[Ami]
“so.. kinikilig ka na nyan?” inis na sabi sa’kin ni Erika.
Palagi nalang panira talaga tong babaeng to. Alam kong masyado akong mababaw pero nung sinabi sa’kin yun ni ryan.. para akong kinikilig na ewan!
Hindi pa din talaga maalis alis sa isip ko si ryan.. kahit na ni-reject niya na ko ay mahal ko pa din siya.. mahal na mahal.
“so.. ano ng balak mo?” tanong niya habang kinakain ang chocolate cake na inihatid kanina ni yaya.
Nilalaro ko lang naman si mallows dahil si choco natutulog. “ siraan ko kaya si miyu? Malay mo ma-turn off si ryan sa kanya..”
“baliw! Gusto mong lalong bumaba yung chansa po na maging kayo?! Saka dapat nga hindi mo na sila iniisip dalawa kasi ngayon, nagmo-move on ka na! hindi ba’t sabi mo titigil ka na ? or are you taking it back?”
Nakakatakot talaga tong bestfriend ko kapag nagagalit. Mas nakakatakot ito kapag tinatanggal niya ang salamin niya dahil ibig sabihin nun ay galit talaga siya. Pero dahil nga hindi pa niya tinatanggal ang kanyang salamin ay siguro ay kalma pa din to.
“w-wala akong balak na tumigil…” bulong ko.
“ano!? Yan ka nanaman ami! Ano yun, tititigan mo lang sila sa malayo tapos masasaktan ka lang? wow! Ang galling mo. May magagawa ka talaga para sa sarili mo.” Sarkistong sabi nito. “so ano na ngang balak mo?”
“I’ll Steal Him Away.”
Tumaas ang kanyang kilay. “ano? So ngayon magiging boyfriend stealer ka na ngayon? Can’t you just be happy sa kaibigan mo? Mabait si miyu at nasa mabuting kamay si ryan. Tapos ikaw pa tong bestfriend niya, ang sisira sa relasyon nila? Sabihin mo nga, matutuwa si ryan sa gagawin mo? For God’s sake ami! Bahala ka sa buhay mo! Im outta here!”
Sus. Kung alam ko lang, siguro’y tinatamad na yun kaya dinahilan niya lang yung mga bagay nay un para makauwi. Para-paraan talaga eh no.
~*~
“kyaah! Ang daming pictures ni ryan!!” sigaw ko.
Kinuha ko naman ang mga nakalagay sa mga lapag. Dito kasi binebenta ang mga pictures ng mga students sa campus. Madalas ang marami ay ang kay ryan. Kaya ako naman ay nangongolekta nito. Halos ako lang ata ang nakakaubos ng pictures niya dahil ang cool niya sa mga shots!
May nakita naman akong isang picture. Isang lalaking gwapo, maputi at macho. Wow. Pero mas gwapo pa din si ryan!
Kinalabit naman ako ni Erika, “alam mo bang parehas silang dalawa ni ryan?”
Kumunot naman ang noo ko, “yung nasa picture na hawak hawak mo.” Binalik ko naman agad ang tingin ko sa picture. “girl, bakit hindi yan nalang ang atakihin mo. Ang gwapo pa!”
Magsasalita na sana ako kaso inagaw niya sa’kin yung picture at binili niya agad ito. Ako naman sumunod na din para bilhin yung mga napili kong picture ni ryan. Inilagay ko muna ito sa bag ko at iniabot naman sa’kin ni Erika yung picture nung lalaki.
Tumigil ako sa paglalakad sa gitna ng hagdan. Tinitigan ko yung picture. “pogi ,pogi! Ang panget naman! Akala mo naman kagwapuhan. Eh mas pogi pa nga ang ryan ko. Saka hindi ako papatol dun kasi akin lang si ryan at si ryan ay nagmamay-ari sa’kin.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay pinunit ko yung picture.
Pero nagulat ako ng may lalaking natabunan nung picture at nung nahulog ang mga pira-pirasong papel na yun, ay nagulat ako ng magpakita yung lalaking nasa picture.
Mas pogi siya sa personal! Pero per—mas pogi pa din naman si ryan, as always!
“here I am, lingering around tapos may makikita akong babaeng pinupunit ang picture ko? Isa ka ba sa mga fans kona nagawan ko ng masama?” ngumiti siya sakin ng nakakaloko.
Aba’t ang hangin! “FYI , hindi kaya! Saka nagkataon lang na ung picture mo ang pinagtuunan ko ng galit. Ang hangin hangin mo, kala mo naman lahat ng babae dito ay fans mo.” Tinarayan ko siya pagkatapos.
Nagwalk-out agad ako. Nung nakasalubong ko si Erika ay tinanong niya agad kung saan ako nanggaling. Pero hindi ko na siya pinansin at nagmadali pumasok sa loob ng silid namin.
Lumingon ako sa kanan ko, andun na naman yung dalawa. Nakaakbay si ryan sa kanya at si miyu naman ay nakangiti lang habang may binabasang libro kasama si ryan.
Ang sakit sa puso… yung nakikita mo yung mahal mo na may kasama na iba tapos iba pa ang nagpapangiti sa kanya.
Talaga bang nagbago na si ryan.. for good? Kasi kung ganon.. baka wala na talaga akong pag-asa. Desperado na kung desperado. Pero kung hindi man siya makikipag-break kay miyu ay ako mismo.. ang magiging dahilan ng paghihiwalay nila.
~*~
Uwian.
Dumiretso ako sa locker ko. Sabay kami uuwi ngayon ni ryan pero nagulat ako ng kasama niya si miyu.
“sorry, hindi na pala kita mahahatid ngayon. Kasama ko kasi yung gf ko.”
Tumango lang ako at iniwas ang aking tingin sa kanilang dalawa. Nang narinig ko ang footstep nila palayo ay saka ako nagpakawala ng buntong hininga..
Hay.. ang sakit sakit. Grabe naman. Ano to araw araw akong makakaramdam ng ganitong sakit?
Pano ko to matitigilan ? eh sa, mahal ko siya eh.
Lumapit ako sa locker ni ryan, hinawakan ko ang handle at nagulat ako ng biglang bumukas. Tumingin ako sa kaliwa’t kanan ko. Walang tao.
Kaya naman I took the chance to explore his locker.
May nakita akong isang damit. Kinuha ko yun at tinignan tignan. Pagkatapos nun, I felt an urge of wanting to embrace it. Amo y na amoy niya kasi.
Ganito ba talaga yun? Kapag mahal na mahal mo ang isang tao, amoy pa lang niya, akala mo kasama mo na siya? Hay, how I wish na ako na lang ang nasa tabi ni ryan.
Yakap yakap ko pa din ito ng may narinig ako na may nagsalita, “you are fucking smelling my t-shirt?” pagkalingon ko ay nakita ko si ryan.
Sh*t. nahuli ako,
“a-ahh.. a-ano k..kasi..”
“forget it, may nakalimutan lang ako kaya bumalik ako. Continue.. what you are doing..”
Namula naman ako bigla. Grabe. Nakakahiya yung ginawa ko!
To be continued..
Ang boring ba nitong chapter na to ? sorry ><!
Vote, share your thoughts and keep reading! Bukas ule~ kung may time haha.
-Aoi
BINABASA MO ANG
Masakit Pala, Sobra.
Dragostekailangan ko pa tumingin sa iba para lang hindi na ko masaktan. hindi ko naman kasi alam na ganito kasakit. kaya pwede ba.. tama na? ang sakit sakit na.