"Sir?" putol 'ko sa katahimikang nangyayari sa loob. Tumayo si Sir Niel, at pumunta sa tabi 'ko.
"Okay L, sila nga pala yung mga nasabi 'ko sayo nung nakaraan. Yung mga mag'iinvest sa 'tin, sila yon." hindi 'ko alam pero napanga-nga talaga ako sa gulat.
Ilang buwan na naming inaantay itong opportunity na 'to, but I messed up. "Hi! I'm L, sorry po sa ginawa 'ko kanina, hindi na po mauulit. Sorry." tinignan 'ko pa sila isa-isa tsaka yumuko.
"Ngayon nagpapakumbaba ka, pero kanina akala mo kung sinong siga. Server lang naman."
Napangiti ako nang mapakla, ako na nga ang nagpapakumbaba kahit sila ang may kasalanan, ako parin ang mali sa huli. Wow!
"Vince, chill ka nga lang! Babae yan bro." Saway nung isa pero hindi na ako nangialam, "Hindi na ako mag'iinvest, ayoko sa mga ganyang klaseng tao."
Kinuyom 'ko ang kamao sa inis, putangina! "It's fine Vince, I already invested in this bar. I'm the co-owner now."
"What!?" lahat sila nagulat sa sinabi ni Zach este Sir Zach. Kami na lang ni Sir Niel ang walang pakialam dito eh.
Nang matapos na silang mag-usap naiwan si Sir Niel at Sir Zach sa loob, kasama ako. Sa totoo lang, hindi 'ko alam kung bakit nandito ako? At anong kailangan nila sa 'kin?
"Leave us, Niel."
"Why? Pwede mo naman siyang kausapin habang nandito ako. Bro, she's my crew." kahit pabulong ang usapan nila, rinig na rinig 'ko parin. Ang tanga lang!
"She's mine too." sagot naman ni Sir Zach. Teka hindi niyo 'ko pagmamay-ari, nyeta kayo! Akala 'ko magsasapakan na, titigan palang nila nakakamatay eh.
"Okay fine!" naglakad na si Sir Niel papunta sa pwesto 'ko. "Ahm, L. Kakausapin ka lang ni Zach ha, sumigaw ka agad kapag may ginawa sa'yo nasa labas lang ako. Okay?"
Hindi naman ako takot, pero para sa ikapapanatag niya tumango na lang ako. Sir Niel treated me as his sister, hindi lang dahil bestfriend 'ko si Ivonné.
Pagkasarado ng pinto, lumapit si Sir Zach sa 'kin. "It seems to me that you're special to Niel. The way he acts and is concerned about you makes me curious. Who are you, L?"
I pretend to remain calmed, yes, pretend. Mabilis akong mataranta kapag ganto na ang usapan, kapag sarili 'ko na ang pinag-uusapan.
"I-I'm... I'm Lucy Navarro. Sir Niel has a girlfriend, and she's my friend. He simply treated me as his sister, and we were not romantically involved. So, kung yan po ang sasabihin niyo aalis na----aray!"
Napadaing ako sa sakit ng hawakan niya ako sa braso, "Don't you dare turn your back to me, hindi pa tayo tapos." diniinan niya pa iyon dahilan para mapahiyaw ako.
Agad pumasok si Sir Niel, "What's going on here?! Fuck!" hinigit niya ako papalapit sa kaniya, hindi 'ko alam pero naiiyak na 'ko.
"Hey! Don't be so protected, Niel. We're just talking, right L?" rinig 'ko ang saya sa boses ni Sir Zach. Napaka-hayop!
"Talking? Nakikita mo ba yung pamumula ng braso niya? Tangina!" hindi 'ko alam kung bakit sobrang frustrated ni Sir Niel.
"Easy! Easy! All right. Hey, LUCKY-ly! We go to the same school, and I'm your senior. Tomorrow is my first day. Don't tell anyone that I'm your boss, that we know each other."
Pagkatapos niya akong maliitin, lumabas na siya ng opisina. Nanghina ako ng malamang alam niya, base sa sinabi niya kanina at pag-emphasize niya ng salitang Lucky alam 'ko na.
I'm dead!
Sa limang taon 'kong pagtatago, meron at merong makakahanap sa 'kin. Ang problema ngayon, pano 'ko mapipigilang malaman nang lahat.
Anong binabalak mong gawin, Zach?!
BINABASA MO ANG
UNLUCKY
RomanceLucy Navaro is a junior high in St. Augustin Montessory. She has lived in her auntie's house since her parents passed away. Lucy has been working extremely hard to pay for her education because her auntie does not support her. Until he met Zach Bust...