Sofia's POV
Fifth day na ngayon ng college week. Boring nanaman buhay ko. Puro na lang panunuod ng mga program ang ginagawa namin. Hays... So nag-decide kaming magkakaibigan na pumunta na lang ng Mall. Sabi nila nuod daw kaming sine....
Pero ito kami ngayon nasa SPA...
"Sofia ano sa tingin mong magandang kulay?" tanong ni Arielle sa akin.
Well KKB ito. Game naman ako kasi malaki yung allowance ko nung umuwi si Mama tska may ipon din naman ako. Lahat pala kaming magkakaibigan present except si Sabrina, kailan kaya magiging present yun? Hays nagpalit pa kasi ng course =_=
"Arielle tinatanong pa ba yan? Syempre pipiliin mo na yung PINK" sabi ko kay Arielle na halatang nakikiliti sa pagpapa-foot spa. Mahilig nga po pala sa color PINK itong si Arielle.
Nga pala nag-pa-foot spa kami, manicure at pedicure. Mamaya naman daw mag-shopping kami. Buti na lang talaga may pera ako ^_^
"Oo nga naman. Kanina ko pa kasi nakikita ito eh." saka niya tinuro yung color pink na cutex. Ako naman nail art na checkered (color black and red napili ko). Si Nathalie blue, si Christine yellow at kay Bernadettte nail art din na stripes (color blue and white naman napili niya).
Magkano naman kaya magagastos ko ngayong araw na ito?
*bzzzzttt* *bzzzzttt*
Nag-vibrate ko phone ko. Sino naman kaya makakatext ko?
→Migz ^_^
Hi Sofia! Nasaan ka?
Aw sayang umalis kami ng Woodrick, gusto ko pa man din makita si Miguel... :'( Migz po tawag ko kay Miguel ,ang cute kasi pakinggan eh :D
→To: Migz ^_^
Wala kami sa Woodrick Migz! Nandito kami sa Mall, nagdecide kaming mag-pamper. ^_^
→Migz ^_^
Aw sayang gusto ko pa sana kayo makasama. Bakit ba kayo umalis ng school?
Maloko nga ito...Hehehehehe...
→To: Migz ^_^
Sus aminin mo na-MISS mo lang talaga ako. Boring mga programs ngayon kaya kami umalis ng school...
Nakangiti kong ni-reply yan sa kanya....Kaya naman ang mga kaibigan ko....
"Yiiiieee! Si Sofia may ka-text na nakapagpangiti sa kanya." sabi ni Arielle, issue maker number 1.
"Naks naman parang alam ko kung sino yan ah!" sabi ni Christine, ang issue maker number 2.
"Hmmm... may sikreto na ata itong si Sofia sa atin." sabi naman ng issue maker number 3 na si Nathalie.
And lastly....
"Sabi na nga ba hindi kayo magkakatuluyan niyang si M.E. BAKLA eh! Yiiiieee! Kinikilig ako sa inyong dalawa ni Miguel."sabi ni Bernadette, ang babaeng pabor kay Miguel at issue maker number 4.
=___________________= What the fudge!
"Kung anu-ano yang sinsabi ninyong apat! Para kayong ewan! At Bernadette hindi po BAKLA si M.E." inis na sinabi ko sa kanila.
Sila naman ayun tuwang tuwa. Nung tumigil na sila kakatawa....
"Ayan! Buti naman at tumigil na kayo kakatawa." ako pa rin yan. >.<
"Sino ba kasi yang ka-text mo at may pangiti-ngiti ka pa diyan?" tanong ni Arielle.
Pero pansin ko lang ang tagal ata magreply ni Miguel.
BINABASA MO ANG
My crush is GAY
RomanceSi Sofia Hidalgo ay isang ordinaryong IT student. Katulad ng ibang babae may crush din siya. "Super crush" ang tawaga niya dito... Si Mark Evans ang heartthrob ng Woodrick Academy, isa naman itong Civil Engineering student. Pero paano tatanggapin ni...