Sofia's POV
Fourth day ng College Week. Ngayon din yung poster making contest ko. Ready naman na ako kaso naiirita lang ako dahil marami akong dala. Isang 1/2 illustration board, complete set ng pastels at iba pang magagamit ko sa pagdro-drawing.
"Sofia okay ka lang?" tanong ni Ate sa akin. Isa kasi siya sa mga nagbabantay sa mga nagdro-drawing.
HIndi pa kasi nagstart yung contest kasi may mga hinihintay pa atang tatlong contestants. Sana matapos na rin ito kaagad kasi ang lamig dito sa venue, ang AVR ng Woodrick.
"NIlalamig lang ako Ate." sabi ko sa kanya.
"Yan kasi ang lakas ng loob mong magsando lang." sermon niya sa akin.
"Eh kasi akala ko mainit ngayong araw na ito." depensa ko.
"Oh ito " binato niya sa akin yung jacket niya, buti na lang nasalo ko.
"Suotin mo yan." dadag pa niya
"Thanks Ate!" masigla kong sinabi sa kanya habang sinusuot yung jacket niya.
"Galingan mo ha! Kailangan may place ka diyan." sabi niya
"Yes Ma'am!" nagsalute pa ako sa kanya. Si Ate kasi kahapon pa sinasabi sa akin na kailangan may place ako sa poster making contest kahit yun lang daw prize niya sa akin dahil nakasama ko daw si Mark.
Tuwing naalala ko talaga yung kahapon lalo akong nagiging inspired. Si Mark Evans kasi ang one and only INSPIRATION ko. Hays... sana talaga maging SUPER CLOSE na kami!
"Okay guys! You can start making your posters now. We will give you 2 hours and 30 minutes to finish it." sabi ni Ma'am Tanya. Yung cute na Guidance Counselor ng Woodrick na considered as crush ng bayan.
NIlagay ko muna yung isa kong earphones sa tenga ko at saka nag soundtrip. Ang unang kantang napili ko Moving Closer by Never the Strangers. Sa kantang ito naalala ko yung mga nangyari kahapon. Napapasabay na rin ako sa pagkanta pero syempre mahina lang. Hindi rin naman kasi nila ako maririnig dahil nasa may bandang dulo ako nakapwesto.
Nathalie's POV
Hi everyone! Nathalie Padilla here! Nasa AVR ako ngayon ng Woodrick para kuhanan ng mga pictures yung mga kasali sa contest. Isa kasi akong photographer. Nakita ko naman si Ate Angela sa may unahan na busy nakikipagusap sa mga ka-year niya.
Hmmmm... Nasaan na kaya si Sofia? Ang dami ko pa naman sanang kwento sa kanya kahapon kaso umalis naman kaagad.Tungkol kay Mark Evans pa man din kwento ko sa kanya.
♫~Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you
I'm moving closer to you~♫
May naririnig akong kumakanta ang ganda naman ng boses nun pero parang familiar eh. Sino kaya yung kumakanta nun? Pumunta ako sa may bandang likod at nakita ko si Sofia na busy nagdro-drawing at kumakanta. Kaya naman pala familiar yung boses eh.
Nakita ko naman na medyo maganda yung pwesto niya para i-stolen. Agad kong tinutok sa kanya ang camera at *click*. Perfect! Ang ganda! :D Post ko na lang ito sa Facebook mamaya. shhhhh! Quiet lang kayo ha! :D
Tinignan ko ulit yung picture ni Sofia at tska lumapit sa kanya pero syempre kunwari hindi ko siya nakuhanan. ^_^
BINABASA MO ANG
My crush is GAY
RomanceSi Sofia Hidalgo ay isang ordinaryong IT student. Katulad ng ibang babae may crush din siya. "Super crush" ang tawaga niya dito... Si Mark Evans ang heartthrob ng Woodrick Academy, isa naman itong Civil Engineering student. Pero paano tatanggapin ni...