07

318 5 1
                                    

"Ano susuotin mo, Tiffany?" 



Nag aayos na kami nila Nicole at Amber dito sa condo ko para sa laro ni Syd mamaya, Si Raven ay susunod na lang daw siya ro'n sa arena. Wala talaga kaming balak na manood ng laro kaso attendance ang kalaban namin kaya wala kaming nagawa kung hindi umattend at magsupport, atyaka dahil na rin alam kong manonood si Zeke. 



"Orange top, bakit?" tanong ko kay Nichole



"Wala, akala ko susuotin mo ulit yung jersey ni Syd" 



"Wala naman siyang binigay sa akin, tyaka ayoko nang maulit yung issue last year" bumusangot ako. Pinasuot kasi sa akin ni Syd yung jersey niya nung 2nd game nung 1st year siya, hindi naman ako aware na two months palang break sila nung ex niya. Kaya sobrang ingay ng page ng acasys college students dahil sa issue na yon! Kamalayan ko ba ro'n, e, that time grade 12 pa lang ako.  Ahead kasi si Syd ng isang taon sa aming apat nila Amber. 



"Balita ko may nililigawan daw e" pang chichismis ni Nichole habang sinusuot niya yung sapatos niya. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Wala naman kasi akong pakialam kung magkajowa uli si Syd, Mukhang nakamove on naman na siya kahit nagkukunwari siyang apektado pa rin. 



Nang makarating sa arena, dumeretsyo na kaagad kami sa destined sit namin. Nagstart ang game sa paghand shake ng mga members ng varsity both sides. Sa kalagitnaan ng laro ay napatingin ako sa gilid ko ng may umupo ro'n. Zeke smiled at me a little and urge me to focus watching the game. How can i supposed to focus when he's beside me?!



Nanalo yung university namin, bente ata ang lamang namin kaysa kabilang team. Sinenyasan ko si Zeke na bababa muna kami para batiin si Syd bago kami umalis. Kumaway din ako sa katabi niya dahil binati ako nito. Magkaibigan ata sila, hindi ko matandaan, basta ito yung pinagkamalan akong kadate ni Zeke. Acel ata pangalan  or Axel? Di ko na talaga matandaan.



Inasar-asar lang namin si Syd bago kami nagpaalam sa kanya. Bigla na lang nawala si Raven kaya iniwan na namin siya at lumabas na ng arena. 



Tiffany Acosta: Saan ka?



Ezekiel Zamora: Parking.



Tiffany Acosta: Okiii



He heart my last reply, itinago ko na ang cellphone ko at nagtungo ng Parking.Hindi ko na kailangan tanungin ang plate number ng sasakyan niya dahil kabisado ko na iyon unless magpalit siya ng sasakyan. Medyo malayo yung pinagparkingan niya kaya medyo matagal niya kong hinintay, medyo na guilty pa'ko kasi hinintay niya talaga ako sa labas ng sasakyan niya. Ang init - init pa naman!



"Are you hungry?" tanong niya kaagad pagkasakay niya. 

Seeing you from Afar (Seeing You Series 1)Where stories live. Discover now