Miguel's POV
Maigi kong pinagmamasdan ang picture na binigay sa akin ni Ate Angela.
Ang ganda niya talaga...
Ang ganda ganda niya...
Sofia HIdalgo...
Naalala ko pa kung paano ko siya unang nakita...
FLASHBACK ►►►
Nakadungaw lang ako sa pintuan ng sasakyan namin.
Hindi ko talaga feel itong Woodrick Academy. Hindi ko alam kung bakit... Siguro kasi wala na siya sa tabi ko...
Aish! Bakit ba lagi kong naiisip si Jessa?!
"Anak are you okay?" tanong sa akin ni Mom.
Kitang kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala
"I'm fine Mom." sabi ko
"Tara na sa loob." aya niya sa akin...
Nauna na akong nakalabas ng sasakyan. Kinausap pa kasi ni Mom yung driver namin.
Tinignan kong maigi ang main gate ng campus. Gate pa lang ang yaman na ng aura...
"Anak. Let's go" tinapik ako sa balikat ni Mom.
Tumango na lang ako bilang sagot...
Sobrang daming tao...
Yun lang ang masasabi ko...
Computer Engineering ang course na kinuha ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero mahilig talaga ako sa Math. Lahat ng exams ko sa Math perfect...
Nakapila na kami sa may Admission Office.
"Miguel wala namang problema sa course na napili mo. Na-approve naman yung ng Dad mo dahil nandiyan naman ang Kuya at Ate mo para maasikaso ang company natin." sabi sa akin ni Mom
Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti. A FAKE SMILE...
"Ngumiti ka nga pero pilit naman. Bakit ba ang lungkot mo?" tanong nanaman ni Mom
"*sigh* Hindi ko feel yung school na ito." sabi ko kay Mom
"You have no choice anak. Sa lahat ng school ng may Computer Engineering ang course itong Woodrick Academy ang pinakamagaling sa pagtuturo." sabi naman ni Mom
Nung nagustuhan naman ni Dad ang course na kinuha ko. Nagsimula na siyang mag research sa mga magagandang school na magaling magturo ng Engineering courses at ang number one sa list ay ang Woodrick Academy.
"I know Mom. Pipilitin ko na lang maging masaya sa school na ito." sabi ko na lang kay Mom
"Dahil ba kay Jessa yan?" biglang tinanong sa akin ni Mom
Nabigla ako sa sinabi ni Mom. Alam niya na nga talaga kung bakit.
I sighed and answered her question." Yes"
"I knew it. Anak naman it's been 5 months and I think makakahanap ka nanaman ng bagong babae na mas higit pa kay Jessa." sabi naman ni Mom
"You're right Mom." yun na lang nasabi ko
Sa totoo lang mahirap... sobrang hirap na makalimutan ang isang 3 years na relationship.
Pero tama naman si Mom. Marami pang iba diyan.
After 4 hours natapos na din kami ni Mom sa pag-e-enroll. Sobrang dami kasing ginawa. Hays nakakapagod naman.
"Mom CR lang ako." Paalam ko kay Mom habang may kausap sa cellphone niya.
BINABASA MO ANG
My crush is GAY
RomanceSi Sofia Hidalgo ay isang ordinaryong IT student. Katulad ng ibang babae may crush din siya. "Super crush" ang tawaga niya dito... Si Mark Evans ang heartthrob ng Woodrick Academy, isa naman itong Civil Engineering student. Pero paano tatanggapin ni...