Chapter 3 - In the Shadows

9 1 0
                                    

"Here's your inhaler," abot ni Howard sa akin. Mabuti na lang talaga at mabilis niyang napansing kinakapos ako ng hininga.

"Anong nangyari? What's with the text at nanginginig ka?" usisa pa niya habang papalapit sa teleponong tumilapon sa sahig. Hindi naman ako makapagsalita kaagad dahil sa magkahalong gulat at takot na yumayakap sa buong katawan ko ngayon. Tila nabato ako sa kinauupuan ko at gustuhin ko mang magsalita ay hindi rin alam kung anong dapat kong sabihin.

"Beware Elezalde?" pagbasa ni Howard sa text message na katatanggap ko lang.

"Sino 'to 'tol? Bakit unknown contact?" dagdag pa niya.

"H-hindi ko alam! How would I know eh unknown number nga?!" I answered sarcastically.

"Okay!" pagtalima naman niya sa akin pero halata naman sa itsura niyang hindi siya naniniwala sa akin. Lumapit pa siya sakin uli at ibinalik ang teleponong nahulog ko. Sa itsura niya ay parang wala lang sa kanya ang mga weird happenings na nangyayari ngayon.

Pagkatapos niyang maibalik ang ang phone ko ay kalmado siyang lumakad patungo sa lamesa at uminom ng tubig.

Looking at him makes me think about something. Is he numb or I'm just overreacting?

Nakatitig lang ako sa kanya habang umiinom siya ng tubig. Naghihintay ako ng tamang pagkakataon para muling buksan ang usapan sa pagitan namin. Pagkatapos niyang makainom ay takang-taka siyang tumingin sa akin at sinabi,

"Stop doing that! Nakakatakot 'yang pagsulyap mo 'tol."

Tahasan naman akong lumapit sa kanya habang pilit kong hinahabol ang hininga ko just to confront him.

"Hindi ba mas nakakatakot 'yong kumain tayo ng pagkaing hindi niluto ng isa sa atin?

Imagine, dito pa mismo sa bahay niluto habang nasa HQ ka at habang mahimbing naman ang tulog ko!" anas ko.

Mula roon ay bumakas sa mukha niya ang pagtataka. Sa pakiwari ko ay saka lamang siya nakumbinsing seryoso ako matapos ko siyang mapagtaasan ng tono.

"S-so you mean, hindi talaga ikaw ang nagluto ng pagkain?" nauutal niyang sabi.

"Hindi!" giit ko.

Natahimik kaming dalawa at that time being subalit halata sa hitsura niyang bumebwelo lang siya bago magsalita ulit. 

"Hindi kaya stressed ka lang Elezalde? Baka unconsciously nagluto ka talaga then hindi mo maalala dahil masyadong nakatuon ang isipan mo sa murder case ni Selene? or something like that," agam-agam naman niya.

"Ano?! You can't be serious!"  usal ko naman sabay talikod sa kanya. "Imposible mangyari 'yan dahil okay naman ang mental health ko," dagdag ko pa sa mababa kong tono dahil hindi ko rin sigurado kung stable pa rin ang pag-iisip ko.

"Stress, anxiety or depression can cause forgetfulness 'tol. Baka masyado ka nang nagpapakalunod sa kalungkutan dahil sa nangyari kay Selene," sabi pa niya dahilan para mas lalo kong pagdudahan ang sarili ko.

Katahimikan muli ang pumagitna sa aming dalawa. I can't argue anymore dahil may punto rin naman si Howard. Medyo nakakalimot nga rin ako recently at totoo namang masyado akong naka-focus sa kaso, na siyang maaaring dahilan kung bakit napapanaginipan ko si Selene. 

"'Tol uso magpahinga. Saka huwag mong igugol ang buong buhay mo sa kaso. Kung nandito si Selene, she'll probably get mad. 

Oh pano, magpapahinga na muna ako sa kwarto. If you need something, bahala ka nang kumalkal diyan. Antok na ako!" pagpapatuloy pa niya bago tuluyang umalis. Naiwan naman ako malapit sa sofa. Tulala at tila nababagabag sa isang bagay na hindi ko matukoy kung ano.

The Murderer's Escape [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon