02

464 10 0
                                    

"hoy! ba't nagbebenta ka ng gwapo sa open forum natin?"

Umupo si Raven sa katapat na upuan ko, nasa cafeteria kami ngayon. Break time. Hindi ko kasi alam kung paano ibabalik yung National ID nung Ezekiel, hindi man lang nagbigay ng number or what. Hindi ko din makita ang Facebook niya dahil maraming lumalabas na kapangalan niya. Kung meron man halata mo na agad na old account kasi last post is 6 years ago! Kaya pinost ko na lang sa open forum namin, atleast doon maraming makakakita at baka isa sa kanila kaibigan nung lalaki o naman kakilala.

"Hinahanap ko yung may ari, di ba obvious?" i sarcastically said before drinking on my C2, she just rolled her eyes at me.

"Dapat nag tanong ka na lang kay Nicole. Tatahi-tahimik yon pero marami ring kilala" sambit niya bago iniwan ang bag sa lamesa at umorder ng pagkain niya. Pagbalik niya ay kasama niya na si Lyka, kaibigan niya.

"Beh, yung lalaki na pinost mo sa open forum" sambit ni Lyka nung makaupo siya sa tabi ni Raven.

"oh?" tinaasan ko siya ng kilay, hinihintay ang sunod na sasabihin niya.

"Nasa law dept daw"

"law department?" takang tanong ko, tumango siya.

Ang layo ng building ng law department sa tourism! Tyaka bakit ba ako nag eeffort na hanapin yung may ari kung pwede naman na yung may ari ang maghanap sa akin at kuhanin ang national id niya sa akin, diba?

Napabuntong hininga na lang ako. Sa rami naman kasi ng pwede niyang iiwan ay yung natinonal id niya pa! Pwede naman kasing number niya na lang at school id!

Wala akong nagawa kung hindi pumunta sa building nila pagkatapos ng klase ko, sana lang talaga ay nandoon pa siya dahil ang layo ng nilakad ko!

Umupo ako sa bench malapit sa entrance ng building nila at tinitingnan ang mga lumalabas doon. Medyo tinutubuan na rin ng hiya dahil pinagtitinginan na ako ng mga tao.

Saan ka naman kasi makakakita ng tourism student ka tapos nasa law building ka diba?! Tumayo na ako at balak na sanang ipagpabukas na lang ang paghahanap sa may ari ng id, nang makabangga ako!

Nahulog pa ang id sa lapag kaya pinulot namin yon pareho. Nagkauntugan pa nga! Ako na ang kumuha sa lapag ng id bago inis na tiningnan ang lalaki.

"sorry, miss. You're blocking my way" a familiar baritone voice said, pati ang pabango ay pamilyar din sa akin. Mabilis kong tiningnan ang lalaki at napaawang ang labi dahil hawig niya yung nasa id! Para akong tanga na pabalik balik ang tingin sa id na hawak ko at sa lalaking nasa harap ko!

"Are you... Ezekiel... Kyle Zamora?" i trailed, i saw how amusement lace on his face.

"Yes, miss." he nod "are you my stalker?" nakangising sambit niya

I scoff "ikaw nga ang stalker ko" i whispered, pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

"here's your id" iniabot ko ang id sa kanya "you gave that to my sister last night when you drove me home. Thank you for bringing me home safe and... i don't feel any strange in my body.Thank you" i smiled.



he smiled "your welcome, Clauie" napaawang ang labi ko sa pag banggit niya sa pangalan ko, how did he know?! at second name ko pa! Hindi naman ako tinatawag ng ka block ko ng Clauie, sila Syd lang!

I nervously smiled at him, he's creepy! "by the way, hindi mo dapat iniiwan yung national id mo kung kani-kanino. Okay na ang number and school id" agap ko

He looked at me with so much adoration "if i gave my school id to you or to anybody, paano ako makakapasok dito kung wala akong school id? Come to think of it."

Seeing you from Afar (Seeing You Series 1)Where stories live. Discover now