Chapter 9 - MAHAL BA KITA?

7 0 1
                                    

[IKE's POV]


Mabuti naman at nakita ko ulit siya. Di ko talaga inakala na makikita ko siya ulit pagkatapos ng ilang taon. Malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon sa pagkakataong ito na ibinigay Niya.


Dun pala siya nag-aaral. At first, nagdadalawang isip talaga ako kung siya ba talaga yun. On the second look, walang duda, si Dandan talaga. The way she smiles, her dimples, the eyes... Walang pinagbago. Then I heard someone calling her Daniella. And it concludes my expectation.


Dahil sa sobrang saya, di ko maiwasang ngumiti habang nag-Mimisa si Father Lopez, ang tiyuhin ko. Tiningnan ko siya, I caught her looking at me too. Nakilala niya kaya ako? I smiled at her. Then, yumuko siya. Tumingin ulit ako sa kanya, nginitian ko siya. Pero she looks puzzled.


After the Mass, akala ko, magkakausap kami pero hindi eh. Hinanap ko siya. Di ko na siya nakita... Siguro, yun lang ang time na inilaan ng Diyos para sa amin.


Unexpectedly, we met again. Di ko talaga inakala na pupunta siya sa gathering dahil kadalasan, pag Sabado, ang mga estudyante ay nagsasaya, naglalakwatsa para makalimutan pansamantala ang buhay nila sa loob ng paaralan.


Binigyan na naman ako ulit ng Diyos ng pagkakataon na makita ang miss na miss ko na kababata.


Lalo akong nagalak nang siya mismo ang nakatabi ko. Pero, di pa rin niya ako nakilala. Kaya naman ako na mismo ang nagpakilala sa kanya. Mabuti naman at naalala na niya ako. Pero nung una eh medyo nagdududa siya. Dahil ba sa pagmumukha ko? Ganun na ba talaga ako ka-pangit noon?


"Ike, siya na ba yung kasama mo sa picture na nasa wallet mo nong bata ka pa?" - tanong sa akin ni Nathan, roommate ko.


"Nakilala ka na ba niya? Siyang-siya talaga yun. Base sa picture, nag-mature lang ng konti." - sabi naman sa akin ni Francis, ka-roommate ko rin.


Me: Oo. Siya si Dandan. Walang duda.


Francis: Baka iibig ka na naman nyan!


Me: Ang Diyos na ang bahala kung ano ang plano Niya para sa akin.


Nathan: Kung ganon Ike, paano na si Shayne? Alam ko na may pagmamahal pa yun na natitira para sa sa'yo. Alam kaya niya na kaya naging ganun ka noon sa kanya dahil nakikita mo sa kanya ang katangian ng kababata mo?


Di na ako sumagot. Napahiga na ako sa kama ko. Tinitigan ko ulit ang picture naming dalawa nung bata pa kami. Maganda pa rin siya...


Basta, ang sa akin lang, masaya ako ngayon dahil natagpuan ko na rin ang taong matagal ko nang hinahanap.


[DANNIE's POV]


Mom: Anak, bilisan mo, naghihintay na sa labas si Zeke.


OMG. Beshy's here... Teka, bakit ako kinakabahan?


Let Her Know That I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon