Sofia's POV
~La ~la ~la ~la ♫♫♫
THANK GOD IT'S FRIDAY!~
Maaga akong nagising! Hays syempre Friday ngayon!
Agad agad akong bumaba para mag-breakfast. Nasa hagdan pa lang ako naamoy ko na yung pancakes na niluluto ni Ate.
Hmmmm...Bango! *Q*
"Ate! Ang sarap naman ng pancakes na - "
O_O
Hindi ko na itutuloy yung sasabihin ko kasi hindi si Ate ang nakikita kong nagluluto ng pancakes...
"Ma-Mama?!" pagkasabi ko ng salitang Mama... agad agad naman siyang lumingon sa akin at ngumiti...
"Good Morning Sofia!" isang malapad na ngiti ang nakita ko. Nahawa na rin ako kasi super lapad din ng ngiti ko.
Agad agad akong tumakbo papalapit sa kanya. After 1 year ngayon ko lang ulit nakita at nayakap si Mama. Sobrang na-miss ko siya.
"Hey Sofia.. pwede mo na akong bitawan masusunog na yung pancakes oh." sabi ni Mama
Agad agad naman akong bumitaw.
"Mama bakit naman nandito kayo? Nag-resign na ba kayo?" tanong ko sa kanya
"Hahaha. Miss na miss na miss ko na kasi kayo. Tska hindi po ako nag-resign. Since maganda naman ang performance ko sa work ko, pinagbigyan ako ng boss ko na mag-stay dito sa Pilipinas hanggang January 5." sabi ni Mama habang tinatanggal yung last piece ng pancake na niluluto niya.
"Talaga?! Yey! Makakasama namin si Mama ng Pasko at New Year!!!" sabi ko habang tumatalon-talon.
Natutuwa naman si Mama sa reaction ko.
"Para kang bata Sofia." sabi niya habang tinatanggal yung apron na-suot niya
"Alam ba ito ni Ate Mama?" tanong ko
"Hindi. Surprise ko ito sa inyo." sabi ni Mama habang nilalagyan ng STRAWBERRY SYRUP yung limang pancakes! Wow! *Q* STRAWBERRY!
Kumuha naman ako ng plato para kila Mama at Ate. For sure akin yung may strawberry syrup. Ayaw kaya nila ng strawberry lalo na si Ate.
And speaking of Ate...
"MAMA?!! O_O" sigaw niya. Sh*t lang! Sakit sa tenga! -_-
"Angela! Ano ba yan nagulat naman ako sayo!" sabi ni Mama pero nakangiti pa din.
Agad agad namang niyakap ni Ate si Mama...
Napapangiti na lang ako... sobrang saya naman... ^_^
"Hay nako na-miss ko na talaga kayo. Group hug nga tayo." sabi ni Mama
At ayun nag group hug nga kami....
==============================================================================
Kwento ko pa ba sa inyo kung anong nangyari sa breakfast namin together???
Hmmm.... wag na! Nag-away lang kami ni Ate!
hindi JOKE lang!!! Hahaha! Super daming napag-kwentuhan! Kaya naman hanggang sa school GOOD VIBES ako!
hanggang sa....
***Lunch Break
BINABASA MO ANG
My crush is GAY
RomanceSi Sofia Hidalgo ay isang ordinaryong IT student. Katulad ng ibang babae may crush din siya. "Super crush" ang tawaga niya dito... Si Mark Evans ang heartthrob ng Woodrick Academy, isa naman itong Civil Engineering student. Pero paano tatanggapin ni...