Pasado alas sais na nang lumingon si Elezalde sa orasan. May liwanag na rin sa labas pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Panay silip niya sa cellphone niya at tila ba may hinihintay na tawag mula sa kung kanino.
Matiyaga siyang naghihintay ng balita mula sa nobya niyang si Selene, pero hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa rin itong paramdam sa kanya. Nagtatampo na si Elezalde subalit sa kabila no'n ay nag-aalala pa rin siya sa nonya niya.
Mahal niya si Selene at sa kanya na niya pinaplano ang pamilyang gusto niyang itaguyod sa hinaharap. She's been there during his ups and downs at sobrang swerte ng lalaki dahil nagawang talikuran ng babae ang masaganang buhay niya para sumama sa kanya.
Lagi rin itong nakasuporta sa mga bagay na gustong ma-achieve ni Elezalde kahit pa sobrang imposible niyon at taliwas sa sarili niyang paniniwala. Ganoon kamahal ni Selene si Eli at alam na alam iyon ng lalaki sa sarili niya.
Kaya naiintindihan niya kung bakit ayaw nitong may umaaligid na ibang babae sa kanya. At nito lang ay nagtalo na naman sila kaya naman sa ibang bahay nagpalipas ng gabi si Eli.
Sa tuwing nag-aaway kasi sila ni Selene, mas pinipili niyang magpakalayo-layo para hindi na umabot sa magkasakitan sila in both verbal and non-verbal manner.
Kagigising lamang ng binata at nagdesisyon na ring bumangon sa higaan at tinanaw ang view mula sa kabilang ibayo ng bintana. Maganda ang tanawing nakikita niya but his mind is too shallow and doesn't seem to care of anything. He's missing Selene pero wala siyang magawa kundi ang hintayin ang go signal nito bago siya makauwi sa apartment nila. Ang weird lang ngayon dahil dapat by this time ay may text or call na siyang na-receive mula sa babae.
Napaka-sweet ni Selene and that sweetness of her is Eli's daily dose. Kaya sobrang nami-miss niya ang nobya kahit wala pang isang buong araw ang lumipas nang umalis siya sa apartment nila.
Aminado naman siya na may pagkukulang din siya sa relasyon nila dahil din sa trabaho niya bilang isang research agent at in good terms naman sila ng girlfriend niya sa issue na 'yon. Time is never an issue dahil alam naman ng babae na sa trabaho at bahay lang talaga nilalaan ni Eli ang oras niya. The case here is that, palaging nagseselos si Selene everytime may ibang babaeng nakapaligid kay Eli.
Sa katunayan ay kahit naman 'di sabihin ng nobya ay umiiwas din si Eli na mapalapit sa ibang mga babae. Bukod kasi sa pinag-aawayan nga nila iyon ay may past traumatic experiences din siya sa mga babae.
Parang sumpang bigla nalang ibinigay sa kanya ng nasa itaas, na sa tuwing may mapapalapit na babae sa kanya ay mapapahamak sila.
Matagal-tagal na rin no'ng huling may napahamak na babaeng malapit sa kanya. And it seems that the curse was actually lifted by Selene. Weird pero simula nang dumating sa buhay niya si Selene, natigil lahat ng masasamang bagay sa buhay niya. She's an angel that saved him from the curse that fucked him up in the past.
Kaya kahit na ilang beses silang mag-away, he won't let her go. Mag-aaway sila pero hindi makakapayag si Eli na maghiwalay sila.
Ilang sandali lang din ang lumipas ay biglang nag-vibrate 'yong phone ni Eli. Kaya agad-agad niya ring in-unlock 'yon dahil sigurado siyang iyon na ang message na kanina pa niya inaabangan mula kay Selene.
Nang mabuksan na niya ang phone niya, disappointed siya nang makita niyang mali ang akala niya. The message was sent by his team leader. He's calling out the whole team and asking them to rush over to the headquarters.
Kunot-noo naman siyang napaisip kung anong nangyari sa HQ at mukhang kailangang-kailangan sila doon ng ganoong kaaga. At bakit naman tsumempo pa kung kailan may dapat silang ayusin ni Selene.
BINABASA MO ANG
The Murderer's Escape [ONGOING]
Mystery / ThrillerWala na ngang mahihiling pa sa kanyang buhay ang isang Elezalde Victoriano. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa isang Science and Research Center at namumuhay ng normal. May maayos na trabaho at kita, mayroong bahay na 'di kalakihang tinutuluyan, may...