05

346 5 2
                                    

"So? kamusta yung mumunti ninyong date?"


Nasa cafeteria kami ngayon, kakatapos lang ng class namin at lunch time na. Si Raven naman ang nagtanong sa akin. Sana hinintay ko na lang na makumpleto kaming lahat dahil paulit ulit ko ng kinukwento at medyo nagsasawa na'ko. Idagdag mo pa na kada kwento ko ay iba iba ang side comment ni Syd! 


Kinwento ko ang nangyari sa dinner namin ni Zeke, pero ang kalahati ay hinayaan ko ng si Syd ang magkwento dahil naiirita na ako sa pagsapaw at pangunguna niya sa kwento ko!


"Tinanong ni Tiffany kung mahirap ba mag law tapos sabi naman ni Zeke hindi daw tapos umuwi na sila, wag ka na mag expect na mag sesex sila kasi medyo may pagka conservative si Zeke." Pagkukwento ni Syd, bored akong nakikinig sa pagkukwento niya sa kwento ko habang nanguya ng fries na binili niya. Para sa kanya talaga yung fries, pero dahil bida bida siya ay ako na lang ang kumain


"Tapos syempre itong si ate gurl niyo na katabi ko ngayon na nilalantakan yung fries ko syempre pag uwi niya nagtatalon sa kama dahil sa kilig, sino ba naman di kikiligin kapag na-idinner mo yung crush mo diba?" Napairap na lang ako sa mga dagdag na kwento niya


"Pero alam mo Clau, wrong ka sa pag aya sa kanya kumain, dapat kami yon e. Galawan namin yon. Wala ka bang originality?" Sambit ni Syd, konti na lang talaga masusuntok ko na'to sa mukha! 


Napabuntong hininga ako "Hindi ko hinihingi yung opinyon mo. At isa pa inaya ko lang naman siya kumain dahil sayo! Sabi ko sunduin mo ko! Hindi ko sinabing ipasundo mo ko sa iba na may classes pala!" Inis na sambit ko.


"Sorry madam ha, may training kasi ako."


"Mama mo may training" i childishly mock him, alam ko naman na may training siya that time dahil sinesend niya yung schedule nila sa akin, randomly. basta maisipan niya lang isend.



"Clau!" napatingin kami lahat sa tumawag sa akin. She's waving her hand at me, kumaway rin ako sa kanya. Napataas ang kilay ko ng makitang nakasunod sa kanya si Zeke. 



"Did we interrupt all of you?" she asked


I shooked my head as a answer " Hindi naman Oli, why? ano sadya?"


Olivia was a vice president of the broadcast na sinalihan ko last year, kaso umalis na ako first week pala ng 2nd year dahil sabi nila na magiging busy na kami ngayong 2nd year,  na dapat pala ay hindi ko pinaniwalaan dahil ang dami naming vacant time sa sched!


"Wala kasi kaming host para sa upcoming anniversary ng university next week. So up until now nag kakagulo pa rin ang broadcasting, gusto ko ngang itake over kaso ang daming naka pile na activity sa amin ni Zeke" sambit niya, she even seat next to me and put her laptop on the table. "Ay by the way guys, this is Zeke, Zeke this is Clau and her friends" pagpapakilala ni Olivia sa amin,  tumango lang si Zeke.


"Anong relasyon niyong dalawa?" deretsyang tanong ni Raven, dahil sa gulat ay nasipa ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa, pinagtaasan niya lang ako ng kilay. 

Seeing you from Afar (Seeing You Series 1)Where stories live. Discover now