Kabanata 25: Sanib

28 9 0
                                    

Dalawang Kaluluwa ang Nag aagawan sa iisang katawan. Sino ang nagtagumpay?

Nag aagawan ang magkapatid sa Iisang katawan, Hanggang sa...

Noah's POV

Nangisay ang katawan ni Julliana, Tumigil ang pulso.

"Clear! Clear!" -Doc

Hanggang sa bumalik ang kanyang Pulso, at himalang nagising siya.

"Julliana!" -Noah

"Masaya akong nagbalik!" -Monica

Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Julliana, Basta masayang masaya ako na wala ganong nangyaring masama sa mag ina ko.

Josefina's POV

Nagagalit ako sa sarili ko, Dahil sakin muntik ng mapahamak ang apo ko.

"Iha, Patawarin mo ako. Dahil sakin muntik na kayo mapahamak" -Josefina

"Wala ka po kasalanan, Nay" -Monica // Julliana

Nagulat at nagtaka ako nung tinawag niya akong Nay. Bakit parang nagbago siya magmula ang Aksidente. Tahimik na lamang ako at hindi na pinansin ang aking napapansin.

Noah's POV

"Kumusta ka?" -Noah

"Okay lang ako, Medyo masakit ngalang ang Katawan ko" -Monica

"Tatagan mo pa ha, Kasama mo si Baby" -Noah

Iniisip ko kung natuluyan ang mag-ina ko, mababaliw ako. Hindi ko kakayanin kung pati sila mawawala sa'kin.

"Aray!" -Monica

"Bakit, Sumakit ba ang Tyan mo?" -Noah

"Oo, sumipa si Baby" -Monica

"Maging ang anak natin natutuwa na ligtas kayong dalawa" -Noah

Monica's POV

Matapos ang 5 Taon! Muli akong nagbalik. Hinding hindi ako titigil hangga't hindi ko nasasama si Noah sa kabilang buhay. Hindi ko to ginusto mangyari sa'yo Julliana. Pero, Ikaw ang nagpalit sakin upang muling makabalik sa buhay ni Noah.

"Ate, bakit mo ba ginagawa 'to?!" -Julliana

"Manahimik ka lang Julliana. Sa akin na ang katawan mo!" -Monica

"Ate, Buhay ko 'yan! Asawa't anak ko ang gusto mong agawin!" -Julliana

"Tumigil ka na, Julliana. Mas malakas pa rin ako kumpara sa'yo!' -Monica

"Babawiin ko ang katawan ko! Matatalo rin kita!" -Julliana

Ang away ng dalawang kaluluwa para sa iisang katawan, Umabot na sa sukdulan. Papatunayan ni Monica na ang Katawan ni Julliana ay sakanya.

"Matagal ka nang patay, Monica!" -Julliana

-------------------

Noah's POV

Lumipas ang mga Buwan iba iba na ang kinikilos ni Julliana. Nangyari na ang unang away namin.

Kumakain kami kasalukuyan ng biglang natapon ni Mama Josefina ang Tubig sa Lamesa.

"Ano ba naman yan! Hindi ka kasi nag iingat" -Monica

"Pasensya na" -Josefina

"Mama hindi ka dapat humingi ng pasensya! Julliana bakit ganyan na ugali mo ngayon?! Sa simpleng bagay nagagalit ka agad. Baka nakakalimutan mong Nanay ko ang sinisigawan mo!" -Noah

"Ah ganun ba? Pasabi naman sa Nanay mo baka sa susunod pwede siya mag-ingat. Tanga tanga niya masyado" -Monica

"Julliana?! Naririnig mo ba sarili mo? Hindi ka na yung Julliana na nakilala at Pinakasalan ko!" -Noah

Biglang umalis sa hapag kainan si Julliana.

"Noah, Pasensya na. Nag away pa kayo dahil sakin" -Josefina

"Ma, Wag ka humingi ng Pasensya. Wala kang ginawang masama. Hindi ko na kasi talaga kaya ang bastos na ugali ni Julliana!" -Noah

"Sa totoo lang, Napapansin ko na rin ang Pagbabago ng Ugali ng Asawa mo" -Josefina

Noah's POV

Napapansin ko sa Kinikilos ni Julliana ang Dating ginagawa ng Isang tao na kakilala ko.

Ginagalaw ko ang mga gamit niya nang sa Makita ko ang Isang Kwintas
Kinakabahan ako dahil baka may iba akong makita. Nagulat ako dahil may bagay na pamilyar sakin.

"Ang Kwintas na ito ay kay Monica!" -Noah

Nagulat ako sa nakita ko at saktong dumaan si Julliana.

"Monica?" - Noah

"Ha? Anong Monica?" -Julliana

"Umamin ka nga, Ikaw ba si Monica?!" -Noah

Galit na galit ako at tila ba alam ko na ang kasagutan sa katanungan ko.

"Tama na, Noah. Halikana. Samahan mo na ako dito, Maging masaya na tayo dito" -Monica

"Pero, Kung ikaw si Monica anong ginagawa mo sa Katawan ni Julliana -Noah

"Noong naaksidente ang Kapatid ko, Ako ang nagwagi makapasok sa katawan niya!" -Monica

"Monica, Matagal ka nang Patay. Parang awa mo na, Manahimik ka na" -Noah

"Sasama ka ba o Isasama kita sa Impyerno kasama ng Tatay mong pinatay ko!" -Monica

"Ikaw ang Pumatay kay Papa? Ganto ang igaganti mo matapos ko ibigay ang Hustisya para sa'yo!' -Noah

"Samahan mo ako Hanggang kamatayan, Noah. Ituloy natin ang Pagmamahalan natin" -Monica

Hinawakan ni Monica si Noah.

"Bitiwan mo ako! Layuan mo ako!" -Noah

"Halika! Isasama na kita sa Kamatayan!" -Monica

"Wala kang utang na loob! Matapos ang lahat na kabutihang ginawa ko para mabigyan ka ng Hustisya" -Noah

Pilit sinasama ni Monica si Noah, Hanggang sa---

----------------------

Kabanata 10: Monica (Wakas)

Teaser:

"Mama!" -Noah

"Nasaan si Mama?!" -Ace

Ang pagsasanib pwersa ng Dalawang Kontrabida sa buhay ni Noah.

"Alam mo ikaw na matanda ka, Masyado kang epal!" -Monica

"Alam ko na ang totoo, Hindi ikaw ang manugang kong si Julliana! Niloko mo muli kami, Monica!" -Josefina

"Gusto mo bang pasabugin ko na bibig ng matandang 'to?" -Raymond

*beng* *beng*

"Mama!"

--------------------------

Ngayong alam na ni Noah ang Katotohanan, Hindi pa dito matatapos ang Lahat. Sinamahan natin si Noah sa buhay abogado at buhay pag-ibig niya. Magmula iniwan at minulto siya hanggang sa kinasal siya.

Hanggang saan aabot ang kasamaan ni Raymond at Monica? Tuluyan na bang makukulong si Raymond? at Tuluyan na nga bang mananahimik sa payapa si Monica? Makakabalik pa ba si Julliana sa katawan niya?

Abangan ang mga susunod na mangyayari sa Huling Kabanata ng buhay ni Noah Escalante.

| Kabanata 9

Deadly Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon