Chapter 5

14 1 0
                                    

Chapter 5

Q U E E N      P. O. V.

Nang makabalik si Asahi ay agad akong tumakbo, at madali lang saakin na lampasan ang mga malalaking gulong sa daanan.
Dumapa naman ako at gumapang sa putikan.

Kahit diring diring na ako ay pinagpatuloy ko pa rin ang paggapang na nakayuko dahil may mga matutulis na wire  na nakaharang sa itaas.
Sana lang talaga ay walang worm dito, dahil kung meron baka pasabugin ko ang buong lugar na toh.

Nang makalagpas ako ay mabilis kong inakyat ang pader may net at rope, rope ang ginamit ko dahil doon ako mas nadadaliang umakyat dahil na rin sa magaan lang ako.
Nang nasa tuktok na ako, ay nilingon ko muna ang mga kalaban ko at nakitang nasa baba pa rin sila, I smirk.
Tumayo ako at nag backflip pababa.

Kinuha ko ang mahabang rope na nasa gilid at saka ako umatras ng ilang beses saka patakbong tumalon upang malagpasan ang tubig sa ibaba, tumalon ako sa kabilang dulo nito.

Umakyat ako sa puno kung nasaan ang mga limang makapal na tali ulit, lumambitin ako sa isa at lumambitin ulit sa kabilang tali hanggang marating ko ang isa pang puno.

May hagdan naman ngunit natali ang magkabilaang side nito ng makapal na tali, at bawas bawas ang hagdan ng dalawa sa isang hakbang.

Hinawakan ko ang magkabilaang tali at tinapak ang paa ko. Nagiwang giwang pa ito, ngunit hindi ko iyun pinansin at nagpatuloy sa paglakad sa mga iyun hanggang matapos, ay lumundag ako pababa.

May limang pader naman ang next obstacle, tinalon ko ang hanggang beywang ko na pader, ganon din ang ginawa ko sa hanggang dibdib, balikat at taenga kong pader, at ang last naman ay lagpas ko na kaya umatras muna ako at bumwelo saka tinalon upang mahawakan ko ang tuktok non saka inangat ang sarili ko, at tumalon na pababa.

Next obstacle ay ang mga lazer.
Hindi ko alam kung paano nila nagawang maglagay ng lazer dito.
Yuko, split, talon, bending, yuko ulit, at kung ano ano pang ginawa ko para lang malagpasan ang lazer na iyun.
Wew! Buti nalang flexible ako.

Next obstacle ay rock climbing, sinuot ko ang gear na nasa baba. Pinunasan ko muna ng buhangin ang kamay ko, dahil puro putek iyun.

Huminga muna ako ng malalim saka nagsimulang akyatin ito.
Ang hirap pa namang umakyat dahil nadulas ang combat boots ko dahil sa putek at ang liliit at ang lalayo pa ng nga bato, ngunit nalagpasan ko pa rin iyun.

Sunod na obstacle naman ang gulong na napakalaki na kailangan kong ilipat sa nay linyang puti.
Binuhat ko iyun, at Napa tiim bagang ako dahil sobrang bigat nito.
Pinagsak ko iyun sa at Binuhat ulit at binagsak at Binuhat hanggang malagpasan ang linya.

Next obstacle ay ang medyo malaking bilog, na nakasabit sa bakal at medyo umikot ito dahil sa hangin.
At alam niyo ang malala? Umaapoy ito.
Nag concentrate akong mabuti, at tinignan ng mabuti ang pag galaw non.

Nang matansya ko ang pagharap nito ay tumakbo ako ng mabilis at lumusot sa gitna ng umaapoy na bilog na iyun.
Nagpagulong gulong pa ako ng dalawang beses at tumayo agad.

Next obstacle ay ang bakal na parang hagdan ngunit naka pahiga ito sa taas.
Ngunit kailangan ko munang isuot ang napakabigat na bagay na hindi ko alam ang tawag don na nilalagay sa beywang ko.
Umakyat na ako at lumambitin sa isang bakal.
Huminga muna ako ng malalim bago lumambitin sa kabilang bakal.
Fuck! Ang bigat ng nasa beywang ko!!!
I gritted my teeth at lumambitin ulit ng lumambitin, hanggang matapos. Tinggal ko agad ang hinayupak na mabigat na bagay na iyun.

Next naman ay ang isang kawayan na dapat kong daanan na walang hinahawakan. Kaya iyun ang ginawa ko ng walang kahirap hirap.

Last obstacle, ay ang isang mataas na pole na may isang black na flag.

TROUBLEMAKER ACADEMY: All boys school: School for TroublemakerWhere stories live. Discover now