"Tanginang buhay 'to! Bakit walang almusal? Nasan si Lucy? Tanghali na hindi pa nag-luluto?"
Mula sa taas, rinig na rinig 'ko ang boses ni tita. Sa limang taon 'kong paninilbihan sa kanila, natutuhan 'kong magbanat ng buto at magtrabaho.
Ngayon hindi na, dala ang lahat ng gamit 'ko, bumaba ako sa kusina kung saan sila naroon. Una 'kong nakita si tito at tita na sumisinghot ng droga, kasunod si Lucas na high parin hanggang ngayon.
Oo, tama kayo adik sila. Mga lulong na sa iba't ibang bisyo, mga patapon na ang buhay at wala ng pag-asa sa lipunan.
Sa isang squatter's area lang nakatira sila tita, naalala 'ko pa nung unang punta 'ko dito. Mabaho, maingay at magulo.
Lahat ng ari-arian nila mama noon, binenta ni tita tsaka pinaayos itong bahay niya. Akala 'ko magbabago sila dahil sa mga pera na natatanggap mula sa pensyon ni papa at mama, pero wala. Umasa lang ako sa wala.
"Anong drama yan, Lucy? Ipagluto mo nga kami." napailing na lang ako kay tita tsaka nilapag ang sobre sa lamesa.
"500k bayad 'ko sa limang taong pagpapatira niyo sa 'kin."
Halos mag-agawan sila sa sobre dahilan para magkalat ang laman non sa sahig, "Mayaman na tayo! Mayaman na tayo!" rinig 'ko ang hiyawan sa mga boses nila.
Habang naglalakad palabas, tumingin ulit ako sa loob. Tapos na ang kalbaryo ng buhay 'ko. Ito na ang simula ng pagbabago.
________________________________________________
Sumakay ako ng taxi papunta sa apartment ni Ivonné, sa kaniya muna ako titira habang wala pa akong malilipatan.
"Omygosh girl! Totoong umalis kana nga! Grabe sobrang saya 'ko nung tumawag ka sa 'kin na dito kana titira. Tara sa loob, dali!"
Naglakad na 'ko papasok, "Teka ba't-----"
"HAPPY BIRTHDAY!" nagulat ako nang may confetti at cake na bumungad sa harap 'ko. Sayang saya pa si Ivonné sa kabaliwan niya.
"Happy birthday, L!" bati ni Sir Neil, boss 'ko sa bar at boyfriend nitong si Ivonné.
"Ah salamat sir, bayan nag-abala pa kayo."
"Okay lang, makulit din kasi 'tong bestfriend mo. Tsaka debut mo ngayon, isang beses lang mangyayari 'to." tumango na lang ako tsaka hinipan na ang kandila.
Para sa pagbabago.......
"Anong wish mo?" excited na tanong ni Ivonné. "Huh? Dapat ba mag-wish?" sumimangot ang mukha niya kaya natawa na lang ako.
Masaya kaming kumain at nagkwentuhan, kasalukuyan akong naghuhugas ng plato kahit pa pinagbawalan na ako ni Ivonné.
Napatingin ako sa dalawa nang naghaharutan sila habang nanunuod. Mapakla akong napangiti, malabong mangyari sa 'kin yon, yung mamahalin ako higit pa sa buhay niya. Malabo.
Nag-ayos na'ko ng sarili dahil may pasok pa ako sa bar, Linggo ngayon maraming tao. "Umalis na boyfriend mo?" tanong 'ko kay Ivonné nang makita 'ko siya sa kusina.
"Oo eh, may problema daw sa bar. Nang gugulong customer." hindi naman na bago yon, syempre mga nagmamaoy, pero malala ata dahil pinatawag na si boss. Baka mga VIP.
"Alis na'ko. Yung paalala 'ko---"
"Oo na. I'lock ang pinto, huwag magpapapasok ng kung sinu-sino. At tawagan ka kapag may kahinahinala. Tama?" ngumingisi pa siya sa 'kin kaya kinurot 'ko ang pisnge niya.
"Aray!" daing niya kaya natawa ako. "Oh siya sige, alis na'ko. Isarado mo agad yung pinto pagkalabas 'ko."
Sumaludo pa siya sa akin, tipid lang akong ngumiti tsaka umiling. Kahit kelan talaga si Ivonné.
Medyo may kalayuan yung bar sa bahay nila Ivonné kaya nag-tricycle na lang ako para mabilis, kahit may kamahalan ang bayad.
L calling......
Agad 'kong sinagot ang tawag ng mag'ring ito, "Hello po." tahimik ang nasa kabilang linya kaya nagtaka ako.
"So totoo nga, buhay pa ang anak ni Eduardo. Sino ka? Si Lucy o Luck---"
Agad 'kong pinatay ang tawag, tsaka kinuha ang sim card at itinapon. "Sino siya? Bakit niya kilala si Lucky?! Bakit niya 'ko kilala!?"
BINABASA MO ANG
UNLUCKY
RomanceLucy Navaro is a junior high in St. Augustin Montessory. She has lived in her auntie's house since her parents passed away. Lucy has been working extremely hard to pay for her education because her auntie does not support her. Until he met Zach Bust...