________________________________________________
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is purely coincidental.
________________________________________________"Lucky! Huwag mo 'kong iwan! Lucky!!"
"Huy!" agad akong napabangon nang gisingin ako ni Ivonné, bestfriend 'ko. "Okay ka lang? Nananaginip ka nanaman." tipid lang akong ngumiti tsaka tumayo.
"Anong oras na? Baka hinahanap na ako ni tita." inilagay 'ko na sa bag yung mga gamit 'ko. Dito kasi ako dumiretsyo pagka-out 'ko sa bar, kung saan ako nagpa'part-time.
"Alas tres palang ng madaling araw, gaga ka! Mamaya kana umuwi kapag medyo maliwanag na." umiling ako sa 'kaniya. "Hindi pwede, patay ako kay tita kapag hindi ako nakauwi."
"Sus, ang sabihin mo manghihingi lang 'yon ng pera pangsugal tss." ngumiti lang ako sa kaniya tsaka nagpatuloy sa pagliligpit ng mga librong nakakalat.
Nilagay 'ko sa lumang backpack ang mga ito tsaka tumingin kay Ivonné, "Oh alis na'ko, mag'lock ka ng pinto. H'wag magpapapasok ng kung sino-sino. Tawagan mo 'ko ka agad kapag may nangyari---"
"Tsk oo na, ikaw ang mag-ingat dahil ikaw ang uuwi mag-isa. At tawagan mo 'ko kung nakauwi kana, hindi ako matutulog hangga't wala kang tawag. Okay?"
Natawa na lang ako tsaka lumabas na ng apartment niya, medyo may kalayuan ang bahay namin dito pero wala naman akong magagawa kaya naglakad na ako pauwi.
Tahimik ang kalsada, tanging poste ng ilaw lang ang nagsisilbing pananggala 'ko sa madilim na daanan.
Ngunit hindi maalis sa isipan 'ko ang bangungot ng buhay 'ko, ang madilim na nakaraan na bumabalot sa pagkatao 'ko.
Kung saan kinailangan 'kong gawin ang isang bagay upang paraan na gusto 'ko, sa paraan na kung saan ako ang mag'kokontrol sa dapat at gusto 'kong gawin. Kahit pa kapalit nito ang pagkawala ng mga taong mahal 'ko.
I may be unlucky to have a miserable life, but it's good to be unlucky as long as my name is not Lucky.
BINABASA MO ANG
UNLUCKY
RomanceLucy Navaro is a junior high in St. Augustin Montessory. She has lived in her auntie's house since her parents passed away. Lucy has been working extremely hard to pay for her education because her auntie does not support her. Until he met Zach Bust...