Chapter 10

57 0 0
                                    

Sofia's POV

Last day ng College week ngayon. Hays... mag-aaral nanaman kami ng bonggang bongga. :'(

Nasa park nanaman kami as usual. Wala naman kasi kaming klase yung mga prof ayun gumala na din ata.

"Hoy Sofia!" tawag ni Christine sa akin. Trip nanaman ata akong asarin.

"Bakit?" walang gana kong sinabi sa kanya. Busy ako eh nag-babasa kasi ako ng Vampire Kisses.

"Ngayon mo malalaman kung sino panalo sa poster making diba?" tanong niya sa akin.

Agad ko namang sinara yung book ko! Aish! Pinaalala pa! Kinakabahan nga ako eh! Yung mga kalaban ko kaya dun ang gagaling. Mga expert na sila eh puro higher levels kasi mga sumali. :'(

"Christine! Nakakainis ka! Pinaalala mo pa! Alam ko naman na talo ako dun." sabi ko sa kanya. Binuklat ko na lang ulit yung libro ko at nagbasa. Ayaw ko na talaga maalala na talo ako. :'(

"Nega naman." comment ni Arielle

"Tiwala lang Sofia mananalo ka." sabi niya ulit.

"Sana nga :)" sabi ko na lang

"Teka anong oras ba yung variety show mamaya?" tanong naman bigla ni Nathalie.

"Ewan ko." sagot ni Christine.

Talagang pinapaalala nila na mamaya na yung pagannounce ng nanalo sa contest dba? =_= Mamaya kasi yun eh sa variety show pa mismo. Pero kamusta na kaya si Mark Evans? Connect nun? Napasok siya bigla sa isip ko... =_= Pero seryoso kamusta na kaya yun? Ang tagal ko na rin siyang hindi nakita miss na miss na miss na miss ko na kaya siya :'(

"Huy Sofia text mo pala si Bernadette na samahan tayong manuod ng variety show." utos naman ni Arielle. Oo nga pala kung saan saan kasi pumupunta iyong babaeng yun DORA talaga kahit kailan! =_=

To: Bernadette DORA

Hoy DORA! Nasaan si Boots? Joke! :P Nasaan ka? Nasa park lang kami samahan mo kaming maunod ng variety show ha! Lagot ka sa akin aagawin ko yung MGA crush mo :P

"Na-text ko na Arielle." sabi ko kay Arielle. Tumango na lang siya.

Wala talaga kaming ginagawa ngayon. Si Arielle kasi ayun may ka-text si Nathalie naglalaro sa iPad niya at si Christine ayun kausap si Kuya Billy. Kanina pa kasi kami magkakasama. Ako, Arielle, Kuya BIlly, Christine at Nathalie.

Lord okay lang talaga kahit na matalo ako sa poster contest eh. Tanggap ko na yun Lord! Pero Lord sana naman maging close na kami ni Mark ng tuluyan! :'(Amen...

"SOFIA!" sigaw naman bigla ni Christine kaya napalingon kaming tatlo sa kanya (ako, Arielle at Nathalie).

"Oh ano nanaman?" pataray kong tanong sa kanya.

"Si Kuya Billy close niya si M.E." tuwang tuwa na sinabi ni Christine.

O_O! Ano daw?! Close sila ni MARK?!

"Weh? D nga!" sigaw ko din

"Uy hindi kami close magkakilala lang kami." sabi naman ni Kuya Billy

"Eh ano ba yan akala ko close na kayo." sabi ni Christine. Lumapit ako sa kanilang dalawa ni Kuya Billy para makipag-chismisan. XD

"Kuya paano kayo nagkakilala ni M?" tanong ko kay Kuya Billy.

"Schoolmate ko siya nung highschool. Medyo friends lang naman kami." sabi ni Kuya

"Ngayon mo lang sinabi yan ang daya!" sabi ko.

"Eh d ka naman kasi nagtatanong eh. Tska malay ko ba na crush mo yun." sabi naman ni Kuya

"Pero kuya totoo bang bading siya?" out of the blue kong tinanong si Kuya Billy. =_= bakit ganun tanong ko? Kainis yun ha!

"Hahahaha! Anong sabi mo, bakla si Mark?" tuwang tuwa si Kuya Billy sa narinig niya, =_=

"Eh ano ba kasing nakakatawa dun?" tanong ni Christine.

"Hindi bakla yun." cool na sagot ni Kuya Billy.

Yiiiieeee! Sabi niya HINDI BAKLA SI MARK EVANS! See sabi sa inyo CHISMIS lang yun eh.

"Pero ano yung mga rumors na bakla daw siya?" tanong naman ni Nathalie.

"Ows? May mga balitang bakla siya?" gulat na tanong ni Kuye Billy

"Oo sabi nila" sabi naman ni Nathalie. Kaming dalawa ni Arielle nakikinig lang.

"Hindi naman siguro. Kilala ko si Mark simula first year kaya imposibleng maging bakla yun. Nakikipagbugbugan pa nga yun eh tska marami na yun naging girlfriend." sabi naman ni Kuya Billy...

Maraming naging girlfriend? Ay :( turn off ba? Gwapo naman siya kaya habulin ng mga babae.

"Magaganda yung mga naging girlfriend niya Kuya?" tanong ko naman.

"Oo magaganda lahat ng mga naging girlfriend niya." sabi ni Kuya.

OKAY WALA NA AKONG PAG-ASA KAYA TARA NA AT TUMALON SA PASIG RIVER!!!!!!!!!!!

"Ay wala na. Wala na talaga akong pag-asa." sabi ko na lang. Iniwan ko silang naguusap dun at bumalik sa pagbabasa ng libro.

Bakit ba kasi ang gwapo mo Mark? :">

■Just a short update. :) -GS

My crush is GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon