Prologue

22 2 0
                                    

WARNING:
THIS CHAPTER MAY CONTAIN SCENARIOS WITH PHYSICAL VIOLENCE.

...

"This can't be real!" utas ko habang niyuyugyog ko ang duguang katawan ni Elezalde. I'm trying my very best to cover his wound with my bare hand just to stop it from bleeding but it does not really help.

"Elezalde please wake up!" I cried.

Habang hawak ko ang kamay niya ay pinipilit kong tinatatagan ang loob ko. He can't do this to me. He can't leave me alone. Siya nalang ang nag-iisang dahilan ko para magpatuloy sa buhay kong ito so he can't die right now.

I call forth all of my hopes and hold it at that time being, not until...

"W-wait no... hindi! Elezalde gumising ka!" hiyaw ko nang hindi ko na maramdaman ang hininga ni Elezalde.

Kaagad gumuho lahat ng pag-asang matagal kong inipon. Paano na ngayon? Sino na lang ang magliligtas sa akin?

Ito na ba 'yon? Is this the end of the line for me?

No! This can't be happening. Hindi ako makakapayag na sa ganito lang mauuwi ang buhay ko. I didn't deserve to be in this situation. I badly need to be loved. I deserve to be with someone I love and live with happiness for a lifetime.

I want Elezalde.

I need nothing but him.

This time without Eli is just a crap.

Hindi pa huli ang lahat para sa amin. May magagawa pa ako!

Maaaring talunan ako sa mundong ito, pero may paraan pa.

And the way to save myself from all of these shits is to...

...

"Eli!" sigaw ko na gumising din sa akin mula sa mahimbing kong pagtulog. Kahit hanggang sa panaginip ko ay hindi pa rin nilulubayan ng Tracey na 'yon si Elezalde. I had enough of her and I can't take any of these anymore.

Actually, I've been planning to take an action on how to dispatch that bitch. And I guess, its now the right time execute it.

I abruptly bring myself to my closet. Wala na akong sinayang na panahon at mabilis na nagbihis. Matagal-tagal na rin nang huli kong nasuot ang undercover attire ko and today, I guess its now the right time to comeback. Suot ang isang bagback ay madali akong lumabas ng bahay at pumara ng taxi.

Hindi naman na rin ako isang novice sa pagliligpit ng mga kalat sa bakuran o nakaharang sa dinaraanan ko. I am well prepared for this at tantyado ko na lahat ng kilos na gagawin ko. Well, I even call myself the Unhunted Queen dahil wala pang nakakahuli sa akin. I work with no traces. Siguro kung may makakahuli man sa akin, iyon ay ang isang katulad ko. I mean, someone who has survival and hunting traits na mayroon ako. Or inshort, wala!

I am confident that no one in this world can ever beat me.

"Kuya pakibaba nalang po ako diyan sa kanto. Huwag niyo na pong suklian." Sabay abot ko ng isang blue bill sa driver ng taxi na sinakyan ko.

"Salamat po ma'am, ingat po kayo!" pahabol ng driver sa delighted niyang tono but I did not bother to look back at him. Appreciated ko naman ang concern niya but well, ang pag-iingat ay sobrang natural lang sa akin. My actions are accompanied by it naturally and effortlessly as breathing.

Luminga-linga muna ako sandali to make sure that no one is around. Nang masiguradong walang ibang tao ay sumuot ako sa madilim na sulok at kaagad na nagpalit ng damit. Inilagay ko naman ang hinubad kong damit sa loob ng bag at iniwan ko ito sa lugar na hindi madaling makita para mamaya ay makapagpalit ako ulit at makauwi na parang walang nangyari.

Suot ang isang black hoodie ay madali akong naglakad patungo sa bahay ni Tracey, ang babaeng lumalandi kay Elezalde. Ilang beses ko na siyang nahuhuling umaaligid sa malapit sa boyfriend ko kahit na ilang beses ko na siyang binabalaan.

Nakatingala kong tinatanaw ang bahay ni Tracey habang pinag-aaralan kung paano ako makakapasok sa loob without breaking any doors or windows. Isang butas lang ay sapat na at iyon ang kailangan kong mahanap. Pasimple akong naglakad sa paligid ng bahay niya and by mere luck, I successfully managed to find a way to infiltrate the house.

Walang hirap kong naakyat ang bakod ng bahay at mula sa roon ay umakyat ako sa veranda by stepping on the window grills. I successfully made it to the second floor quickly at dahan-dahan kong tinulak ang nakauwang na pinto para makapasok mismo sa loob.

Hindi na rin ako nahirapan pang hanapin ang kwarto niya dahil nakadalawang ulit na rin akong nakapunta sa bahay niya dahil everytime na ini-invite nilang magkakatrabaho si Eli ay sumasama ako.

Finally, I managed to enter her room. Madilim man ay kitang-kita ko kung gaano kasarap ang tulog ng malanding babaeng nasa harapan ko. It seems that she's been enjoying hanging out with my man habang may tampuhan kami. Ahas! isa siyang ahas na dapat ay pugutan ng ulo para 'di na makapanuklaw pa.

I draw a grinning face at saglit na tiningnan ang kitchen knife na ipinuslit ko mula sa kusina nila. Swerte pa siya dahil I will let her die in an unscathed manner. And so I slit her throat quickly. Agad na sumirit ang masaganang dugo mula sa sugat sa leeg niya. Her viscous blood rained all over the room. It may sounded weird but I love it how her room was painted red.

Gusto ko pa sanang namnamin ang mga nakikita ng mata ko nang makarinig naman ako ng mga yabag papunta sa kwarto ni Tracey, kaya iniwan ko ang bangkay niya and made a perfect escape thru her room's window.

The moment I landed on the ground ay isang malakas na tili ang narinig ko. Panay ang linga ko sa paligid para magmasid kung may ibang tao and as expected, wala ng tao ang nasa labas ng ala una ng umaga. Kalmado akong naglakad papunta sa lugar kung saan ko iniwan ang bag ko.

Subalit...

"N-nasaan na 'yong bag ko?" I asked myself dahil wala na ang bagpack ko sa kung saan ko iyon itinago.

Wala namang tao sa paligid at siguradong kung mayroon man, hindi naman niya dapat makikita ang bagpack ko sa pinaglagyan ko dahil madilim.

"Shit! Hindi pwede!" natataranta kong sabi. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko subalit hindi ko maintindihan kung bakit parang natatakot ako ngayon.

Patuloy kong hinanap sa paligid yung bagpack ko habang pilit ding pinakakalma ang sarili ko. Subalit natigilan ako nang makarinig ako ng mga hakbang sa damuhan sa bandang likuran ko.

"Hi Selene!" bati niya nang buong tuwa. Dalawang salita lang ang binanggit niya pero nanindig lahat ng balahibo ko nang marinig iyon.

Ang boses niya...

I can clearly recognize it. P-pero imposible.

Agad nilamon ng kawalan ang buong sistema ko at hindi ako makapag-isip ng tama.

"I guess alam ko kung anong hinahanap mo," sambit ng tao sa likuran ko. Ayoko mang lumingon sa likuran ay parang nagkusa ang katawan kong gumalaw para tingnan ang mukha ng tao sa likuran ko.

Nang makita ko ang mukha niya ay nakangisi siya. Everything went blank at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nasa misteryong nasa harapan ko. This c-cant be...

"Goodbye Uncaptured Queen," sabi niya.

"N-nooo-"

...

The Murderer's Escape [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon