Ang Kasal ay isa sa Pitong Sakaramento. Halos lahat ng Babae pangarap ang Kasal. Ang Kasal ay Sagrado. Sa pamamagitan ng kasal nagiging isa ang dalawang nagmamahalan.
Julliana's POV
Narito na ang Kasal na pinapangarap ko, Matagal ko na itong pinangarap.
Ito ang araw na pinaka hindi ko malilimutan kahit sa wakas pa ng aking buhay."Ma, Kinakabahan ako" -Julliana
"Dapat sigurado ka, Anak" -Marilou
"Paano po ba masasabi kapag sigurado na ako?" -Julliana
"Nakikita mo ba si Noah bilang mabuting asawa?" -Marilou
"Opo"
"Nakikita mo ba si Noah bitbit ang mga anak niyo?" -Marilou
"Opo"
"Nakikita mo ba ang sarili mo na kasama si Noah" -Marilou
"Opo"
"Kung ganon naman pala, Anak.
Handa ka na" -MarilouHindi kumpleto ang Kasal ko kung hindi si Tatay Noel ang maghahatid sakin sa Altar.
"Kung nandito lang sana si Tatay" -Julliana
"Pwede bang wala ako sa kasal ng anak ko?" -Noel
Nagulat ako nung nakita ko si Tatay. Naiiyak ako, Ganun ata pakiramdam na yung lalaking unang minahal ko ihahatid na ako sa Altar papunta sa lalaking mahal ko at mamahalin ako
"Huwag ka na umiyak, Anak.
Baka mahuli ka pa sa kasal mo" -Noel----------------------
Noah's POV
// Manila Cathedral. May 30, 2030.
Eto ang napili ko dahil bata pa lang ako dito na ako dinadala para magsimba. Magiging masaya ako kung ang nag iisang babaeng papakasalan ko ay dito kami ikakasal.
"Noah, Gising na! Ma lalate ka na sa kasal mo!" -Josefina
"Nakabihis na ako, Ma.
Kuya Ace tara na" -Noah' Flashback
This scene is from Book 1 - Chapter 1: Hopeless Romantic
"Noah, ikaw na ba yan? Ang laki naman na ng pamangkin ko. Kailan ang Kasal?" wika ni Tita Concha
"Ano ka ba Concha, wala pang girlfriend ang anak ko" nakakagulat na sagot ni Mama
Gusto ko na lumaho non, Hiyang hiya bakit kailangan pang sabihin ni Mama na wala akong Girlfriend
"Bakit naman wala? Gwapo, Maputi at Matangkad naman ang pamangkin ko ah. Napakababa naman ng taste ng mga kababaihan ngayon" wika ni Tita Concha
'Previous
"Hindi ako makapaniwala, Ikakasal na ang Pamangkin ko!" -Concha
"Tita, After 8yrs. Namiss kita" -Noah
"Pwede bang wala ako sa kasal ng pamangkin ko, Parang kailan lang" -Concha
"Ano, Ate? Kala mo ba hindi na magkakaroon ng Asawa ang Anak ko" -Josefina
"Halika na, Baka mahuli pa tayo" -Ace
Noah's POV
Nakakakaba dito sa Altar kaya lang antagal naman ni Julliana. Kinakabahan ako baka hindi ako siputin ng magiging asawa ko.
Kaso nakita ko na siya, Kasama niya si Tatay Noel. Akala siguro neto tirador ako ng magkapatid.
Nagsimula na kumanta ang mga Choir, tila ba naririnig ko ang mga Anghel at Unti unting lumalapit sakin ang Langit. Ang pinaka magandang babae sa mga mata ko.
"Noah, Anak. Ingatan mo ang anak ko ah? Matapos ang araw na 'to hindi na Madreal ang apelyedo niya" -Noel
"Hindi naman po tuluyang mawawala, Nandyan pa rin po 'yan. Iingatan ko po ang anak niyo" -Noah
"Simulan na natin ang kasal sa pagsisimula sa tanda ng krus (+)
Bilang pari, tinalaga sakin ang Pagpapatibay ng Kasal niyo. Sa pamamagitan ng Kasal ay nag iisang dibdib kayo.
Tandaan niyo na hindi lang kayong dalawa ang kinakasal. Kayong dalawa ay kinakasal kay kristo. Si Kristo ang magpapatibay sa kasal ninyo.
----------------------
Noah, Tinatanggap mo ba si Julliana bilang iyong asawa?" -Priest
"Opo, Father" -Noah
"Julliana, Tinatanggap mo ba si Noah bilang iyong kabiyak?" -Priest
"Yes po, Father" -Julliana
"Nangangako ba kayo na mamahalin niyo ang isa't isa bilang mag asawa, sa hirap at ginhawa hanggang sa wakas ng inyong buhay" -Priest
"Opo, Nangangako kami"
Noah's POV
Ang cute ni Kurt siya ang may Hawak nung ring namin. Parang kailan lang napaka liit pa niya....
"Bilang pari, Sa pamamagitan ni Kristo. Kayong dalawa ay ganap na mag asawa na. Palakpakan natin ang Bagong Kasal." -Priest
"MABUHAY ANG BAGONG KASAL"
"I now pronounce you husband and wife. Ano pa bang inaantay natin, YOU MAY NOW KISS THE BRIDE" -Priest
Eto ang unang beses na nahalikan nila ang isa't isa.
"Palakpakan natin ang, MR. AND MRS. ESCALANTE!"
Maayos naman ang lahat hanggang sa... Nakita ko si Monica sa may kampana ng Simbahan
*ding, ding, ding* walang tigil ang pagtunog ng kampana.
"Ano 'yun? Bakit ayaw huminto" -Josefina
"Maging ang kampana ay masaya sa kasal nila!" -Marilou
Kinikilabutan ako, Hanggang matapos ang limang minuto. Tumigil ang tunog ng Kampana
Hanggang sa matapos ang kasal namin, Hindi ko na sinabi sa iba ang nakita namin.
-----------------------
// Sa araw ng kasal nila, Isang pasabog pa ang mangyayari!
"Isang pagsabog ang nangyari sa Manila City Jail, at Kasalukuyang hinahanap ang mga presong naka takas. Kabilang ang Rapist na si Raymond Santos" -News
Raymond's POV
Dito na magwawakas lahat ng Kasiyahan mo, Noah. Simula na ng Paghihiganti ko!
Epilogue---
"Walong taon na natin pinagplanuhan 'to. Pasabugin niyo na!" -Raymond
"Malaya na tayo!"
"Saan kayo pupunta? Habulin niyo sila" -Police Officer Santiago
Nahuli ang ilan sa mga kasama ni Raymond, Maliban kay Raymond.
-----------------------
Hindi dito magwawakas ang Lahat.
Sa nalalapit na pagtatapos ng Ikalawang Libro, Abangan ang Paghihiganti at Pagbabalik.Ano ang mangyayari sa Buhay mag-asawa ni Noah at Julliana?
Abangan sa mga susunod pang Kabanata.| Kabanata 6
BINABASA MO ANG
Deadly Love (Book 2)
Misteri / Thriller[BOOK 2] Matapos ang unang libro, ang hustisya para kay Monica ay nakamit na, ngunit titigil na kaya siya? Ngayong nakilala na ni Noah si Julliana, ano ang kanilang magiging papel sa isa't isa? Ang kamatayan ba ni Monica ay ang simula ng kaguluhan s...