Chapter 8 - BEGIN AGAIN

23 0 1
                                    

[DANNIE's POV]


Ngayon nga pala yung Post-Valentine Gathering na sinasabi ni Father nung recollection namin! I'm so excited sa lectures. Pero di ko rin maitatanggi na excited din akong makita ang seminaristang yun.


But before that, ginawa ko muna ang mga dapat gawin. I cleaned the house. I worked on my laboratory reports. Study nang konti para mamaya, magrerelax na ako. 5PM pa naman yung event.


Sa lunch, kumain kami sa labas nina Mom, Dad, Kuya Alex at ate Niki. It was a post-celebration sa event kahapon. Di ko talaga inexpect na ako yung maging best presenter eh magagaling din naman halos lahat ng nakalaban ko. I should really thank God for everything. Pero isa lang ang ipinagdarasal ko ngayon kay God, yun ay sana magkabati na kami ng Beshy ko...


After our lunch, kami na lang ni Mom ang naiwan. Dahil magaling daw ako, bibilhin niya raw ako ng baging dress! Love na love talaga ako ng mom ko!


Mom: Pumili ka jan anak kung saan ang gusto mo.


Me: Baka mahal Mi eh.


Mom: Sige na. Kahit ano... I'll buy it for you. Tawagan mo ako kapag may napili ka na. Punta muna ako sa kitchen section.


Me: Thank you Mi!


I hugged my mom..


Ang hirap namang pumili. Halos lahat magaganda. Then I saw this pink tube top dress... May lace siya tapos may free silver belt. Simple lang siya...


When I was about to pick it, may sumabay din na kumuha nito.


"Ako ang nauna rito."


Ooops. This girl. It's Katkat.


Katkat: Oh it's you...


Then a familiar voice came in, "May napili ka na Kat?"


Tumingin siya sa akin. Kung nagulat ako, eh mas nagulat siya.


Katkat: Honey, I want this but she likes it too...


Tinawag ni Beshy ang saleslady.


Zeke: Excuse me Miss, may extra pa ba nito?


Katkat: Eh Honey, ayoko namang magkaroon ng kapareha eh. I really want this dress.


Me: Sa'yo na lang yan. Pipili na lang ako ng iba.


Zeke: Teka, Daniella.


Wow. Finally, I heard him calling my name... Pero matigas ako eh, nagbibingi-bingihan ako sa kanya.


Katkat: Ok lang ba talaga sa'yo?


Me: Oo. You can have it. Mukhang mas bagay sa'yo yan. And congrats to the both of you.

Let Her Know That I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon