Kabanata 18: Internet Love

31 9 0
                                    

Sa panahon ng pandemya, Hindi mo maitatanggi ang umibig sa tao kahit na sa internet lang kayo nakakapag usap. Hanggang saan aabot ang Pagmamahal? Hanggang saan bago matapos ang lahat?

From Lawyer to Online Lover na si Noah niyo -,- jk. Ang mga sumunod na nangyari kay Noah sabay sabay natin tunghayan

----------------

Noah's POV

Hindi naman ako sanay sa mga ganto eh, try ko kaya mag first move eh, cringe masyado kung ganon. Hays! It's now or never.

"Hi Julliana!....." Hindi ko pa ito naisesend kay Julliana ngunit nauna na palang nag chat si Julliana.

Hindi maipinta sa mukha ko ang saya, Tumatalon talon ako dahil sa saya't kilig. Ganto ba mainlove ulit? Long time no experience eh.

--------------

Julliana's POV

Jusko! Noah galaw galaw. Hindi kita inadd para dumami kaibigan ko. Weird masyado kung ako mag fifirst move. Ang pogi naman kasi niyang abogado eh. Di ko kayaaaaaa

"Noah? Are you busy?" Ang aking message sakanya.

"Hindi naman ako busy pagdating sa'yo, Binibini." -Noah

Punyeta! Ang ganda ng typing niya. Nakaka turn-on, Alam niya magsulat ng tamang pangungusap.

"Ay, Wow! Ayos ng typings ah" Pabirong sinabi ko sakanya

"Ganun talaga, Type kasi kita" -Noah

Gagi! Ang bilis naman. Sana naman wag tayong ganon...

"Ane be, type rin kita hehe" odiba speed lang rin.

"Luh! Joke lang, Binibini" -Noah

"Can you stop calling me 'Binibini' Lalo akong na fafall sa'yo, Ginoo"

"Mahulog ka lang, Handa naman akong saluhin ka" -Noah

Ganto pala kiligin, Believe it or not wala pa ako nagiging boyfriend. Mamamatay pa nga ata akong dalaga

"Tagal mo naman magreply, Siguro naihi ka na sa kilig" -Noah

"Yucks! Pa'no mo naman nakita. Ikaw haaaa, Stalker ka!" -Julliana

"Sa gwapo ko ba naman na 'to, 'Di ka pa ba nahuhulog?" -Noah

"Balakjan, Matutulog na 'ko" -Julliana

---------------

Noah's POV

Ang pag-ibig ay bigla biglang dumadating. Ngayon ay araw ng Kamatayan ni Monica. Bitter ko naman masyado kung hanggang ngayon iniisip ko pa rin siya.

"It's been 8 years, Monica. I miss you so much" -Noah

Kagaya ng Pagkamatay niya, Kailangan na rin tuldukan at patayin ang nararamdaman ko sakanya.

"Good morning"

Nagulat ako may bumati rin sakin ng magandang umaga bukod sa Pamilya ko. Masarap gumising sa araw-araw na ganyan ang makikita ko tuwing umaga. Kapag inggit, pikit! Kwento ko 'to, gawa ka ng iyo 😩

"Magandang Umaga, Binibini" -Noah

"Ano baaaa, Lalo akong nahuhulog sa'yo" -Julliana

"Alam mo namang hindi ka pa nahuhulog, Matagal na kitang nasapo" -Noah

---------------

"Ma! Si Noah nakangiti habang sumasandok ng kanin" -Ace

"Para ka namang gago, Kuya. Masama ba ngumiti paminsan minsan" -Noah

"Haynako, Ace! Tigilan mo na si Noah alam mo namang kahit ngumit 'yan wala namang magpapangiti dyan" -Mama

"Pa'no kung sabihin kong may nagpapangiti sakin?" -Noah

"Ay, Bumalik si Monica! Taray literal na ghosting. Babalik kapag gustong bumalik" -Ace

"Kuya naman, matagal ng patay at tahimik si Monica" -Noah

"Hala! Kamatayan ni Monica ngayon, Anak. Hindi ka ba pupunta?" -Mama

"Ma, wala ng dahilan. Ang minsan niya na akong iniwan, Doon na nagwakas lahat ng meron saming dalawa" -Noah

"Matagal ng patay si Monica, Patawarin mo na ang kaluluwa niya" -Mama

"After ilang days kamatayan na rin ni Papa, Ang bilis ng panahon. 3 taon na rin pala syang patay" -Ace

"Biglaan talaga pagkamatay ni Papa noh? Naalala ko non..." -Noah

NOTE: The following event are the continuation of the Chapter 8 of Book 1.

'3 years ago...

Noah's POV

"Anak, Halika" -Papa

"Bakit po?" -Noah

"Hindi biro ang nakikita mo, Anak" -Papa

"Ang?" -Noah

"Ang babeng kasama mo ay hindi katulad natin" -Papa

"Pati ba naman ikaw?" -Noah

"Sinasabi ko lang ang dapat na ginagawa mong tama, Anak" -Papa

"Hindi nga buhay si Moni---" Hindi matuloy ni Papa dahil dumating si Monica.

"Monica, andyan ka pala" -Noah

Nakita ko na nanalaki ang mata ni Papa, Nagkamali akong hindi ko sinunod ang sinabi niya. Iyon na ang huli naming pag-uusap bago siya...

'Present

Hindi ko inaasahan makita ang cellphone ni Papa. Nakakataka lang na hindi ito gano nasira at magagamit pa. Binuksan ko ang cellphone ni Papa...

At ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko kinaya.

Narinig ko ang isang recording sa cellphone ni Papa...

"Noah, Ace, Mahal kong Josefina. Kapag napapakinggan niyo na ito ay marahil patay na ako.

Noah, Tatagan mo ang loob mo nakikita kong ikaw ang pinaka maaapektuhan sa mga mangyayari.

Ace, alagaan mo ang apo kong si Kurt.
Ang nag iisa naming apo. Alagaan mo ang Kapatid, Anak at Ang iyong Ina. Ikaw ang panganay ko, Mahal kita, Mahal ko kayo.

Josefina, Ang aking ilaw ng tahanan sa kay habang panahon. Pasensya ka na aking liwanag. Tila ba ako'y magpapaalam na. Huwag mo kalilimutan na dadaan ang madilim na gabi, Ngunit muli tayong magkikita sa maliwanag na bagong buhay at pinapangako ko na kailanman, Hindi na tayo muling magkahiwalay."

hanggang sa---

"Noah! Ace! Tulungan niyo ako"
Ang mga huling salita ni Papa.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa'kin kung ano ang tunay na nangyari kay Papa. May kinalaman ba si Monica dito?

// Unheard recording...

*whistles*

"Bakit ka nandito?! anong kailangan mo sa anak ko?"

"Matagal ko nang hinintay ang anak mo. Sa ngayon magiging akin na siya kung walang epal na kagaya niyo!" -Monica

"Matagal ka nang patay, Iha. Itigil mo na ito"

"Hindi ko man makuha ang anak mo. Isasama kita sa kabilang buhay!" -Monica

"Noah! Ace! Josefina! Tulungan niyo ako"

Doon na nagwakas ang buhay ni Tatay Teodro...

------------------

Kailan malalaman ni Noah na ang kaluluwang minsan na nyang minahal ang pumatay sa kanyang Ama?

Abangan sa susunod na Kabanata ang Muling Pagkikita ni Julliana at Noah.

| Kabanata 2

Deadly Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon