Nagsilabasan na yung mga classmates 'ko, may thirty minutes pa naman bago ang program kaya sa canteen muna ako pumunta.
"Ate, isang bottled water." hindi naman ako gutom dahil kakakain 'ko lang kanina, kaya tubig-tubig na lang muna. Para narin tipid.
"Okay ma'am, Cash or Card po?" yes, we can pay credit cards here. Sosyal diba?
"Cash." pagkasabi 'ko non, biglang umasim yung mukha nung ate. Siguro kasi cash ang ibabayad 'ko. Mostly kasi, credit card ang binabayad nang mga estudyante dito.
"Ito oh, 50 pesos." halos ibato na niya sa mukha 'ko yung tubig, at tsaka 50 pesos!? Tangina! Bakit ang laki naman ng tinaas? Trenta lang yun dati eh.
"Kailan pa tumaas yung tubig? Trenta lang yan. Overpricing naman kayo masyado."
"Excuse me? Miss, kung ayaw mong kunin umalis kana! Nakakasira ka ng araw!" sasagot pa sana ako nang may nag-abot ng card sa kaniya.
"Here. Ako na magbabayad. Isama mo na din itong akin. Thank you!" tumaas ang kilay 'ko sa lalaking katabi 'ko ngayon.
"Ito po sir, thank you po." ngiting-ngiti pa 'tong babae, sarap tanggalin yung ipin. Nyeta!
"Thank you! And please next time, treat your customers properly. We're all same students here, we pay for what we deserve."
Nakatitig lang ako sa kaniya habang pinagsasabihan niya yung babae, sa totoo lang natutuwa ako kapag pinagtatanggol ako. Dahil pakiramdam 'ko, espesyal ako sa kanila.
That's why seeing this stranger guy fought for me, it makes me speechless. Who are you!?
Kinuha 'ko na yung tubig, tsaka umupo sa bakanteng lamesa. Nag-rereklamo na kasi yung mga nasa likod 'ko. Mga impakta, 'di makapag-antay.
"Can I sit here?" napatingala ako sa baritong boses na nagtanong, to my surprise yung lalaki pala kanina.
"It depends. Last time kasi na may tumabi sa 'kin, ayun inuuod na." lumawak naman ang ngiti niya nang marinig ang sagot 'ko. Akala niya ata nag-bibiro ako.
Tahimik lang kami kahit pa ramdam 'ko ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao sa paligid. Gusto 'ko nang umalis pero nakakahiya sa kaniya kung aalis na lang ako bigla. Kaya naman inantay 'ko siya matapos kumain, bago ako tumayo.
"Una na---" inagaw niya bigla sa 'kin yung bottled water tsaka ininom ang laman non. "Akin yan ah!" umalma pa ako pero wala, inubos niya. Ano na lang tubig 'ko mamaya!? Kainis!
"Ako naman nag-bayad, share tayo. Damot nito!"
Agad 'kong pinitik ang noo niya, "Masamang mang-agaw nang hindi iyo....." bigla akong natigilan nang sabihin ang mga iyon. Ano bang karapatan 'kong sabihin 'yon. Kaya imbes na ituloy pa ang sasabihin, kinuha 'ko na lang ang bag 'ko tsaka lumabas. Muli niya pa akong tinawag, ngunit hindi na ako lumingon.
Pumunta na ako sa field kung saan ang dami ng mga estudyante. Nakatanggap ako nang text mula kay Ivonné na malapit daw siya stage, tangina pano ako makakapunta doon kung bumabaha ng tao.
Me:
Hoy! Ang daming tao, sunduin mo 'ko.Wala pang ilang segundo nagreply agad siya.
Ivonné James:
Where ka ba? Papasundo kita kay Brix, classmate 'ko.Me:
Entrance.Pinatay 'ko na yung phone tsaka nag-antay kay Brix kunno. Nagdadagsaan nanaman yung mga pumasok sa loob, nag-announce kasi na 10 minutes na lang at magsisimula na.
"Ate, huwag ka namang humarang sa entrance. Pumasok ka na lang kung papasok ka."
Tinignan 'ko yung nagsalita sa likod 'ko, mga highschool pala. Hindi na ako pumatol at pumasok na lang sa loob, para wala nang gulo. Pero hindi 'ko naman alam na mga demonyita pala 'tong mga 'to.
Tinulak nila ako dahilan para matapilok, akala 'ko sa sahig ang bagsak 'ko dahil sa tigas ng nahawakan 'ko.
I slowly opened my eyes, at kung mamalasin siya nanaman ang nakita 'ko. Pero this time, nakita 'ko nang malapitan ang mukha niya.
Brown eyes pala siya. Ang tangos din ng kilay niya at mamula-mula ang labi, ang sarap..... W-Wait?! Bigla akong napa-ayos nang tayo. Tangina! A-Ano yun!?
BINABASA MO ANG
UNLUCKY
RomanceLucy Navaro is a junior high in St. Augustin Montessory. She has lived in her auntie's house since her parents passed away. Lucy has been working extremely hard to pay for her education because her auntie does not support her. Until he met Zach Bust...