Chapter 4 - Connections

8 0 0
                                    

"May unknown contact ding nagte-text sa'yo?" pamungad kong tanong kay Sofia. Based on how she look, she's full of confidence.

She just smiled at tumango lang. Muli ko namang binalikan ang screen ng phone niya at tiningnan ang details at history ng text message na sinend sa kanya.

"I received that text nang makauwi ako," paliwanag niya na talaga namang pinatutunayan ng message details. Natanggap niya ang text message at exactly 6:16 PM. Agad-agad ko namang nilabas ang phone ko para tingnan ang text na natanggap ko para maikumpara sa natanggap ni Sofia. Mabusisi kong inobserbahan ang dalawang texts and I noticed something.

Natanggap ko ang text nang mas maaga. I received it 5:29 PM. Hindi lang iyon ang napansin ko dahil iisa lang din ang text format ng mga messages. Finally, the texts were sent from the same number. So technically, iisa lang talaga ang text sender ng mga weird messages na natanggap namin ni Sofia.

Tahimik akong nag-iisip habang nakatitig sa screen ng phones sa magkabilang kamay ko. I'm trying to draw conclusions from the raw information I had on hand nang bigla namang sumingit si Sofia at sinabing,

"I'm not sure, but I'm certain that it's the serial murderer."

Awtomatiko namang dumapo ang paningin namin ni Howard sa kanya. Magkatulad man kami ng hinala ni Sofia ay hindi ako napalagay nang marinig ko siya. She sounded so sure about it at parang may nalalaman pa siya na hindi niya pa sinasabi sa amin.

Knowing Sofia, she won't utter something if she's not certain about it. So the question here is that, paano niya nasabi ang mga bagay na tinuran niya?

Is she hiding something?

Mula sa kinatatayuan niya ay gumawi siya sa sofa at naupo roon. Sumalumbaba siya at tumitig sa mata ko at tila bumubuo ng isang malalim na koneksyon. Namayani ang katahimikan sa buong silid subalit napakabigat ng tensyong nararamdaman ng bawat isa sa amin. Nabali lamang ang nakakabinging katahimikang iyon nang magsalita muli si Sofia.

"So huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa," pamungad niya habang salitan niya kaming tinitigan ni Howard.

"Looking at you two, you're giving me an expression na inaasahan ko and all I can say is that, you badly need me kung gusto niyo talagang mahuli ang salarin."

Pagkatapos sambitin iyon, she made a rested face at sandaling tumingin sa kuko ng kamay na ipinansalumbaba niya. She seem so unbothered given the fact na nakatanggap siya ng isang death threat. Pagkatapos ng ilang segundo lang ay nangalumbaba siya uli at ngumisi sa akin.

"Do you think, coincidence lang ang pagkamatay ng mga babaeng malapit sayo? 

Do you really believed that Mia merely died because of a car accident? At naniniwala ka ba talagang aksidente lang ang pagkakahulog ni Wendy sa hagdan ng bahay nila?" 

Bitaw niya ng tatlong sunod-sunod na rhetorical questions. Hindi ko naman naiwasang mapakunot ang noo dahil sa mga tinuran niya. Something's really strange here. Anong gusto niyang iparating? 

"Knowing you Eli, alam kong napapansin mo ring may mali sa nangyayari. The killing pattern of the murderer is too obvious, isn't it?

The common denominator that Mia, Wendy, and Tracey had ay pare-parehas silang malapit sa iyo Eli. And that's exactly the reason why I am targeted," she said with her lips pouted. 

Alam kong hinihintay ni Sofia ang magiging response ko sa mga sinabi niya pero wala akong masabi. I'm totally out of words to say at hindi ko alam kung magkakaroon pa ba. Masyadong napuno ang isipan ko ng mga kuro-kurong dapat ay wala kung 'di dahil kay Sofia. Once again, the room was filled of silence and it was Howard who saved the conversation.

The Murderer's Escape [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon