"Ayos ka lang ba? Tangina. Yari sa 'kin yang si Niel." tinignan 'ko lang si Ivonné habang nakahiga. Pinauwi na'ko ni Sir Niel para makapag-pahinga.
"Okay lang ako, tsaka walang kasalanan si Sir Niel. Yung co-owner ang may gawa, si Sir Zach."
"Co-owner? Walang sinasabi sa 'kin si Niel. Humanda talaga sa 'kin yon!" hindi 'ko mapigilang matawa dahil galit na galit siya.
Mas lalo pang tumindi iyon nang pumasok si Sir Niel sa apartment. "Anak ng! Mag-usap tayo, Isaiah Daniel Villanueva! Ginigigil mo 'ko, taragis ka!"
Sumibat na 'ko dahil ayokong maki-epal sa away mag-jowa, masakit sa ulo. Lumabas ako para mag-yosi, pero nawala yung mood 'ko nang makita 'ko yung lighter ni Sir Zach sa bulsa 'ko.
Tangina! Ang lakas ni Sir Zach, siya lang nakapag-papigil sa 'kin manigarilyo. Hays!
________________________________________________
"Huy babae! Mag-almusal ka muna bago pumasok. Mauuna na 'ko, nasa labas na si Niel."
Nilingon 'ko siya bigla, "Bati na kayo?" ngumiti lang siya sa akin tsaka tumango. "Nag-sorry naman siya eh, tsaka si Zach ang may kasalanan. Patay sa 'kin yon kapag nakita 'ko! Sige na! Babye!"
Napailing na lang sa karupukan niya, pero wala naman akong magagawa dahil ganon talaga kapag nagmamahal. Nagiging tanga.
Kumain lang ako saglit, tsaka nag-asikaso na. Lunes ngayon, kaya kailangan 'kong umalis ng maaga. Traffic tss.
Una 'kong sinuot ang blouse, tsaka tinuct-in ito sa itim na skirt pleated. Sunod naman yung bow tie at vest, pati yung makapal na blazer na may logo sa gilid. At hindi pa tapos yun, dahil may high socks pa nakulay itim.
Isa lang ang masasabi 'ko, mainit. Hindi pa ako nakakalabas pawis na pawis na'ko, sa patong patong na damit ba naman na suot 'ko. Bwesit!
Required kaming mga babae na nakalugay at make-up. Sabi kasi ng dean namin, "You are not born with beauty, your beauty is created by who you are." Kaya heto, tiis ganda.
Kinandado 'ko maigi ang pinto bago naglakad sa sakayan. Sa St. Agustin ako nag-aaral, isang private school. Dito 'ko nakilala si Ivonné at Sir Niel. Nakapasok ako dito dahil isa ako sa mga napiling mabigyan ng scholarship, full scholarship to be exact.
Baon at pamasahe lang ang ginagastos 'ko, nakakaipon naman ako lalo na ngayon na wala na 'kong palamuning binubuhay.
*beep! *beep!
Lumingon ako sa likuran, itim na BMW ang bumubusina sa likod 'ko. "Hoy! Tumabi ka nga! Dadaan ang Alphas! Tabi!" naguguluhan man, tumabi parin ako para wala ng gulo.
Sunud-sunod na limang kotse ang dumaan sa harapan 'ko.
"Kailan pa bumalik ang Alphas?" rinig 'kong usapan sa tabi 'ko. Teka, Sino ba ang Alphas? Ano sila?
.
"Girl, balita 'ko kakarating lang nila. Halos dalawang taon din silang nawala eh." ate girl1
"Teh! Simula nagbreak si August at May, hindi na pumasok ang Alphas. Sabi sa source 'ko, sa USA sila nag-aral. Kaloka!" ate girl2
Hindi 'ko na pinakinggan yung mga chismosa, at naglakad na'ko sa klase 'ko. Senior 'ko sina Ivonné at Sir Niel, kaya sa likod sila tabi ng gym. Kami naman sa may unahan, katapat yung field.
'Room 11- Lucky' yan ang unang bubungad sayo bago ka pumasok sa classroom namin. Nandito lahat ng scholar, at lucky ang ipinangalan sa section namin dahil sa tingin nila maswerte kaming nakapasok dito.
Pagkapasok, dulong upuan sa kaliwa, tabi ng bintana ang upuan 'ko. Wala akong katabi, bakit? Dahil huling nakatabi 'ko, ayun inuuod na.
Okay lang naman sa 'kin. Mas peaceful.
Nagsimula na ang klase namin. Si Ms Madrigal ang aming homeroom teacher. Mabait siya, pero strikto pagdating sa lessons. Failed is failed, no exceptions mayaman o scholar man.
"Good morning, students! Today is an important day! Our great Alphas are back. There's no class for today, but you have to attend the ceremony on the field. Attendance is a must! It will be equivalent to 20 points in our final exam next week. Okay? Dismissed."
Maraming natuwa dahil bukod sa makikita nila yung Alphas nila, may additional points pa. Grabe! Ganon ba sila ka importante? Halos sambahin na nang lahat, jusko!
BINABASA MO ANG
UNLUCKY
RomanceLucy Navaro is a junior high in St. Augustin Montessory. She has lived in her auntie's house since her parents passed away. Lucy has been working extremely hard to pay for her education because her auntie does not support her. Until he met Zach Bust...