"Okay ka lang, L?" napatingin ako kay Alice, ka-trabaho 'ko dito sa bar. "Ah, oo." tipid 'kong sagot. Hindi 'ko namalayan na lumilipad na pala ang utak 'ko kakaisip kung sino ba yung babaeng tumawag kanina.
"Sure ka?" tumango lang ako sa kaniya tsaka tumalikod na. Hindi ako masyado nakikipag-usap sa mga ka-trabaho 'ko dito, mahirap na baka i'chismis ka kapag nakatalikod kana.
"One bucket, VIP 2. Paki-serve L!" agad 'kong sinunod yung utos ni Jasmin, co-worker 'ko rin.
"Good evening, this is your one bucket sir." inilapag 'ko sa table nila tsaka kinuha yung isang lagayang wala ng laman.
"Hi miss, can I get your number?" sabi nitong lalaking nasa kanan 'ko, nakahawak pa siya sa braso 'ko na para bang close kami.
Hinawi 'ko iyon, "Sorry but it's not part of my job. Alis na po 'ko." hindi pa man ako nakakalayo nang akbayan niya ako.
"Magkano ba sahod mo dito? I can pay you double, number lang naman hinihingi 'ko. Pero kung gusto mo, triple na basta sa condo 'ko ikaw matutulog? Ano--fuck!"
Hindi 'ko na napigilan ng ikutin 'ko ang braso niya, kita 'ko ang sakit na iniinda niya kaya pinihit 'ko pa iyon.
"Tangina!" lumapit na sa amin ang mga kasama niya, dalawa sa kanila naka-hawak sa 'kin habang yung isa tinulungan yung kaibigan niya.
"Okay ka lang Bry? Tangina! Anong ginawa mo sa kaibigan namin?!" kinuwelyuhan na niya ako, galit na galit siya.
"H'wag kang OA, hindi naman ganon kasakit yon. Maka'react naman yang kaibigan mo parang babae." mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa 'kin at matalim akong tinignan.
"What the fuck is going on here?! Bry? Vince?" napalingon kami sa dumating, si Sir Niel tas may kasama pang isang lalaki.
Agad silang lumapit samin, hinawi ni Sir Niel yung braso nung lalaki tsaka nilayo ako sa kanila.
"Okay ka lang, L?" tumango lang ako sa kaniya, "Alis na'ko, Sir." yumuko na lang ako tsaka dumiretsyo sa pintuan.
"Ganon na lang yon, Dainiel!? Hindi man lang nagsorry kay Bry!"
Narinig 'ko pang sabi nung lalaking kumwelyo sakin bago ako makalabas. Tss, why would I say sorry? Sila naman ang nauna.
"Huy! Anong nangyari?" si Alice pagkalapit 'ko sa counter. Ang bilis naman ng balita, hays.
"Napadaan ako sa VIP 2, parang may nag-aaway. Ano okay ka lang ba?" tumango lang ako sa kaniya.
"Pakisabi kay sir, nagbreak lang ako. Baka hanapin niya 'ko mamaya eh."
"Sure! Sige, ako na bahala." Tinanggal 'ko yung apron tsaka lumabas sa backdoor. Kinuha 'ko yung isang pakete ng yosi tsaka kumuha ng isa.
Kinapa 'ko yung lighter sa bulsa 'ko pero wala. "Kung minamalas ka nga naman, tangina. Kahit birthday 'ko, malas parin ako tss." itatapon 'ko na sana yung yosi ng may magsalita.
"Here."
Napatingin ako sa gilid, may tao pala. Kinuha 'ko yung lighter tsaka sumindi. Napansin 'kong customize yung lighter niya, dahil kakaiba 'yon.
"Gusto mo?" tanong niya na ikinagulat 'ko.
"Ah hindi, salamat." nahihiya 'kong binalik sa kaniya iyon.
Hindi niya inaabot yung kamay niya kaya nagtaka ako, "Sayo na lang yan. Regalo 'ko." ngumunot ang noo 'ko. "Paano---".
"I heard you saying that it's your birthday, and I think you like it, and that's my lucky charm, now it's yours. Keep it for me!"
Tumayo na siya sa pagkakasandal tsaka naglakad paalis. Hahabulin 'ko sana pero ang bilis niyang nawala kaya pinabayaan 'ko na lang.
"Zach" yun ang nakasulat sa lighter, kulay itim ito at naka'cursive pa. Siya ba si Zach?
Bumalik ako sa loob pagkatapos 'kong manigarilyo, nakasanayan 'ko na 'to simula ng mag'trabaho ako dito. Una pa isa-isa lang hanggang sa naging bisyo 'ko na, bisyong mahirap nang tigilan.
"Uy L! Punta ka daw sa office ni sir." tumango lang ako kay Alice tsaka dumiretsyo na sa office.
Isang katok lang ang ginawa 'ko tsaka pumasok na sa loob, napatingin silang lahat sakin. At kung sino yung sila? Yung mga lalaki sa VIP 2, pati yung nagbigay nang lighter nandito din.
Magkakakilala pala silang lahat, pero ang pinagtataka 'ko bakit nandito ako kasama sila?
BINABASA MO ANG
UNLUCKY
RomanceLucy Navaro is a junior high in St. Augustin Montessory. She has lived in her auntie's house since her parents passed away. Lucy has been working extremely hard to pay for her education because her auntie does not support her. Until he met Zach Bust...