Ang Buhay puno ng Surpresa, Magugulat ka na lamang sa mga susunod na mangyayari sa iyomg buhay. Kung kahapon masaya ka, Hindi mo maaasahang hanggang sa mga susunod na araw ay masaya ka.
Raymond's POV
Alam kong lubos na ang kasamaan ko, Nagpanggap akong isang nurse upang makapasok sa mental hospital kung nasaan si Isabelle
Hindi ako nabigo at nakita ko si Isabelle. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nagawa ko.
"Mamatay ka na! Mamatay ka na!" -Raymond
"Anong ginagawa mo dito? Bitiwan moko!" -Isabelle
Hanggang sa tumigil ang pag galaw at paghinga ni Isabelle, Nakapatay na naman ba muli ako ng tao.
Sa takot ko umalis agad ako at nakikita kong nagkakagulo ang mga nurse.
"Time of death: 8:12am" ang pinaka huling narinig ko bago ako tuluyang umalis.
------------------
Noah's POV
Sa hindi inaasahang pagkakataon may tumawag sakin na taga
St. Mary's Mental Hospital."Good morning, Sir Noah"
"Good morning, Bakit po kayo napatawag?" -Noah
"Our mental hospital is sending our sympathy for the loss of Isabelle."
Nagulat ako nung nabalitaan kong namatay na si Isabelle at Alam kong may kinalaman si Raymond dito.
"Ano po kinamatay ni Isabelle?" Tinanong ko.
"Her death is caused by suffocation.
Intentional po ang kinamatay niya at hindi ito natural cause of death. May pupunta pong pulis dyan for Investigation""Huwag, Ako ang pupunta dyan" -Noah
*phone call ends*
"Bakit Noah?" -Josefina
"Patay na po si Isabelle, Pupunta ako ngayon sa Mental Hospital" -Noah
"Sasama ako" -Julliana
"Ako na lang, hindi ba sinabi ko na walang lalabas" -Noah
----------------
Julliana's POV
Aaminin ko nakakainis na hindi kami safe sa gantong panahon. Gusto ko siya samahan pero alam kong magagalit siya.
Pero, Pasaway ako. Wala naman sigurong masama kung Lalabas ako at susunod sakanya.
Umalis na si Noah at tinanong ko si Mama.
"Ma, Saan pupunta si Noah?" -Julliana
"Iha, Huwag mo namang sabihin sakin na susunod ka" -Josefina
"Ma, Alam kong delikado. Pero, hindi naman po pwedeng habang buhay na ako dito" -Julliana
"St. Mary's Hospital, Iha" -Josefina
Nagmdali akong umalis...
"Taxi! Taxi!" -Julliana
"Saan po tayo, Mam?" -Driver
"St. Mary's Hospital po" -Julliana
"Sakay na po kayo" -Driver
----------------
Noah's POV
"Naaaan po si Isabelle?" -Noah
"Sumunod po kayo sakin"
Aaminin ko, Kinakabahan ako. Alam ko sa sarili ko na siya ang unang babaeng minahal ko. Totoong minahal ko siya noon. Mahirap para sakin na makita siyang nakahandusay at wala ng malay.
"Jusko" Ayan na lamang ang nasabi ko sa nakita ko. Hindi ko kayang makita pa syang ganyan.
"May kilala po ba kayo na maaaring gumawa neto kay Isabelle?" -Pulis
"Si Raymond Santos po, Isang rapist na nakatakas sa pagsabog sa manila city jail" -Noah
"May alam ka ba na maaaring hideout nung criminal?" -Pulis
"Wala po" -Noah
"Salamat, Atty. sa Pagsagot" -Pulis
------------------
Julliana's POV
Napapansin kong kanina pa may sumusunod samin. Kinabahan na ako at tila ba hinahabol ako.
Ang huling naaalala ko lang ay sumigaw ako ng "Tulong!"
Raymond's POV
Totoo ba itong nakikita ko? Nasa taxi ang buntis na asawa ni Noah. Mukhang makaka jackpot ako nito. Ano kaya mararamdaman ni Noah kung Mamatay ang Mag-ina niya!
Binangga ko ang taxi na sinasakyan ng Asawa ni Noah at mukhang napuruhan ito...
Tumakbo ako ng mabilis, Hanggang sa walang nakakita sakin.
------------------
Noah's POV
Pauwi na ako dahil sapat na ang mga nakita ko ngayong araw, Nagtataka ako bakit hindi ko matawagan si Julliana. Umuwi na ako...
"Ma, nasaan si Julliana? Kanina ko pa siya tinatawagan hindi sumasagot" -Noah
"Hindi ba kayo magkasama?" -Josefina
"Anong magkasama? Eh hindi ko nga siya hinahayaang lumabas. Tsaka nakita niyo namang iniwan ko siya dito" -Noah
"Sorry, Anak" -Josefina
"Bakit ka nag sosorry, ma?" -Noah
"Nagpumilit siya kaya sinabi ko kung nasaan ka" -Josefina
Kasagsagan ng pag-uusap namin ni Mama hanggang sa...
"Noah! Noah! Ang Asawa mo!"
Kinakabahan ako, Tinanong ko...
"Bakit? Anong nangyari sa asawa ko" -Noah
"Binangga sila kanina ng hindi kilalang suspek, Dinala na siya sa Ospital"
Agad agad akong nagmadali papunta sa Ospital.
// Hospital
"Nasaan ang Asawa ko?!" -Noah
"Nasa ER"
"Ma, Kung inaakala mong galit ako. Hindi ako galit sa'yo, Ma. Aksidente lahat ng nangyari" -Noah
"Kumusta ang Anak namin?" -Noah
"Ang baby matibay ang kapit niya sa kanyang Ina. Ngunit ang kanyang Ina ay kasalukuyang naka comma. Kung hindi agad siya magigising maaaring pumanaw ang bata sa tyan niya" -Doc
------------------
Magsisimula na ang Pagbabalik ni Monica.
Julliana's POV
Nakikita ko na ba ang Liwanag? Pakiramdam ko tulog lang ako at tila ba nakakaramdam ng Pahinga.
Habang tumatagal nakikita ko si Ate Monica,
"Ate, Sinusundo mo na ba ako?" -Julliana
"KAILANGAN KO NG KATAWAN MO!" -Monica
"Ate, Anong sinasabi mo dyan? Pabalikin mo na ako don!" -Julliana
"Kailangan ko balikan ang lalaking pinakamamahal ko!" -Monica
"Ate, Kasal na kami. Akin na si Noah" -Julliana
Nag aagawan ang magkapatid sa Iisang katawan, Hanggang sa...
Nangisay ang katawan ni Julliana, Tumigil ang pulso.
"Clear! Clear!" -Doc
Hanggang sa bumalik ang kanyang Pulso, at himalang nagising siya.
Kaninong kaluluwa ang muling bumalik sa katawan? Kay Julliana ba o kay Monica ang nasa katawan ni Julliana.
Magsisimula na ang PAGBABALIK at PAGHIHIGANTI.
Abangan sa Huling 2 Kabanata ng
Ikalawang Libro ng "Deadly Love"| Kabanata 8
BINABASA MO ANG
Deadly Love (Book 2)
Mistério / Suspense[BOOK 2] Matapos ang unang libro, ang hustisya para kay Monica ay nakamit na, ngunit titigil na kaya siya? Ngayong nakilala na ni Noah si Julliana, ano ang kanilang magiging papel sa isa't isa? Ang kamatayan ba ni Monica ay ang simula ng kaguluhan s...