06

325 9 1
                                    

"Sabi ko, see you around, bakit ang bilis naman natin agad magkita? Ganon na ba kaliit ang university?" 

Umupo ako sa harapan niya, kakatapos lang ng morning class ko at ang susunod kong klase ay mamaya pang alas tres ng hapon. Naisipan kong pumunta ng library para mag review para sa quiz mamaya at hindi ko naman inaasahang makikita ko agad si Zeke na nakaupo sa pinaka sulok ng library. 

"I don't know? It's kinda crowded on our building's library i can't focus" 

"Sige, aral ka na. Mag aral din ako e" sambit ko at nilabas ang laptop ko pero bago pa ako makapag simula ay nagsimula na siyang maglipit ng mga gamit niya kaya medyo nataranta ako

"Hala, ayaw mo ba ng may kasama? Pwede naman akong lumipat sa ibang table. Dito ka na, ako na lang lilipat." sambit ko at nagligpit din. 

He chuckled "No, silly. Its lunch time. Don't you have any plans to eat lunch?" 

"Ay, oo nga pala! Tara kain sa Tokyo -  Tokyo, libre ko." pag aaya ko. 

Kumain nga kami sa tokyo tokyo dahil bigla akong nag crave. I just order Metchi Katsudon while Zeke order Pork Katsudon. Bago pa ako makapag abot ng card ko sa cashier ay inunahan na naman niya ko! Sa totoo lang ay hiyang hiya na'ko dahil kulang na lang ay ilibre niya ang buong meal ko for today. Breakfast, lunch, and dinner. 

"Sabi ko, libre ko. Ba't mas nauna ka pang magbayad sa akin? May kadayaan ka rin e" pag rereklamo ko. 

"I didn't agree na ilibre mo ko, and hindi magandang tingnan na nililibre ng isang babae ang lalaki. It's kinda stepping our ego, you know."  He said, i just mocked him and sulked even more. 

Nang tumunog yung buzzer ay hinayaan ko ng kunin ni Zeke yung order namin at baka matapakan ko na naman yung 'ego' niya. Tapakan ko paa niya e. 

He put my order infront of me, and even wipe the utensils  before giving it to me.  Habang nakain ay walang nagsasalita sa aming dalawa, bigla akong natakam sa order niya kahit na alam kong mas masarap yung akin dahil ito ang lagi kong inoorder. 

Napansin niyang matagal akong nakatitig sa pagkain niya kaya napatingin rin siya ro'n bago tumingin ulit sa akin. 

"Do you want to switch? Okay lang naman sa'kin" He's ready to give his food to me but i shook my head, nakakahiya. Di naman kami mag jowa o magkaibigan para magpalit ng pagkain. Okay lang sana kung sina Syd ang kasama kong kumain, pwede ko pang maagawan ng hindi nagpapalit ng pagkain. 

"I didn't touch this part, we can switch" ipinakita niya pa ang kalahati ng pagkain niya na hindi pa nagagalaw, umiling ulit ako. Ayoko. Kahit takam na takam na'ko. Ayoko.

"Okay." He said and continue eating. 

After we finished our food ay naglakad lakad lang muna kami bago napagdesisyonan na bumili ng kape. 

"Did you think about being a host in broadcasting? Olivia asking me from time to time." Zeke suddenly asked. 

"Hindi ko pa pinag iisipan, medyo busy na hindi sa tourism e." I shrug "Ano ba sa tingin mo? Kunin ko na yung trabaho or hintayin ko na lang na may lumapit kayla Olivia at mag prisinta na maging host." 

"They close the host audition." 

"Ha? Bakit? Hindi pa naman ako um-oo." 

"I don't know? Just take the role. I know for sure everyone missed your voice" 

Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang phone ko para imessege si Olivia habang kinukuha ni Zeke ang order namin sa counter. 

To: Olivia

Seeing you from Afar (Seeing You Series 1)Where stories live. Discover now