Chapter 10

15 1 0
                                    

Chapter 10

Q U E E N          P. O. V.

Napatili ako at napatigil sa pagtakbo ng may brasong pumulupot sa beywang ko.

"AHHHH!! Sorry na, sorry na talaga. Hindi na mauulit. Kaya ibaba mo na ako. " pagmamakaawa ko at nag beautiful eyes pa.

"Tsk." aniya at pinaupo ako sa couch ulit. Ngumiti ako ng matamis sa kanilang Lahat dahil ang sama sama pa rin ng tingin nila.

"Sinabi na naming may parusa ang magsasalita ng masama, hindi ba, ate ganda?" seryosong sabi ni Asahi kaya napalunok ako saka tumango, pero bakit ganon kahit seryoso siya eh nakyu-cute-an pa rin ako sa kaniya hehe, sarap tirisin-este-pisilin ang cheeks niya.
Sana naman hindi mahirap ang parusa huhu.

"Kaya ang parusa mo ay......." Pabitin nilang sabi at nag drum roll pa sa glass table. Napalunok ulit ako, dahil yung ngiti nila, huhu, yung ngiti nila nakakatakot huhu.
"Ikaw ang maglilinis ng dorm at taga-laba ng damit naming lahat." Nakangising sabi ni Adrian.
Naestatwa ako sa kinauupuan ko.
Ako? Maglilinis ng dorm? Sa lawak na ito? Ako lang? At ano? Taga-laba ng damit nilang Lahat?! Ako ba pinagloloko ng mga toh? Nine sila for fuck sake! At isama mo na rin ang damit ko! Edi sampo na!!!
Atsaka!!! Hindi ako marunong gumawa ng gawaing bahay! Magluto nga hindi ko din alam eh!
Ang alam ko lang ang magpakulo ng tubig!!!.

"No fuc--este, No FUDGEE BAR WITH CHUCKIE way!!" sabi ko, umiling sila at ngumisi.

"Yes way!" napatingin ako kay Jaxon, at nag puppy beautiful eyes, ngunit agad ding napasimangot at tinignan ng masama si Marco ng takpan niya ang mata ni Jaxon at umiling iling saakin.

"Wag mong tignan si boss Jaxon ng ganiyan, Marupok siya kaya baka bumigay--ARAyouchh!!!" aniya at hinimas ang tiyan niya dahil nasiko ito ni Jaxon.
Matatawa na sana ako sa sinabi niya ng magsalita si Rick.

"Magsisimula na ang parusa mo bukas, isang dalawang basket na kasi ang damit kong hindi nalalabhan." Aniya at komportableng umupo sa couch at pumikit pa.

"Ako tatlong basket na." Sabi namn ni Drake.

"Dalawa lang akin." -Sean

"Dalawa din"-Marco

"Tatlo akin"-Wave

"Tatlo din akin"-Ashton

"Apat na basket akin, hehe." sabi namn ni Asahi na ikinahilot ko ng sentido ko, juskoo! Dito ata ako maagang tatanda! Kainis kasi itong bibig ko, ang hirap ipreno sa pagsalita ng masama!!
Tengene naman oh!

Tumingin kaming Lahat kay Jaxon dahil siya nalang ang hindi nagsasalita.

"Limang basket ang akin." Aniya, halos mahimatay na ako dahil sa sinabi niya pero nag-apiran lang ang mga mokong!
Tumingin ako sa kanila at ginamit ko na ang paawa-card ko, may luha nang nabubuo na sa mata ko.

"Guysss....." Paawa ko, agad silang umiwas ng tingin.
Sige na bumigay na kayooo!!!

"Oh! Look at the time! Training na!" Ani ni Rick at tumingin pa sa orasan na nakadikit sa dingding. Agad silang nagsitayuan at nagmamadaling lumabas ng 'dorm'.

"Shi-- sheet of paper naman oh! Wala akong alam sa paglalaba!!!" Naiinis na sabi ko.
Huminga muna ako ng malalim saka nagpalit ng black combat boots, nakita ko rin ang mala-ube at itim na ankle ko. Tsk.
Kabanas naman kasi yung bato kanina!

Kahit masakit ang paa ko ay pinilit ko pa ring maglakad at pumunta sa field kung nasaan nakatayo na ang mga T.M 1,2,&3. Nagtungo agad ako sa likod ni Asahi.

Nakasuot din silang Lahat ng camouflage pants at black shirt na hapit na hapit sa katawan nila kaya naman kitang kita ko ang mauumbok na muscles nila. Ehem. Ehem. Ehem.

TROUBLEMAKER ACADEMY: All boys school: School for TroublemakerWhere stories live. Discover now