Chapter 12

51 1 1
                                    

Sofia's POV

Two weeks after nung college week ~

"Sofia!" tawag sa akin ni Christine. Nandito kami ngayon sa library, nagre-review dahil mamaya na yung midterms namin sa math logic

"Yup?" tanong ko

"Paano na ulit itong truth table?" tanong niya.

"Ah madali lang yan.. example p & q yung kailangan mong hanapin na truth values, kailangan mong mag-construct ng table unahin mo mung ayun p tapos lagyan mo ng dalawang "T" which means true at dalawang "F" which means false. Tapos sa q naman salit-salit lang sila. "T" "F" "T" "F"" explain ko sa kanya.Wag niyo na lang intindihin. :D

"Gets ko na." sabi niya

Nagbasa na lang ulit ako ng notes ko sa programming. Hays... sana hindi mahirap midterm namin dito. Ang galing kasi magturo prof namin eh (sa kabaligtaran), yung wala kang naiintindihan sa sinasabi niya kasi hindi din niya maintindihan yung tinuturo niyang subject. >-<

"Sana madali lang midterm natin sa prog, sa math logic at pati sa trigo." sabi ni Arielle. Nakatungo lang siya habang nagsasalita.

"Sa prog madali na lang yun!" tuwang tuwang sinabi ni Christine...

"Ano naman madali dun?" pataray na tanong ni Nathalie

"Madali lang...madali lang ibagsak" sabi ni Christine

=_____= →Kami nila Arielle at Nathalie

"Hahahaha! Mag-aral na nga lang tayo." sabi ni Christine.

Nagbasa nanaman ako ng mga notes ko sa programming.....

Aish! Bakit ba kasi hindi ako makapag-concentrate na mag-aral dito? Kainis naman! Ano bang nangyayari sa akin??? Dahil ba ito kay Miguel? Lakas kasi ng trip nung lalaking yun. Lagi niyang sinasabi sa messages niya sa akin na "I love you"... Tapos pag mag -kausap kami lagi niyang tinatanong kung ilan daw ba nanliligaw sa akin, kung ano daw ideal man ko, etc... Aish! Kainis! Nakakairita!

"Sofia okay ka lang?" tanong ni Arielle

"Ah-eh oo naman" sabi ko at saka nag-fake smile.

"May utang ka pala sa amin." biglang sinabi ni Nathalie

"Utang? Anong utang?" tanong ko. Hindi naman ako umutang sa kanila ah! Lagi nga ata ako nanlilibre sa kanila eh.

"Mamaya kwento mo kung anong nangyari sa second date ninyo ni Miguel." kinikilig na sinabi ni Arielle.

Pinaalala pa! Kainis! Lalo tuloy akong nadi-distract! :'(

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

Natapos na din lahat ng midterm exams namin ng 3:35 pm. Si Arielle gustong tumambay ng Park actually ako din! I wanna see Mark Evans again. I wanna see his handsome face. His nga ba? Baka naman her? Waaaaaaaaaaaaaaah! Ano ba yun? Bakit ba sinasabi ko na rin sa sarili ko na bakla nga talaga si Mark? Speaking of Mark, 5 times ko pa lang siyang nakikita simula nung college week.... Nung pang-apat na beses ko siyang nakita... basta nagkasalubong kami nun sa hallway, nginitian naman niya ako and I smiled back. :"> Naalala ko nanaman yung moment na yun! :"> Kinilig naman ako bigla!

Umupo kami sa medyo bungad ng park para tanaw namin mga crush namin... Pagkaupo ko pa lang....

"Kwento na Sofia! Anong nangyari sa date ninyo ni Miguel?" tanong ni Arielle

"Unang una hindi siya date. Kasi lumabas lang kami nun as FRIENDS" sabi ko

"Teka sino ba yung nagaya sa inyong dalawa na lumabas?" tanong ni Nathalie

My crush is GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon