No Cairo... di ako aalis. Oo alam ko galit ka. Pero gusto kong malaman mo na bumalik ako para muli kang samahan... and this time siguradong sigurado akong hindi na kita iiwan.
Tumalikod siya sakin habang patuloy ang kanyang pag-iyak.
Bakit dimo man lang sinubukang tanungin ako ulit kung papayagan kitang mag abroad or mag explore?
Akala ko...di mo ko papayagan.
Akala mo... kasi binase mo yung assumptions mo sa mga nauna nating discussions. Saka talagang tini-ming mo na namo-mroblema sa shop? Sana...sana hinintay mong maging ok muna tapos saka ka tyu-mempo?
Ramdam ko yung kirot sa puso niya. Pero naniniwala akong mahal padin ako ng baby ko. Sinubukan ko siyang yakapin...
Cairo...Baby... Sana bigyan mo ko ng chance...
Hindi siya kumalas sa pagkakayakap ko kaya tinuloy ko na...
Baby... sorry... sana mapatawad mo 'ko. Hindi man ngayon, o bukas o sa makalawa...pero araw araw akong magso-sorry at babawi sayo hanggang sa tuluyan mo na kong mapatawad.
Mahal na mahal kita... Sorry pinairal ko yung pride ko... Sorry kasi di ko inintindi na hirap na hirap ka talaga nung mga panahon na yun. Sorry kasi mas pinili kong lumayo... Sorry kasi naduwag ako...Sorry kung muntik na kong matukso... at pinapangako kong wala ng kasunod yun. Pinakontak ko siya kay Roy para makapag usap kami nung nasa Singapore ako. Ayon sinabi kong tigilan na niya ko. Don ko nalaman na tinext ka pala niya... kaya baby...pangako...sayong sayo lang ako. Di na ko lalayo. May offer pa sana sakin don ung tita ni Roy pero sabi ko dina ko babalik.
Wag kang mangako...patunayan mo nalang.
What do you mean baby?
Kunin mo nalang yung mga maleta mo don sa labas.
No baby... di ako aalis. Please... kahit wag mo kong pansinin ok lang. Gusto lang kitang bantayan. Pagluluto kita lagi. Ipagddrive kita. Lahat gagawin ko baby...
Kunin mo yung mga maleta mo sa labas tapos ipasok mo at ibalik mo sa cabinet.
Salamat baby!
ROY POVBakit kaya wala pa si Gav? Matawagan nga.
Roy: Hello tol ano na?
Gav: Dito na ko matutulog.
Roy: Ha? Bakit? Okay na kayo?
Gav: Hindi pa pero...I'll do my best para tuluyan nya kong mapatawad.
Roy: So partly napatawad ka ganun?
Gav: Siguro? Kasi di naman nya ko pagstayin dito kung hindi dba?
Roy: Hay salamat naman. Sinabi mo ba yung kay Barry?
Gav: Oo naman. Sinabi ko lahat.
Roy: Oh ung mga damit mo nakita mo?
Gav: Oo ang pangit ng pagkakatupi! Di mo padin nakuha yung skill ko sa pagtutupi. Haha
Roy: Siraulo. Sige na... Tawag ka lang kapag may kelangan ka.
Gav: Salamat tol!
Masaya naman ako.. totoo... selos? Siguro... inggit? Kasi hindi ako yung nakatuluyan ni Sir Cairo. Pero at least napunta sya sa best friend ko. Oo nung bumalik ako dito... Gusto kong maghiganti kay Gav. Kaya nung nalaman kong may problema sila nakakita ako ng chance.
Kaso nung pinaliwanag sakin lahat ni Gav na hindi naman niya inagaw si Cairo sakin eh kahit papaano natauhan ako. Pero habang nasa Singapore siya aminado akong muntik na kong matempt na mag take advantage kay Cairo. Pero nung sinamahn ko siyang uminom di niya namalayan mga sinasabi niya...
Flashback
Cairo: Alam mo ikaw. Sabi mo movie marathon bakit may dala kang alak?
Roy: Eh...namiss ko nadin kasing uminom. Konti lang naman to.
Cairo: Sanmig pa talaga ha. Alam mong mabilis ako tamaan dyan.
Roy: Edi isa lang sayo. Akong uubos nito.
2 hrs later..
Cairo: Alam mo...ang sakit sakit ng ginawa ni Gav...pero naghhintay padin ako...
Roy: Kala ko ba ayaw mo na?
Cairo: Ewan ko ba...? Alam ko...kami talaga yung destiny..... Pagsu..bok lang to..
Roy: Pano kung iniwan ka niya kasi may iba na sya?
Cairo: Yun lang... tingin mo? Meron?
Roy: Wala. .. i mean wala siguro?
Cairo: Haha bakit ko ba tinatanong sayo...
Roy: Cairo...minahal mo ba talaga ako noon?
Cairo: Oo naman... kaso... natakot ako sayo eh..
Roy: Pano kung nagbago na ko? Okay na ko Cairo... Successful, maayos ang buhay.
Cairo: May asawa na ko...
Roy: Iniwan ka nya...
Cairo: Bullshit ka... hahaha nang aano ka no? Babalikan ako non... babalik yung baby ko...
Flashback ends....
Hindi ko yun sinabi kay Gav... pero mula non, tinigil ko na yung slight fantasy ko.
I just decided to be a dakilang.. kaibigan.
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli (Until the End) BOOK 1
FanfictionA #CaiReel AU where Cairo and Gavreel Alarcon already tied the knot 3 years ago. But no matter how in loved they are to each other, just like what any other married couples experience, they are in this what they called as "3-yr-itch". Can their lo...