Chapter 10 - MORE THAN A FRIEND

19 0 2
                                    

[DANNIE's POV]


Napaka-awkward... Nakakainis lang talaga kasi sa twing nilalapitan ko siya, umiiwas siya. Gusto ko lang naman makausap siya para magkabati kami.


Kapag nakikita ko siya na mag-isa siya, sasabihin niya "busy" siya tapos kunwaring kukuha ng book para magbasa.


Kaya napapadalas tuloy ang pagsama ko kay Kent.


Minsan sa canteen, makakasalubong namin sina Zeke at Katkat, tinatawag kami ni Katkat na makijoin sa table nila pero ayaw itong si Zeke naman, ayaw daw niya dahil nakakaistorbo daw sila sa amin.


Why is he like that? Big deal ba yun sa kanya?! Ugh!


[KENT's POV]


Pumunta ako sa parking area dahil naiwan ko ang book ko sa car ko... Walang katao-tao... Pero may naririnig ako na boses ng kababaihan...


Girl 1: Desperada ka talaga na siraan yung bagong nililigawan ni Kent!


Girl 2: Tapos gusto mo pa siyang ipahiya... Well, she's cheap... She's not that pretty like you... But honestly, mas futuristic siya sa'yo. Kaya siguro nakipagbreak sa'yo si Kent dahil nakukulangan siya sa dibdib mo! Hahaha.


Girl 1: O baka, may nangyari na sa kanila? Stalk mo kaya sila.


Then I heard a familiar voice...


Girl 3: That's all for now girls. Sa susunod, hahanapan ko yan nang mali ang Daniella na yan... Yung talagang mapapahiya siya... Like... Kinuha niya ang answer key sa exam nila? Nice idea girls?


Hinanap ko ang pinanggalingan ng mga boses... At hindi nga ako nagkakamali.


Me: VIA!


Via: Oh... My sweetie. Kanina ka pa ba jan?


Me: So, ikaw pala ang may pakana nang pagkalat ng video namin ni Dannie dito sa parking area. Bakit mo yun nagawa? I thought you love me?


Via: I love you sweetie that's why I'm doing it for you. I really want you back!


Me: Stop it Via. If you really love me, set me free from your heart. Di na kita mahal.


Via: Really? You don't love me anymore? Kilala kita Kent. I know you're doing this dahil may gusto kang makuha... Hindi ka titigil hanggat hindi mo ito nakuha... So tell me sweetie, ano ang kailangan mo kay Daniella?


Me: It's none of your business Via. If you will not stop, kapag may masamang mangyari kay Dannie, alam mo kung saan ka pupulutin. Alam mo naman siguro kong paano ako magalit? Tang*na...


(Sinipa ko ang trash bin, natakot sila)


Let Her Know That I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon