~
Malimit akong nagwawalis sa bakuran ng Dela Che, nakakailang ang ilang araw ng pagbabantay sa akin ni sir Daryll.
Mula ng mahimatay ako ay naging mas hands on siya, minsan ay sabay pa kaming kumakain.
Bakit siya nandito kung nasa ibang bansa pala ang babaeng papakasalan niya? Bakit hindi iyon ang asikasuhin niya?
"Are you hungry?" Kagaya ngayon, bago palang ako nagwawalis at kakain ko lang ay yan ang agad ang tanong.
"You have sweat on your forehead, let me wipe it." Hinayaan ko siyang punasan iyon, parang gusto niya talaga ang kanyang ginagawa.
Napalunok ako nang magtama ang aming mata, naroon ang pananabik at panghihinayang sa kanyang mga mata. Gusto ko itong hawakan at hawiin sa kanyang mga mata ang sakit pero hindi siya akin.
Everytime he's near on me, he cares for me he always make my heart tumble and that's not a good idea.
Araw ngayon ng linggo, gaya ng napag-usapan namin ni Don Enzo ay nagmadali akong magtrabaho para makapunta kami ng simbahan.
Hindi na ako ginugulo nina Martha pero ramdam ko parin ang talim ng kanilang paninitig at panghuhusga. Alam ko namang mali ang dumikit kay Sir Daryll lalo pa't hindi naman siya akin.
I wore a floral dress and a sky blue flat shoes, tumingin ako sa salamin, nakakapanibagong suotin pero tila sanay na ako dati. Tiningnan ko ng maigi ang aking pagmumukha, kinabisado mula sa aking ilong, labi, balingkinitang mata at matabang pisngi.
Lumabas na ako sa kwarto na siya ring paglabas ni Don Enzo sa kanyang kwarto. Nagkatinginan kami, sandali itong tumitig sa akin saka marahang ngumiti gano'n din ako.
"Ang ganda mo apo." Dahan dahan lang siyang naglakad patungo sa akin, napakagat ako sa aking labi.
"Salamat po," Nahihiya kong tugon.
Kaagad kaming nagpunta sa elevator, pumasok na kami akmang sasara na iyon nang pinigilan iyon ng kamay ni sir Daryll. Nakatiim bagang siyang tumingin sa akin, marahil ay naaalala niya si Ma'am Alheyah sa suot ko.
"I'm coming too." Nakasuot ito ng suite tila pupuntang trabaho.
"You have a flight today, Daryll." Kalmado iyong sinabi ni Don Enzo.
"I shouldn't missed this po, sorry but I'm coming." Hindi ko sila maintindihan, nakakalito silang dalawa habang nagpapalitan ng opinyon pero sa huli ay walang nagawa si Don Enzo.
"Ako na po ang nagmamaneho." Akmang may tatawagan sana si Don Enzo ng magbolontero ito.
"Sigurado akong tatalakan ka ng apo ko kapag nalaman niyang inaalila kita ng lubos." Natawa pa ito sa kanyang sinabi saka siya pumasok sa kotse at kasunod din ako.
It was almost perfect kung hindi lang sana humarang sa harapan si Donya Heeyah na nakasuot ng mamahaling damit kasama ang mga alahas nitong nagkukumislap.
"I didn't know you three had a bonding, and I am your family here Enzo. At ako pa talaga ang hindi mo inimbita?"
"Tumahimik ka na kung ayaw mong itapon kita sa mismong kotse ko."
"I have a car too, Enzo."
"Wala akong natatandaang may ipinangalan akong kotse sayo. Dahil gusto ko lang ulit sabihin sa iyo, lahat ng suot,kinain at ginasta mo ay sa apo ko." May diin ang bawat salitang sinabi nito.
Walang nagawa ang Donya kundi ang tumahimik na lamang at sumimangot. Masaya sana kung hindi siya dumating, nakakabadvibes naman talaga ang mukha mo Donya.
YOU ARE READING
Alheyah Lein Divine Ymodo Dela Che
Random1st Hidden Series She thought she's just a simple girl but she's wrong. She was fooled by everyone, she did accept the fact that her life is so simple and boring. And her existence is just nothing but not until everything was revealed and caught off...