𝕿𝖚𝖐𝖘𝖔 𝕶𝖆𝖞 𝕸𝖊𝖑𝖎𝖘𝖘𝖆 14

4.8K 4 0
                                    

Nakita ni Melissa si Alex na nakaabang sa kabilang kalsada pag labas nya sa bankong pinapasukan , nakasandal lamang ito sa kanyang traysikel at naka salamin. Biglang kumabog ang kanyang dibdib at para bang gusto nyang tumakbo papunta sa lalaki at yakapin ito....pero nagpigil sya. Parang miss na miss na nya ang nobyo gayung magdamag na silang magkasama kagabi. Ibang iba ang pakiramdam ni Melissa nang mga oras na iyon at parang hindi sya makagalaw. Nakapako sya sa kinatatayuan.. Nagtatalo ang kanyang isip at damdamin... "bahala na" sa isip nya..... Akmang ihahakbang na nya ang mga paa papunta sa binata nang naramdaman nya na may tumapik sa balikat nya....


Si Jane, "Uy friend! Sabay kana sa amin, andyan si hubby sinusundo ako." Anang nakangiting kaibigan.

"wag na Jane, magkaiba ang direksyon nang sa inyo maaabala ko lang kayo." Tanggi ni Melissa sabay pasimpleng lingon sa direksyon ni Alex.

"ay sus! Wag kang mag alala, dun kami papunta sa katabing subdibisyon sa inyo kasi birthday nang pinsan ko. Kung gusto mo sumama kana lang sa amin doon." Pamimilit ni Jane. Naguguluhang sumama si Melissa sa kaibigan.

Para namang tinusok ang puso ni Alex nang karayom nang makitang sumakay sa kotse ang nobya kasama ang katrabaho nito. Iniisip nya na umiwas si Melissa sa kanya. Sa loob nang sasakyan masayang nagkukwento si Jane sa kaibigan, panaka nakang sumasabay din sa kwentohan si Caloy na mister nito.

Pangiti ngiti lang si Melissa habang nakikinig sa kaibigan at minsan ay nagsasabi nang opinyon.. Nang matapat na ang kotse nang mag asawa sa subdibisyon nina Melissa ay pinahinto nya ito at nagdahilan na masama talaga ang pakiramdam nya kaya hindi na sasama sa mag asawa.

Habang sakay nang traysikel si Melissa ay chineck nya ang kanyang cellphone at nabasa nya ang text nang asawa nya at pati na kay Alex. Una nyang binasa ang mensahe nang mister at nagreply din sya agad.

Nangumusta lang ang asawa at sinabihan sya na bukas pa nang tanghali ang uwi. Natutuwa naman sya at may dahilan na naman sya sa sarili na huwag muna makipagkita sa kalaguyong binata at para makapag isip narin kung tuluyan na nga bang makipaghiwalay sa nobyo. Sunod naman nyang binasa ang text ni Alex. Puro sorry at explenasyon ang mga mensahe nito sa kanya. Hindi din sya nakatiis this time, nagreply sya na hindi sya uuwi sa bahay nang binata ngayon at bigyan muna sya nang panahon para maka pag-isip nang mabuti sa mga nangyayari. Sinabi din nya sa binata na uuwi na bukas si Mike kaya kailangan nilang dumistansya uli bilang respeto sa asawa at pag iingat narin.

Hindi na nagreply ang binata sa huling text nya, hindi napansin ni Melissa na nakalilis na pala ang kanyang skirt kaya libreng libre ang mga mata nang driver nang traysikel na pag pyestahan ang kanyang makinis at mala labanos sa puti na hita. Kunting urong nalang ay makikita na ang kanyang panty. Natapos ang pagpapantasya nang lalaki nang pinahinto ni Melissa ang traysikel dahil nasa tapat na ito nang kanilang bahay. Hinayang na hinayang naman ang manyak na mama..

Pagkatapos mag shower ay agad tinawagan ni Melissa si Mike, gusto nyang matuon ang atensyon sa asawa dahil kanina pa talaga nya gustong pumunta sa bahay nang binata... Tukso! Kailangan nyang kontrolin ang sarili.. Masaya silang nagkwentohan na mag asawa pero lingid sa kaalaman nang maybahay ay kasalukuyan nang nasa airport ang mister.

Pagkatapos nilang mag usap ay agad nagbihis si Melissa. Naka spaghetti lang ang pantaas nya at naka panty na white na may maliliit na bulaklak. Sya lang naman kasi mag isa sa bahay at ilang araw din syang nasanay sa bahay ni Alex na naka panty at sando lang at pag nalibugan ang binata ay agad syang tatanggalan nang saplot.

"hay! Bakit ba pabalik balik ka sa isapan ko Lex?" inis na sambit sa isipan ni Melissa,

"maka pagluto nanga nang dinner!" sabay baba sa hagdanan nang seksing ginang.

𝕿𝖊𝖒𝖕𝖙𝖆𝖙𝖎𝖔𝖓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon