Hindi lahat ng nakabilanggo ay tuluyan ng nananahimik na.
Naaalala niyo pa ba si Lucas Buenaventura at Raymond Santos? Ang dalawang lalaking pumatay at nanggahasa kay Monica.Matatandaang namatay si Lucas dahil sa pagpatay niya sa kanyang sarili, Paano naman si Raymond? Tuluyan na ba siyang nagbagong buhay?
----------------------
Meet the Future In-laws
Noah's POV
Hindi agad ako nakauwi dahil sa ulan, Mukhang buong gabi ang ulan.
"Hala! Baka hinahanap na ako sa Bahay" -Noah
"Iho, Masyadong malakas yung ulan. Mabuti pa dito ka na magpalipas ng gabi" -Marilou
"Mama naman, Nakakahiya naman" -Julliana
"Julliana samahan mo si Noah sa Guest Room" -Marilou
"Huh! Tabi kami?!" -Julliana
"Ano namang masama dun, Nak? Abogado yang kasama mo atsaka alam nyan na ang sex without consent---" -Marilou
"Is considered rape po, Wala naman po akong gagawing masama sa Anak niyo" -Noah
Julliana's POV
Ang galing ni Noah sa batas, Lalo akong nahuhulog sakanya. Nagkaroon na rin ako ng tiwala sakanya. Wala naman sigurong masama.
// Guest Room
Nagkakahiyaan pa kaming humiga, Sinabi niya sa'kin
"Mahal, Kung hindi ka kumportable sabihin mo sakin ah? Pwede naman akong sa lapag humiga maging kumportable ka lang" -Noah
"Pa'no kung sabihin kong sa'yo ako kumportable? Tabihan mo na ako dito" -Julliana
Hindi niya ginamit yung pagkakataon para pagsamantalahan ako, Kaya alam kong nasa tamang tao ako.
"Noah, Salamat ha?" -Julliana
"Bakit naman?" -Noah
"Dahil sa'yo naging komportable ako" -Julliana
"Huwag mo na isipin yun, Inaalala ko sila Mama. Baka hinahantay na nila ako" -Noah
--------------------
Josefina's POV
Anong oras na hindi pa rin umuuwi si Noah,
"Ace! Ace!" -Josefina
"Bakit, Ma? Gabing gabi na. Nakaka kaba ka naman" -Ace
"Ang kapatid mo hindi pa umuuwi" -Josefina
"Ma, Matanda na si Noah. Hayaan mo na siya" -Ace
"Sabagay, Saan ba nakatira si Julliana. Pupuntahan ko bukas" -Josefina
Sa hindi inaasahang pagkakataon nag iwan pala ng message si Noah,
"156, Poblacion St. Marikina"
"Ace, maghanda ka. Pupunta tayo bukas ng maaga para mamanhikan" -Josefina
----------------------
Handa na bang gumising ang dalawa para sa Biglaang Pamamanhikan?
Julliana's POV
Katabi ko na si Noah, Gusto ko siya yakapin. Nahihiya lang ako. Kaso, Bigla niya akong niyakap.
"Sorry ha, Hindi ko mapigilan eh" -Noah
"Ayos lang, Sa totoo lang nga gusto kitang yakapin kanina pa" -Julliana
"Mahal kita, Binibini" -Noah
"Mahal kita, Ginoo" -Julliana
BINABASA MO ANG
Deadly Love (Book 2)
Mystère / Thriller[BOOK 2] Matapos ang unang libro, ang hustisya para kay Monica ay nakamit na, ngunit titigil na kaya siya? Ngayong nakilala na ni Noah si Julliana, ano ang kanilang magiging papel sa isa't isa? Ang kamatayan ba ni Monica ay ang simula ng kaguluhan s...