Chapter 6
Q U E E N P. O. V.
"Guys, sabibin niyo nga saakin, bakit umepal sa pagbili ng phone ni Captain Flores ang boss niyo?" Nagtatakang tanong ko, habang naglalakad papuntang 'dorm' para manguha ng pamalit na damit.
Kanina pa ay iyun nalang ang tumatakbong tanong sa utak ko."Hmmm...hindi rin namin alam, unpredictable kasi yang si boss Jaxon eh." sagot ni Sean, napatango ako.
Okay lang, as long as hindi ito malalaman ni Dad."Kilala mo si Sir?" Tanong ni Marcos, sir, ang tawag nila kay Capt.
Napabusangot ako ng maalala siya. Hanggang ngayon talaga ang hilig niyang mangurakot, siguro nature na niya iyun."Yung matandang yun?! Oo kilala ko ang kurakot na iyun." Nanggigil kong sabi ngunit tumawa lang ang mga ito.
"Kaibigan siya ni Dad." Pagtutuloy ko. Napatango tango sila."Anong full name ng dad mo?" Tanong naman ni Adrian.
"Bishop Cheetah Muller." Sagot ko.
"Grabeh, an cool ng name niya ah." Sabi ni Drake.
"May mga kapatid ka, ate ganda?" Tanong naman ni Asahi.
Tumango ako.
"Anong pangalan?""Dalawang lalaki, ang panganay ay si King Fox Muller at ang pangalawa naman ay si Majesty Dragon Muller." Bagot kong sabi, tsk, kapag naalala ko ang dalawa kong asungot na kapatid, naiinis din ako, baka ginulo na nila ang kwarto ko, ang hilig pa naman nila akong bwisitin.
"Wow..." Rinig kong sabi nilang walo.
"Bishop Cheetah Muller.
King Fox Muller.
Majesty Dragon Muller.
Queen Tigress Muller. Your names are so amazingly cool!"
Manghang sabi ni Wave, sumang-ayon naman ang iba, napangiti ako, syempre si dad ang nagpangalan saamin eh.Kahit puro putek kami ay pumasok pa rin kami sa loob, wala doon si Jaxon, baka naliligo na sa malaking bathroom doon.
Nanguha lang ng tuwalya ang boys kaya napakunot noo ako."Teka, bat tuwalya lang dala niyo? Hindi kayo magpapalit ng damit?" Takang tanong ko.
Tumawa sila at umiling.
Mas lalong nangunot ang noo ko.
Anong nakakatawa sa sinabi ko?"Dito kami nagbibihis, at doon kami naliligo." Simpleng sagot ni Adrian.
Napakurap kurap ako.
So dito sila sa loob nagbibihis?
At maglalakad sila pabalik dito ng tuwalya lang ang suot nila pagkatapos maligo?!
Tengene! Delikado ako dito ah!Tumikhim muna ako, at nagkibit balikat nalang saka kami lumabas, bitbit ko ang tuwalya, damit na susuotin ko at ang black plastic box ko kung saan nakalagay ang shampoo, sabon, toothpaste and toothbrush.
Habang naglalakad kami ay may nasalubong namin ang T.M 2 na tuwalya lang ang suot, kaya agad kong tinakpan ang mata ko, narinig ko pang tumawa ang mga ito.
Napasimangot ako, sabi ko na nga ba eh! Delikado ako dito!!Nang makarating kami sa 'bathroom' ay agad akong napahinto, ang dami pang nakapila.
Kinalabit ko si Asahi, dahil siya ang pinaka close ko."May iba pa bang pwedeng pagliguan?" Bulong ko, napaisip naman ito saglit bago umiling.
"Wala na eh, pero..." Bulong niya rin, sisimangot na sana ako ngunit narinig ko ang salitang 'pero' kaya may chance pa.
"...may falls pababa doon." Turo niya sa right side ng gubat.
"Deritsohin mo lang iyun tapos kunting lakad lang makikita mo na agad iyun, kaya lang magdidilim na, baka mapaano ka, meron pa namang pagala galang mababangis na hayop dito, kaya wag nalang." Bulong niya ulit. Ngumiti ako sa kaniya. At umiling."Don't worry, kaya ko ang sarili ko." Nakangiti kong sabi.
"Pero kasi baka magalit si Ja--" I cut him off.
YOU ARE READING
TROUBLEMAKER ACADEMY: All boys school: School for Troublemaker
Teen Fiction"WWAAAAHHHHHH!!!" malakas na sigaw ko at tinakpan ang mata ko, at para akong nanginginig sa sobrang takot. Ngayun ko lang ito naramdaman sa tala ng buhay ko. Tengene!! "DAD! WHY ARE WE HERE?!!" malakas na sigaw ko kay dad, na tawang tawa sa gilid ko...