The confrontation

187 12 1
                                    


Three days later...

Three days later

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

GAV POV: One week na nakalipas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

GAV POV: One week na nakalipas. I need to talk to Cairo para marinig nya ng personal yung gusto kong sabihin. Hindi ako babalik. Diko alam kung hindi pa o hindi na. Gulong-gulo parin ako. Sabi nila hindi mawawala ng bigla yung pagmamahal mo kung walang 3rd party. Well in my case. Wala...

Tinext ko si Cai na malapit na ko at nakisuyong buksan nalang niya yung gate para makapasok ako agad. Ayokong makita yung mga mata ng nasa paligid. For sure nagtataka na mga kapitbahay ilang araw ng wala tong motor ko.

Eto...walang pinagbago. So, di niya pa sinilid yung mga gamit ko.

"Baby..."

Niyakap ako ni Cairo pero kumalas din ako kaagad.

"Sinabi ba sayo ni Pearl?" Tanong ko kay Cairo habang paakyat ng kwarto.

"Oo baby... Baby...sorry na please."

Alam ko naman ito ang paulit ulit niyang sasabihin.

"Wala kang kasalanan. Ako lang to. Ako lang may problema.", sagot ko sa kanya habang kumukuha ako ng mga damit. Bumili ako ng ilang damit ko pero mauubos agad pera ko kung di ako kukuha dito.

"Baby...baka naman pwedeng magusap muna tayo...bakit kumukuha ka na ng mga damit mo?" , pagpipigil sakin ni Cairo. Niyayakap nya ako. Pero patuloy ako sa pagpiglas.

Pagtapos ko magimpake ay umupo muna ko sa kama. Ang totoo niya bumu-bwelo ako kaya inuna kong kumilos.

"Sorry...hanggang dito nalang siguro tayo. Wag ka mag alala sakin. May ipon naman ako eh. May nahanap akong murang apartment. Nagaapply nadin ako ng trabaho. Sana matanggap agad."

"Baby...kung feeling mo wala kang nagagawa sa coffee shop or parang hindi ka importante, you're wrong. Sorry sa mga nasabi ko noon kung feeling mo minaliit kita or what..."

"Cai...tama na. Buo na yung desisyon ko. Kung gusto mong bumalik sa inyo, go. Mahirap mag isa ka dito."

"Mahirap talaga kaya pls wag mo naman akong iwan dito... sabi mo mag-uusap tayo...pagusapan natin to. Let's work things out baby... Mag-asawa tayo. Kasal tayo. Nangako tayo sa isa't-isa. Saka ano yung dimo na ko mahal? Or wala ka ng nararamdaman para sakin? Baby...di ako naniniwala. "


Ayoko pa sana magsalita pero masyado ng maraming luha ang umaagos sa mga mata ni Cairo.

"Cairo...tama na. Wag ka umiyak. Feeling ko masyado tayong nagmadali? Porket may pampakasal na, dineretso na natin? Sorry pero I thinks it's the best thing to do. For me, for you...for us. Hanggat nandito ako lagi lang tayong mag-aaway. Immature ako diba? Eh...ganito ako eh. I tried my best naman eh. Sinubukan ko naman makibagay. Pero wala eh. Di padin sapat. Baka nga di ako para dito. Di ako para sayo...."

At tuluyan ng lumakas ang pagiyak niya. Ako...pinipigilan kong umiyak...Niyakap ko siya at sinabing...

"Sana balang araw maintindihan mo din ako....at mapatawad... please wag mo kong habulin. Wag mo kong hanapin. Magpakatatag ka. Magiingat ka. Magpahinga ka ha. Di yung lagi kang napupuyat."

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. ..

"Baby....please wag naman ganito... I love you... I need you.. promise magbabago ako..."

Mas humihigpit ang pagyakap nya kaya naman kumalas na ako. Hinawakan ko siya sa balikat at sinabi ang mga huling salita...

"Paalam Cairo...patawad..."

Yumuko siya at tinanggal ang mga kamay ko sa kanyang balikat. Halos isang minuto ang lumipas, inangat nya ang kanyang mukha at sinabing...

"Paalam baby... mahal kita... kahit malabo parin sakin ang lahat ng 'to... hahayaan na kitang umalis, pero maghihintay ako... maghihintay ako bilang asawa mo."

Naramdaman kong tutulo na ang liha sa mga mata ko kaya dali-dali na kong umalis.Pinaandar ko ang motor ko habang tuluyan ng dumadaloy ang mga luha mula sa aking mga mata.

"Paalam Cairo... Paalam Baby ko..."

********** (poetry)

********** (poetry)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Paalam Cairo...patawad..." 

Tatlong salitang tila patalim. 

Nag-iwan ng sugat na napakalalim. 

 *Paalam. Salitang walang katiyakan kung ano ang hahantungan. 

 *Cairo. Ako. Akong iniwan nang di matukoy ang dahilan. 

 *Patawad. Isa ba tong pag-aming hindi mo lang kayang ilahad?


Hanggang sa Huli (Until the End) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon