Ang Pagwawakas ay isa sa pinaka mahalagang bahagi ng kwento. Dito makikita kung paano magwawakas ang kwento.
Natunghayan natin ang Naunang Wakas ng kwento ni Monica at Noah,
Paano kaya ang Pagwawakas ng Ikalawang Kwento nila. May aasahan ba tayong susunod na Yugto?' Kaninong dugo ang dadanak?
' Kaninong buhay ang mamamaalam?
' Mananahimik na ba sa kapayapaan si Monica?
Abangan hanggang sa dulo ng Kabanata.
-------------------
"Anong ginagawa mo sa katawan ng Asawa ko?!" -Noah
"Kinuha ko lang ang dapat na sa akin!" -Monica
"Walang iyo, Monica! Pwede bang tumahimik ka na! Rest in peace!" -Noah
"Kailanman, Hindi ko mahahanap ang Kapayapaan hangga't hindi kita nakukuha!" -Monica
"Sa tingin mo sasama ako sa'yo?! Pinatay mo ang Ama ko! Sinira mo ang buhay ko!" -Noah
Raymond's POV
Narito na ang isa sa araw na pinaka inaantay ko. Uubusin ko ang Pamilya mo Noah! Sinimulan ko na sa Asawa mo, Pusa ata yang asawa mo hindi pa natuluyan.
Unti-unti kong pinapasok ang bahay ni Noah hanggang sa makita kong walang malay si Noah.
"Anak ng Tokwa! Naunahan na ata ako!" -Raymond
"Anong ginawa mo sa Anak ko?!" -Josefina
"Anong ako, Kapapasok ko pa lang dito" -Raymond
"Tulon---" Hindi niya natuloy ay sinisigaw niya.
Nakita ko ang asawa ni Noah na hinampas ang byenan niya.
"Anong ginawa mo sa byenan mo?! Bakit walang malay ang asawa mo?" -Monica
"Hindi ba gusto mo rin silang mawala?" -Monica
"Oo, Bilang Paghihiganti ko!" -Raymond
"Kakampi mo ako, Tapusin na natin buhay ng mga Escalante!" -Monica
"Hindi bat Escelante ka rin?! Bakit ginagawa mo 'to sa Pamilya mo" -Raymond
"Andami mo pang tanong, Kunin mo yang matanda na 'yan. Hindi pa ako tapos sa Pamilya nila!" -Monica
Nagugulat na lang ako sa mga nangyayari at nasasaksihan ko. Basta Galit kay Monica, Wala na rin kaming pinagkakaiba.
--------------------
Noah's POV
Kinaumagahan na at hindi ko mahanap si Julliana at si Mama, Akala ko panaginip lang lahat kagabi nung natuklasan kong Kaluluwa ni Monica ang nasa katawan ni Julliana
"Mama!" -Noah
Hindi ko pa rin siya makita kaya ginising ko si Kuya Ace
"Kuya! Kuya!" -Noah
"Bakit Noah? Kung makasigaw ka kala mo naman napaka importante nyan" -Ace
"Importante talaga to" -Noah
"Ano ba yan?! Sinira mo tulog ko" -Ace
"Si Mama, Nawawala" -Noah
"Nasaan si Mama?!" -Ace
"Pagkagising ko hindi ko na makita si Mama, Tulungan mo akong hanapin siya" -Noah
Ang pagsasanib pwersa ng Dalawang Kontrabida sa buhay ni Noah.
BINABASA MO ANG
Deadly Love (Book 2)
Misterio / Suspenso[BOOK 2] Matapos ang unang libro, ang hustisya para kay Monica ay nakamit na, ngunit titigil na kaya siya? Ngayong nakilala na ni Noah si Julliana, ano ang kanilang magiging papel sa isa't isa? Ang kamatayan ba ni Monica ay ang simula ng kaguluhan s...