan na nasa bahay na pala ako. Medyo malayo layo kasi ang bahay namin pero pwede naming pagtyagaan lakarin. Kaso.. bakit ngayon parang ang bilis bilis ata? Dahil ba nagiisa ako ngayon?

Hayst. Bahala na nga.

Nagpaalam ako sa kanilang dalawa at nung pagkapasok ko ay dinamba agad ako ni chocolate. Si mallow naman ay sinisigawan si choco. Parang nagseselos siguro dahil dapat sya ang mangdamba sakin.

“meow….!”

“w-warf?”

Nataranta naman ako bigla kaya lumapit ako kay mallow bigla at hinimas himas siya.kumalma naman ang ekspresyon niya at umupo sa lap ko. Pinat pat ko lang siya. After ilang minutes siguro ay nakatulog na siya.

Masakit Pala, Sobra.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon