Chapter 13 - INSENSITIVE

8 0 0
                                    

[ISAAC's POV]

Sunday na naman... Lord's day.

Matagal-tagal ko nang di nakikita si Dandan. Di na rin siya nagte-text sa akin.

Kumusta na kaya yun siya?

Naaalala pa ba niya ako?

"Ehem... Ang lalim yata ng iniisip mo?"

Kanina pa ba siya nandito? Ang aga naman niya yata.

Me: Ha? Medyo...

"Hmmm... Namimiss mo siya ano?"

Bakit siya agad ang pumapasok sa isip ko? Oo, namimiss ko siya.

"Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko. Kasi kapag may namimiss ka, there's that one person na bigla na lang sumusulpot sa isip mo."

Me: Yeah. You're right. Ang aga mo yata ngayon Shayne.

Shayne: Ha? Ganitong oras naman talaga ako dumadating pag Sunday ah. Di mo lang ako nakikita. Hmmm... So ngayong nakita mo na ang hinahanap mo, ano na ang gagawin mo?

Me: Ano ang ibig mong sabihin?

Shayne: Di ba mahal mo siya? Mahal na mahal mo siya... Sabi pa nga niya nung nag-usap kami na minahal mo raw ako. Ang masakit lang dun, idiniin pa niya na MINAHAL mo ako... Naka-past tense pa talaga. So ngayon at nahanap mo na siya, ano na ang plano mo? Iiwan mo na ang bokasyon mo?

Me: Ano ba ang pinagsasabi mo Shayne? Mahal pa rin naman kita. Espesyal ka sa akin.

Shayne: Pero ibang pagmamahal ang iniaalay mo kay Dandan. Nararamdaman ko. Ibang-iba yun sa pagmamahal mo sa akin.

Me: Ano ba ang gusto mong iparating sa akin Shayne? Tell me. Direct to the point.

Shayne: Mahal na mahal pa rin kita Ike. Nagseselos ako kapag palaging pangalan ni Dandan ang ibinabanggit mo. To think na magpapari ka. Habang maaga pa, ihinto mo na ito. At saka, di mo ba napapansin na naaalala ka lang niya kapag may problema siya? Pag-isipan mo nang mabuti yan Ike...

At iniwan na akong mag-isa ni Shayne.

Tama nga naman siya. Habang maaga pa, dapat makapagdesisyon na ako.

Naaalala lang niya ako kapag nangangailangan siya ng tulong ko?

Hindi naman siguro.

I remember what my Mom told me nung high school pa ako.

"Alam mo anak, kapag ang babae ay sobrang malungkot, madaling mahulog ang loob niya sa lalaking unang mag-co-comfort sa kanya. Just like what I feel for your Dad. Mag best friends kami ng Dad mo. Lahat ng problems ko, secrets ko, sinasabi ko sa kanya. Pati nga first heartache ko, sinabi ko sa kanya.. without knowing na may feelings na pala yung Dad mo sa akin."

So yun ang paninindigan ko. Malay ko, baka mag-work. Pero mali eh. Di ko dapat siya hayaang mahulog sa akin o ako na mahulog sa kanya.

Ano ba 'tong naiisip ko?

Nalilito na ako sa aking tunay na nararamdaman...

[DANNIE's POV]

Sunday na naman! Tapos bukas, Monday na ulit! Ang bilis ng talaga ng oras.

Since it's Sunday, it's family day. But first pumunta muna kami sa Parish.

Alam na nga pala nila Mom at Dad na si Isaac na dati kong kalaro ay nasa seminaryo.

Speaking of Isaac, medyo matagal ko na pala siyang di nakausap, naka-text...

Busy eh. School works.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Her Know That I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon